Capitulo Quarenta y Cinco

2114 Words

“Angel!” Pagdating ko sa kabilang gilid ng kalsada ay humarap ang lalaking nagligtas sa anak ko. “Art?” Nagtataka kong tanong. Isang oras pa dapat bago siya makabalik. “Buti na lang maaga akong umuwi! Kung hindi ako dumating, pati ang anak ko mawawala pa sa’kin!” Nakakunot ang noo niya at humihingal na bumulyaw sa akin. Noon ko lang siya nakitang nagalit at noon lang din siya sumigaw sa akin. Kinuha niya ang bag niyang inihagis niya sa gilid ng kalsada. Bitbit si Angel sa kabilang braso ay naglakad si Arturo pabalik ng inuupahan naming bahay. Binalikan ko sa tindahan ang supot ng de lata na naihulog ko nong nakipagsabunutan ako sa babaeng tsismosa. Nang madaanan ko ang tsismosang babae ay nakangisi ito sa akin at nakataas ang kilay. Tuwang-tuwa siguro siya na nasigawan ako ng idol nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD