Umiiyak ako habang inaalalayan ako ng bagong kasambahay patungo sa hapagkainan. Nakaukit parin sa isip ko ang sunog na katawan ni Tiago. Galit na galit ako kay Jace. Hindi ko sya mapapatawad! "Mam, tahan na po.. Baka mapagalitan ako ni Sir." Inalalayan nya ako sa pag-upo sa upuan ngunit hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. "Wala na ang anak ko.. Pinatay sya ni Jace.." "Sshh.. Kain na po kayo. Masarap po ito." Umiling ako ng marahas. "Ayoko!" "Sige na, Mam. Baka mapano ang baby na pinagbubuntis nyo kung hindi kayo kakain." Natigilan ako sa sinabi nya. "B-Baby?" Tumingin ako sa kasambahay. Ngumiti sya at tumango. Pero napaiyak muli ako ng maalala si Tiago. "Iwan mo muna kami, Marie." Iyak ako ng iyak hanggang may maramdaman akong maupo sa tabi ko. Nang mapatingin ako rito ay

