“Yaan mo na, Ma. Kung y’an bonding nila ni Dad, sulitin mo na lang na panoodn mo silang masaya.Tayo din naman dati may bonding at OP din si Dad doon.” Natawa si Mama at tumango. Napagkwentuhan namin bigla ni Mama noong bago sila magpakasal ay lagi kaming nagshoshopping ni Mama at laging nakabantay si Dad sa amin bilang taga bayad at tagabitbit ng pinamili namin. Nang matapos naman ang kasal nila ay bilyar naman ang itinuro nilang dalawa sa akin at naging pampamilyang laro namin. Iyon naman ang bonding at love language naming tatlo bukod sa pagkain ng ice cream at pagshoshopping. “Ang sa akin lang naman, anak. Sana inenjoy nila ang swimming sa dagat at ibang activities doon. Dumayo lang kamis a Hawaii para maglaro sila ng Play Station na ang bala ay ang bala din naman nila sa bahay.”

