INABOT din ng halos treinta minutos ang pagkukulong namin sa banyo ni Mama. Paglabas namin ay nakapalit na ako ng damit at nakaligo na rin ulit sa loob. May shower enclosure naman doon kaya’t nakaligo ako kahit nasa banyo rin si Mama at patuloy akong pinagpapaliwanagan ag binibilinan ng mga dapat at hindi dapat kong gawin. Paglabas namin ng banyo ay nakatulog na si Rina. Napangiti ako dahil yakap niya ang litrato naming tatlo nila Serge nang makatulog. Dahan-dahan kaming lumabas ng silid para hindi siya magising. Alam kong magagalit siya kapag nalaman na nagpaayos ako na hindi siya kasama. Gusto ko lang siyang sorpresahin kapag nakaayos na at nakabihis ay sak ako siya gigisingin. Isang oras din ang itinagal ng pag-aayos sa amin. Dahil light make up lang ang sa akin, mas mataga

