“Are you joking?” nakakunot ang noong tanong ni Serge nang iharap niya ako sa kanya. “No, I’m not. I realized na mali lahat ng ito. Mali na pakasalan kita dahil lang sa pera.” Tumalikod ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Makikita niyang nagsisinungaling ako kapag magkaharap kami. Sa asul na kurtina ako bumaling. “Hindi ako naniniwala at maniniwala sa sinasabi mo kapag ganyan ka. Anong problema?” Kahit gusto kong aminin ay alam kong hindi ko pwedeng gawin. Isa na lang ang naiisip kong paraan. “I was just using you. Pero ngayon narealize ko na mas importante ang pagmamahal kaysa pera.” Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay parang binabayo ng maso ang dibdib ko. “Ano?! Angelina, ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi ako natutuwa, ha. Hindi magandang biro ‘yan. Tigi

