KABANATA 17

3815 Words
Tulala ako sa apat na sulok na kwarto kung saan ako inuwi ni Jace. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng ma-ospital ako at mawala si Baby Tiago. Palagi akong umiiyak at hindi ko mapigilan na isipin kung nasaan na ang anak ko. Palaging may bumubulong sa isip ko na umiiyak sya at gutom na gutom. Na hindi maganda ang lagay nya. Sobra akong nasasaktan at hindi mapalagay. "Tiago.. Anak.." Napahagulgol ako. Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ako mapakali. Napatingin ako sa pinto at agad na hinawi ko ang kumot. Bumaba ako ng kama at mabilis akong nakarating sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong lumabas. Naririnig ko ang boses ni Tiago. "Anak.." Napatingin ako sa telebisyon na buhay. Napaiyak ako habang nakatitig sa telebisyon habang unti-unting lumapit doon. "Anak ko!" Hinaplos ko ang telebisyon at nakita ko ang anak ko na umiiyak. Hawak sya ng ibang babae. "Anak ko iyan! Anak ko iyan!" "M-Mam.." Tumingin ako sa kasambahay. Humawak ako sa magkabilang braso nito. "Ang anak ko, nakita ko na.. Tawagin mo dali si Jace. Sabihin mo nakita ko na si Tiago." Napangiti ako na tumingin muli sa telebisyon pero napamaang ako ng makitang wala na ang anak ko. "Tiago! Nasaan ang anak ko?! Ibalik nyo sya!" Pinaghahampas ko ang telebisyon. "Leave us." Napahagulgol ako habang patuloy sa paghampas sa telebisyon. Napaharap ako sa taong nagharap sa akin sa kanya. Nakita ko si Jace kaya agad akong humawak sa braso nya. "Jace, nakita ko na si Tiago. Nasa loob sya ng telebisyon. Kunin na natin sya." Napahinga sya ng malalim. "I'm sorry, Honey." Niyakap nya ako kaya napahagulgol ako. "Nakita ko na sya.." "I'm sorry if I lose our child." "Miss ko na si Tiago. Ibalik mo sya sa akin." kumalas ako ng yakap sa kanya at tinignan ko sya habang galit ako, "Bakit hindi mo parin sya binabalik?! Sabi mo ibabalik mo si Tiago! Sabi mo ay hahanapin mo sya! Bakit wala parin sya?!" Tinignan nya lang ako habang panay ang hampas ko sa dibdib nya. Napapikit sya saglit at dumilat sya. "H-Honey, our baby is in your tummy." Napakuno't noo ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa tiyan ko. "Wala naman si Tiago." Hinawakan nya ako sa mukha at pinatingin sa kanya. Ngumiti sya. "You are pregnant again. And if you gave birth..our tiago is back." Napamaang ako. "Huh? B-Buntis ako? Si Tiago ang nasa loob?" Tumango sya. Inalis ko ang kamay nya at napahawak ako sa noo ko. Inisip ko kung nanganak na ba ako kay Tiago. Napasinghap ako at tumingin kay Jace. "Hindi ko pa naipapanganak si Tiago?" Mapait na ngumiti sya at tumango. "Y-Yeah." "Pero bakit naalala ko nahawakan ko na sya." "It's just your imagination. Our Tiago is still in your tummy." Napamaang ako at napahawak sa tiyan ko. Nandito lang pala si Tiago. Napangiti ako at tumingin kay Jace. "Akala ko nawala na ang anak natin. Akala ko ay nakuha sya ni Orfina. Kelan ko mahahawakan ang anak natin?" "You have eight months, Honey." Hinaplos nya ang mukha ko at pinalis ang luha sa pisngi ko. Nang sabihin nya iyon ay hindi ko mapigilan na sumaya. Hinaplos ko ang tiyan ko at nakakatuwa dahil ang laki na nya. "Boss." "I said leave us alone." Nagtaka ako ng magtagis ang bagang ni Jace. "Boss, narito ang Dad nyo." Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Jace. "Bakit, Jace?" Tumingin sya sa akin at nawala ang pagsama ng timpla ng mukha nya. Ngumiti sya at hinalikan ang noo ko. "Go back to our room, Honey. I need to talk him. And sleep again, okay?" Marahan akong tumango. "Ida! Samahan mo ang Mam mo sa taas!" "Opo." Tumingin ako sa kasambahay na hinawakan ako. Tumingin ako kay Jace pero napatingin ako sa daan ng akayin na ako ng kasambahay. "Ida, nakita ko na si Tiago. Narito lang pala sya sa tiyan ko." Napangiti na hinaplos ko ang tiyan ko. "Mam, wag po kayong lalabas ng room nyo at sabi ni Sir ay sleep na kayo." "Okay." Lumapit ako sa kama at muling nahiga. Napanatag ang loob ko dahil hindi na ako mangungulila kay Tiago. Narito lang pala sya at malapit ko na syang mahawakan. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti ako. "You are insane! This is not right!" Napakuno't noo ako dahil rinig ko rito ang boses na galit. Pumikit muli ako pero ang ingay talaga. Napahinga ako ng malalim at inis na bumangon. Paglabas ko ng kwarto ay naglakad ako patungong living room. Nakita ko si Jace at kaharap ang Dad nya, si Hammer, at Edward. "I know. But I don't have a choice. Anong gusto nyong sabihin ko? Na wala na ang anak namin?" Napakuno't noo ako. "Sinong anak?" Napatingin sila sa akin ng lumapit ako. Napamura si Jace at agad na lumapit sa akin. "Ida!" galit nyang tawag sa kasambahay. "Honey, I told you to stay in our room and sleep." "Kasi narinig ko ang ingay nyo. Magigising si Tiago kaya nilabas ko na kayo." Napahinga sya ng malalim. "Jace, she needs a mental medication. Hindi makakatulong kung ikukulong mo sya sa bahay mo." "Shut up! Leave our house!" Pagkatapos sigawan ni Jace ang kapatid nya ay inakay na nya ako. "Ida, you are fired! I don't want to see your f*****g face!" Napatulala ang kasambahay. Naguluhan ako kung bakit galit na galit si Jace. "Jace, bakit ka galit? Galit ka rin samin ni Tiago?" Inalalayan nya ako sa pag-upo sa kama at naupo sya sa tabi ko. "No, I'm not mad at you. Don't mind them, okay?" Tumango ako. Tinignan nya ako at hinaplos nya ang mukha ko. "Honey, do you want to go abroad? Doon ay masaya. Hindi tayo magugulo at pwedeng doon mo ipanganak ang anak natin." "Huh? Abroad?" "Yeah." Napaisip ako. "Hindi pa ako nakakapunta doon. Pero sige, punta tayo." Tumawa sya at hinalikan ako sa labi. "Thank you, Honey. I'll promise to you that no one can hurt you again and to our baby. Pangako ko iyan. At wag kang mag-alala. Wala na ang mga taong kumuha sa baby natin. Pinatay ko na sila." Nagtaka ako. "May kumuha sa baby natin?" napatingin ako sa tiyan ko at napaiyak, "Nawawala si Tiago?" Hinawakan nya ako sa mukha at umiling sya habang nakangiti. "No, I'm just kidding." Hinampas ko sya at galit na tinignan. "Wag mo ngang gagawing biro iyon!" Ngumiti sya at tumango. "Yes, Honey. Sorry. Don't mad at me. I love you." Napahinga ako ng malalim at napahikab. "Inaantok na ako. Inaantok na rin si Tiago." Humalakhak sya at tumayo. "Okay, we are going to sleep." Pinangko nya ako at maayos na hiniga sa kama. Sumunod syang humiga at niyakap ako habang haplos ang tiyan ko. "Honey, do you want me to pleasure you?" bulong nya at hinalikan ang leeg ko. "Huh?" Napatingin ako sa kanya. Agad nya akong hinalikan sa labi kaya napapikit ako. Naramdaman ko ang paggapang isang kamay nya sa hita ko at napahawak ako sa braso nya ng maramdaman ko ang pagpasok ng kamay nya sa loob ng panty ko. "OHHH!!" Kumalas ako ng halik dahil hindi ako mapalagay sa daliri nyang pinasok sa pagbabae ko at naglabas-masok. Napapikit ako habang nakikiliti rin sa paghalik nya sa leeg ko. "You are my addiction, Honey. I can't stop owning your body like this." Ramdam ko ang kasabikan sa kanya habang gigil ang mga kamay nya sa pagpapaligaya sa akin. Para akong sobrang nag-iinit sa ginagawa nya. "H-Hindi ko na kaya uhh!" "Pigilan mo." "A-Ano?" Napadilat ako at tinignan sya. Ngumisi sya at bumaba sa pagitan ng hita ko. Napakapit ako sa ulo nya at kumot. Binatak nya ang panty ko pababa at inalis sa mga paa ko habang patuloy ang daliri nya sa pagpasok sa p********e ko. Hindi ko mapigilan na mas mapaungol ng maramdaman ko rin ang bibig nya. Mas lalo akong hindi mapalagay at napapaarko ang katawan ko. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya napasabunot ako sa buhok nya at biglang nanginig. Bumagsak ang likod ko sa kama at hingal na hingal ako. Napatingin ako kay Jace na gumapang paakyat sa katawan ko at nilapit ang mukha sa akin. Muli nya akong hinalikan at nalasahan ko ang kakaibang lasa sa kanyang bibig. Napakapit ako sa braso nya habang ramdam ko ang pagbaklas nya sa belt nya. Mas lumalim ang paghalik nya sa akin at saglit syang bumitaw. "J-Jace.." "Your doctor said that it's okay if we did it while your pregnant." Muli nya akong hinalikan ng maibaba nya ang pantalon at panloob nya. Napakapit ako sa braso nya at naramdaman ko ang pagpasok ng pagkalalake nya sa akin. Maingat ang galaw nya at tila sobrang nag-iingat. Kumalas kami ng halik at nagkatinginan. Ngumiti sya habang ang mga kamay nya ay nakatukod sa kama. "We are now even, Honey. We are both crazy to each other." "Hindi ako baliw!" Humalakhak sya at hinalikan ang mukha ko. "Of course, Honey. Hindi ka baliw. Hindi tayo baliw. Pero mahal na mahal natin ang isa't-isa, right?" Tumango ako. Ngumiti sya at bumaba ang halik nya sa panga ko. Napakapit ako ng mahigpit sa braso nya habang mas uminit ang tagpo sa pag-iisa namin. - Napatingin ako kay Jace na tulog sa tabi ko habang nakaakbay sa akin. Nakahiga ang ulo ko sa dibdib nya. "Jace.." "Hmm." umungot sya pero hindi nagising. Mama! Bigla akong napatingin sa paligid. Narinig ko ang boses ni Tiago. Napatingin ako sa tiyan ko. Napahawak ako rito. "Anak?" Mama! Napatingin ako muli sa paligid. Bigla akong napabangon ng higa. Agad na bumaba ako ng kama at mabilis na sinuot ang nahubad kong damit. Hinanap ko ang boses na iyon. "Anak?" Hindi ko alam bakit naririnig ko ang boses ni Tiago. Nasa tiyan ko pa sya. Bakit naririnig ko na? Nakalabas ako ng bahay. Palinga-linga ako habang hinahanap ko ang boses ni Tiago. "Tiago anak? Nasaan ka?" Napaiyak ako ng hindi ko makita ang anak ko. Hindi ko alam kung nasaan sya at hindi ko namalayan na napalayo na ako. "Tiago anak? Nasaan ka? Narito na si Mama.." Bigla akong napatingin sa kalsada. Nanlaki ang mata ko at agad kong nilapitan ang nakita ko. "Tiago!" Nakita ko si Tiago sa damuhan. Napaiyak ako dahil ang dungis-dungis nya. Niyakap ko ito at hinele. "Narito na si Mama.. Jusko, bakit ang dungis mo? Hay*p na Orfina na iyon! Pinabayaan ka?" Hinaplos ko ang mukha nya na madungis. Napaiyak ako dahil sa wakas ay nakita ko na sya. "Namiss mo ba si Mama? Hindi ka na mawawala sa akin. Hindi na kita pababayaan." Pinakinggan ko ang sinasabi nya at napangiti ako. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo. Napatingin ako sa dalawang babaeng tila galing sa pagdyajogging. Nakatingin sila sa akin kaya tumalikod ako para itago si Tiago dahil baka kunin muli nila sa akin si Tiago. Agad akong naglakad palayo. "Baliw!" Tinignan ko ang paligid dahil hindi ako alam kung nasaan kami. Pero ang mahalaga ay natagpuan ko na si Tiago at tiyak na matutuwa si Jace kapag nakita nya ang anak namin. Lakad lang ako ng lakad habang hinehele si Tiago na nakatitig lamang sa akin at dilat na dilat. Napakasama talaga ng hay*p na Orfina na iyon! Pinabayaan nya lang ang anak ko. Napakadungis nya at iniwan lamang sa damuhan. Oras na makita ko si Orfina ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin sa kanya ang ginawa nya sa anak ko. Nakarating na ako sa highway at naglakad ako para tumawid sa kalsada. Pagdating sa gitna ng kalsada ay nagulat ako ng may malakas na bumusina. Napahinto ako at agad na niyakap ko ng mahigpit si Tiago bago ako napapikit. "Miss, anong ginagawa mo d'yan?! Umalis ka nga!" Dumilat ako at napatingin sa lalake. Nang hindi ako umalis ay bumaba sya ng kotse nya at lumapit sa akin. "Magpapakamatay ka ba?! Balak mo pa akong ipahamak!" "Gusto ko ng umuwi kay Jace. Nakita ko na ang anak namin. Pwede mo ba akong dalhin kay Jace. Matutuwa sya kapag nakita nya ang anak namin." sabi ko at hinaplos ang mukha ni Tiago. "Tsk. Baliw pala 'to.. Tara nga rito!" Hinawakan nya ako sa braso at kinaladkad. Dinala nya ako sa gilid ng kalsada at binitawan na ang braso ko. Umiling-iling ito na lumapit sa sasakyan nya at sumakay. "Napakasama mo! Sisiguraduhin kong isusumbong kita kay Jace!" Agad na pinaharurot nito ang sasakyan kaya inalo ko si Tiago dahil umiiyak. Hinaplos ko ang mukha nito at naglakad na ako. "Tahan na, baby. Uuwi na tayo." Tumingin ako sa daan at napatingin ako sa kotseng biglang huminto sa gilid ko. Nagtaka na tinignan ko ang tao sa loob pero hindi ko naman makita. Bumukas ang pinto at napatingin ako sa sapatos ng taong bumaba sa kotse mula sa backseat. "Nicole." Napaangat ako ng tingin at napakuno't noo ako rito. Tumingin pa ako sa likod ko dahil baka iba ang tinatawag nya. Pero nang walang ibang tao ay tumingin muli ako rito. "Ako?" turo ko sa sarili ko. Ngumiti sya at lumapit. "Oo. Hindi mo ba ako naalala. Ako si Cielo." Napamaang ako at tinignan syang mabuti. Sya si Cielo? Hindi ko sya namukhaan dahil kakaiba na ang ayos at pananamit nya. "Buhay ka?" Natawa sya. "Of course." "Pero paano? Napatay ka ni Jace." Ngumisi sya. "It's a long story." "Wow. Nag-eenglish ka na ngayon." Natawa sya at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Bakit ka nasa lansangan? Tila pinabayaan ka na ni Esteban." Umiling ako... "Hindi. Pauwi na kami ng anak ko kay Jace. Tiyak na matutuwa sya kapag nalaman nyang nakita ko na ang anak namin." Napatingin sya sa baby ko kaya napangiti ako. "Oh, I see.." ngumisi sya, "But you are pregnant again. Kawawa ka naman at pinabayaan ka ni Esteban. Nakayapak ka pa.. Hmm, anyway, gusto mong maglaro?" Tila ako sumaya sa sinabi nya. "Talaga? Tapos makikipaglaro ka rin sa baby ko? Tapos iuuwi mo na ako kay Jace?" Tumango sya at ngumiti. "Oo. Magkakamustahan lang tayo. Tara." Excited na tumango ako ng maraming beses. Naglahad sya ng kamay kaya agad kong hinawakan. Sumakay kami ng kotse at nang makasakay ay umusad na ito paalis. Napangiti ako dahil ang bait talaga ni Cielo. Makikipaglaro pa sya sa anak ko. Hinaplos ko ang mukha ni Tiago at binulong rito na gusto syang makalaro ni Cielo. Ilang sandali lang ay huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas. Nakita ko ang malaking bahay at malawak na bakuran. Biglang bumukas ang pinto at bigla akong natakot kaya agad kong tinago sa likod ko si Tiago. Kamukha kasi ng tauhan ni Jace na hindi mapagkakatiwalaan ang lalakeng nagbukas ng pinto. "Idiot, don't scare her!" Yumuko ang lalake at umalis sa tabi ng pinto. Napatingin ako kay Cielo na bumaba at agad syang naglahad ng kamay sa akin kaya niyakap ko muli si Tiago at kinuha ang kamay ni Cielo. Napatingin ako sa bahay. Ang laki. Pero malaki parin ang sa mga Esteban. "Maglalaro na ba kayo ni Tiago? Gusto nya ng kalaro." "Later, Nicole. Kakain muna tayo." Tumango ako dahil tamang-tama ay nagugutom na ako. Dinala ako ni Cielo sa loob hanggang makarating sa lamesang maraming pagkain. Pinaupo nya ako sa isang silya habang natatakam ako sa mga pagkain. "Nicole, ibigay mo muna kay Celeste ang baby mo. Papaliguan lang nya at pababanguhin." Tumingin ako sa babaeng lumapit sa akin. Agad na naitago ko ang anak ko. "Ayoko! Kukunin nya ang baby ko at itatapon gaya ng ginawa ni Orfina." "Hindi. Paliliguan lang nya. Tignan mo ang dungis ng baby mo. Tsaka ayaw mo ba na papalitan sya ng damit?" Napatingin ako sa babae. "Hindi nyo kukunin sa akin ang baby ko? Ibabalik mo sya agad?" "Of course. Iingatan ko ang baby mo at ibabalik din agad." Nakahinga ako ng maluwag dahil ngumiti ang babae tila mabait naman ito. Kaya agad na nilabas ko si Tiago mula sa likod ko at binigay rito. "Sige. Wag mong itatago ang baby ko." "Oo naman." ngumiti muli ang babae at tumingin sa gawi ni Cielo. Sinundan ko pa ng tingin si Tiago hanggang mawala ito sa paningin ko. "Kain na, Nicole. Para pagkatapos mo d'yan ay maihatid na kita kay Esteban." Napatingin ako kay Cielo dahil sa sinabi nya. "Talaga? Ihahatid mo kami kay Jace?" Ngumiti sya ng malaki. "Oo naman.." "Yehey! Pero maglalaro pa kayo ng anak ko, 'di ba?" "Hmm.. Tsaka nalang. Tiyak naman magkikita pa tayo." Ngumiti ako ng maluwag at tumango-tango. Kumain na ako dahil kanina pa ako nagugutom. At excited na akong makauwi dahil masasabi ko na kay Jace na nahanap ko na si Tiago. Inubos ko talaga ang mga nakahain sa plato ko. Sobrang sarap ng pagkain kaya nabusog ako. Napatingin ako sa tiyan ko at lumaki ang tiyan ko sa kabusugan. "Nicole, your baby." Napatingin ako kay Cielo. At napatingin ako sa babaeng kumuha kay Tiago. Napangiti ako at napatayo. Napangiti ako dahil bago ang suot ni Tiago. Agad na kinuha ko ito sa babae at pinagmasdan. "Hindi ka na madungis, Anak. Say thank you to her." Hinarap ko sa babae si Tiago. Tumango lang ito bago tumingin kay Cielo at may sinabi ngunit mahina ang boses kaya hindi ko na narinig. Hindi ko na sila pinansin at tuwang-tuwa na hinaplos ko ang mukha ni Tiago. Nakasuot din sya ng baby clothes. Mabuti naman at may suot na sya. Kanina ay hubad na hubad sya at ang dungis talaga. "Nicole, tara na.." Napatingin ako kay Cielo. Tumango ako at napangiti. Ngumiti sya at inakay na ako palabas ng bahay. At sinakyan muli namin ang kotse nya. "'Di ba mahirap ka lang, Cielo? Bakit mayaman ka na?" Ngumisi sya. "It's a long story. Wag ako ang pag-usapan natin. Pag-usapan natin ang sa'yo.." Nagtaka naman ako. "Huh?" "Dapat ay wag mong hahayaan na may manakit muli sa baby mo. Kapag may gumawa no'n ay magalit ka." Nagsalubong ang kilay ko. "Talagang magagalit ako! Galit na galit nga ako kay Orfina dahil ninakaw nya ang Tiago ko." "That's right.. Hmm, what about Jace? Paano kung saktan ni Jace ang baby mo?" Nawala ang pagkasalubong ng kilay ko at inilingan si Cielo. "Hindi magagawa ni Jace iyon. Mahal na mahal nya ang anak namin." "Hindi natin masasabi iyan, Nicole. Dapat ay proteksyunan mo rin kay Jace ang baby mo." "Hindi sabi magagawa ni Jace iyon!" Naiinis na ako kay Cielo. "Okay, hindi. Bahala ka, kapag may nangyaring masama sa baby mo dahil sa kagagawan ni Jace, wag kang magsisisi kung hindi mo pinakinggan ang payo ko." Natigilan naman ako pero umiling ako dahil mali sya ng sinasabi kay Jace. Tiyak akong matutuwa si Jace kapag nakita na nya si Tiago na nahanap ko na. Pagdating sa harap ng gate ng subdivision ng bahay ni Jace ay doon lamang ako pinababa ni Cielo. "Dalian mo at umuwi ka na.. At wag na wag mong sasabihin kung sino ako, maliwanag?" Tumango ako at napangiti ako. Agad na bumaba ako ng kotse nya. Tumakbo ako palapit sa gate. "Manong! Manong! Si Jace!" "Naku, Mam, kanina pa kayo pinaghahanap ni Sir." Agad na pinagbuksan ako ni Manong guard. Napangiti ako at pinakita sa kanya si Tiago. "Nakita ko na ang anak ko. Dalhin mo ako kay Jace, dali!" Nakita ko na napakuno't noo ito. "Laruan lang naman iyan, Mam." Nagsalubong ang kilay ko. "Anong sabi mo? Bakit mo tinatawag na laruan si Tiago?" "Sorry, Mam. Ihahatid ko na po kayo kay Sir." Hinawakan ako nito sa braso pero hinawi ko ang kamay nya at inis syang tinignan. Nauna akong maglakad habang masayang-masaya na nakatingin kay Tiago. Inayos ko pa ang damit nito at hinalikan ko ito sa noo. Napatingin ako sa bahay na pamilyar at napangiti ako ng malamang nakita ko na ang bahay ni Jace. "Jace! Jace!" Nang makarating sa bahay ni Jace ay agad akong pumasok. Nakita ko ang bodyguard nya na naglabasan. Pagpasok ko ay nakita ko si Jace na napatayo ng makita ako. "Honey!" "Jace!" Agad akong tumakbo palapit sa kanya at agad nya akong niyakap. "f**k! Saan ka nanggaling at bakit ka umalis ng bahay? Kanina pa kita hinahanap." Ramdam ko ang higpit sa yakap nya kaya nagpumilit ako na kumalas dahil naiipit si Tiago. "Jace, nakita ko na si Tiago. Heto oh." Nang itaas ko ay tinignan nya ang anak namin. Pero hindi nya hinawakan si Tiago at imbes ay tinignan nya ang katawan ko tila ba hinahanap kung may sugat ako. "Don't do that again, Honey?" maawtoridad nyang sabi. "Jace, narinig ko kasi ang boses ni Tiago at heto nakita ko na sya." Napabuntong-hininga sya at hinawakan ang manika. May biglang tumunog. "f**k!" mura nya na kinataka ko. Agad na tumakbo si Jace palabas ng bahay habang dala si Tiago. "Jace, saan mo dadalhin si Tiago?" "Hawakan nyo ang Mam nyo!" utos ni Jace. Hinabol ko sya at nagwala ako ng pigilan ako ng mga bodyguard. Napatingin ako kay Jace na lumabas ng gate at napaiyak ako ng itapon nya sa kabilang lote at malayo sa bahay si Tiago. Biglang tumakbo papasok si Jace at lumapit sa akin bago ako niyakap. Bigla namang may sumabog at nagpumiglas ako kay Jace. Tinignan ko si Tiago at napaiyak ako. "Anak! Tiago!" Tumakbo ako palapit sa gate. Nagpumiglas ako ng may pumigil sa akin. "Bitawan mo ako! Bakit mo sinaktan si Tiago?!" "It just a toy, Honey. He's not our son, okay?" Nagwala ako habang iyak ng iyak habang nakita ko ang apoy na tumupok kay Tiago. Hindi ko makita si Tiago at gusto kong magwala dahil nasusunog sya. "Bitawan mo ako! Sinaktan mo ang anak natin! Bitawan mo ako!" Binuhat nya ako kaya lalo akong nagwala. Pinaghahampas ko sya dahil tama si Cielo. Sasaktan nya ang anak namin. Dinala nya ako sa kwarto at natulala ako habang umiiyak. Sinampal ko sya habang galit na tinignan. "Pinatay mo ang anak natin. Hindi kita mapapatawad." mariin kong sabi. Napahilot sya sa noo nya at tinignan ako na tila nafufustrate sya. "Damn, honey. Sino ang nagbigay sa'yo no'n?" Tinignan ko sya at muli akong napaiyak. "Tama sya, sasaktan mo lang ang anak natin! Dapat nagtiwala ako sa kanya!" Hinawakan nya ako sa mukha kaya pilit kong inaalis ang kamay nya. "Sino sya?" tanong nya ng mariin habang napapatiim-bagang sya. Hinawi ko ang kamay nya at tinignan ko sya ng masama. "Hindi ko sasabihin! I hate you!" Agad na lumapit ako sa kama at napaupo sa sahig. Umiyak ako at napasabunot sa buhok ko. Lumapit si Jace at pinangko ako bago ihiga sa kama. "You can't hate me, Honey. At malalaman ko rin kung sino ang nagbigay sa'yo ng laruang iyon. Sisiguraduhin kong bibigyan ko sya ng surpresa oras na malaman ko kung sino sya." Pumikit ako ng makaramdam ng pagod. Naramdaman ko ang paghalik sa akin sa pisngi ni Jace. Napahikbi ako habang naalala si Tiago. Ang sama ni Jace. Hindi ko sya mapapatawad! © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD