ANGEL Marami na kaming napamili ni Lola. Nang puntahan na kami ng driver niya ay mas ginanahan siyang mag-shopping. Una naming binili ang Reviewer na sinasabi ni Ms. Fatima. Nagikot pa kami sa bookstore at nakakita siya ng ilang libro tungkol sa pagdodrawing at binili niya ang mga iyon para sa ‘kin. Pagkatapos sa bookstore ay may pinuntahan kaming isang malaking boutique ni Lola. Sa itsura pa lang ng lugar ay mukhang mamahalin ang mga paninda roon. Napatunayan ko nga nang pumasok kami sa loob at makita ko na ang mga presyo. Nanguha siya ng mga damit para sa akin at para kay Mama. Kumpletong may mga bag at sapatos pa na kasama. Kahit sinabihan ko siya na marami na kaming napamili ay hindi pa rin siya nagpaawat. Naalala ko pa ang sinabi niya na matanda na siya at madali nang map

