PAGUPO naming lahat sa silya sa dining table ay noon ko napansin na pang-apat nga pala ang table setting. Napangiti ako dahil naisip kaagad ni Mama na imbitahan ang matatalik kong kaibigan. “Ayan, ha. Pinasabihan ko kayo kaagad pagkabalik na pagkabalik ni Lina.” Nakangiting sabi ni Mama sa dalawa. “Thank you po, Senyora Angelica,” sabi ni Serge na parang namumula pa ang pisngi sa hiya. “Sabi naman na Tita na lang ang itawag mo sa’kin.” “Masyadong pormal po ‘yang si Serge. Pero Senyora na lang po talaga ang itatawag namin bilang paggalang. Pero madalas Tita ang tawag ko pala.” Paliwanag naman ni Rina. Ganoon din naman ako sa mga magulang nila. Minsan ay Tita ang tawag ko ngunit madalas ay titulo na Senyora o Donya sa ina nila. “O siya kumain na tayo,” sabi ni Mama.

