KABANATA 12

3646 Words
MASASABI ko lang na bilang mag-bestfriend ay sobra silang sweet. Ngayon lang ako naka-encounter ng lalake at babae na mag-bestfriend. Kaya nakaramdam din ako ng medyo hindi maganda dahil doon. Pero wala naman akong karapatan dahil kita ko naman na talagang kilala nila ang isa't-isa. "Naalala mo pa ba nung magpunta tayo dito one year ago, Jace?" "Yeah." Tumingin ako sa dalawa. Nakaupo lang kasi ako sa cottage habang kumakain. Habang ang dalawa ay nakaupo sa magkaibang sun-lounger. Nakabikini si Guiliana at naka-summer short naman si Jace habang topless. Ako ay parang wala sa beach dahil mahaba na bestida pa rin ang suot ko. Hindi ko kayang magsuot ng kagaya ni Guiliana dahil tiyak ako na sobrang nakakahiya lang ang katawan ko kumpara sa kanya na may ipapakita talaga. Bumangon sa pagkakahiga sa sun-lounger si Guiliana at lumipat sa tabi ni Jace. "Let's go surfing, Jace. Like what we did last time." "Ikaw na lang. Walang kasama si Nicole." Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng mahulaan ko na titingin sa akin si Guiliana na nakaharap sa gawi ko. "Tsk. Nariyan lang naman siya. C'mon, Jace, magtatampo na talaga ako sa iyo." "Honey, surfing lang kami." Tumingin ako sa gawi nila at tumango ako bago umiwas muli ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ng dalawa at lumakad na palayo sa cottage. Si Guiliana kung makadikit ay akala mo linta. Pero baka nga ganyan na siya kay Jace dati pa. Hindi ko alam pero naiinis ako. Parang ang bigat sa pakiramdam tapos parang gusto kong hilahin si Jace at sa akin lang sumama. Kung titignan ay bagay na bagay sila. At para silang magkasintahan habang masayang nasa tubig at sumusubok na gamitin ang surfing board. Nakaramdam naman ako ng pag-ihi kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kahoy na upuan. Narito kami sa coron, palawan. Kung saan napakaganda ng dagat at cottages dito. Nakita ko ang isang babae na siyang tauhan nitong resort. "Ah, miss, pakibantayan muna ng gamit namin. Magbabanyo lang ako." "Sure, Ma'am." Tumango ako at nagmadaling naglakad para tunguhin ang nakita kong banyo kanina. Nang makarating ay agad akong gumamit at nakaramdam na ako ng ginhawa. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng banyo. May nakabangga ako na lalake kaya agad akong nagpaumanhin rito at tinignan ito. "Jom!" "Nicole!" Napangiti siya at ako man. Si Jom ay dati kong kaklase sa house keeping. At inaamin ko na gwapo siya at habulin ng babae ang looks niya. "Anong ginagawa mo rito? Dito ka ba nagtatrabaho?" tanong ko dahil pansin ko ang suot niyang uniform kagaya ng mga receptionist rito. "Oo. Matagal na rin ako rito. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" "Ah, nagbabakasyon lang rito." "Wow! Bigtime ka na ata ngayon." Nahiya naman ako. "Hindi naman. Sinama lang ako." Ngumiti siya. "Alam mo.. Hindi ka nagbago, pero gusto ko 'yang kasimplehan mo at kita ang kagandahan mo." Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. Natawa ako at umiling. "Mas malabo ata ang mata mo kaysa sa akin." Ngumiti pa siya. "Hindi. Dati pa naman ay maganda ka na, hindi ka lang katulad ng ibang babae na palaayos. Actually, I really-really like you." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Natawa siya at napatingin ako sa kamay niya ng humawak siya sa balikat ko. "Pasensya na kung nailang ka.." "Hindi ayos lang." Nakahinga ako ng maluwag ng alisin niya ang kamay niya. "Saan ka ba? Gusto mong ipasyal kita sa mga tagong kagandahan ng isla na ito?" "Ano kasi.. Pabalik na ako sa cottage namin at baka hinahanap na ako ng mga kasama ko." Tumango siya. "Sige. Magkikita pa naman tayo. Paalis na ba kayo o kakarating n'yo lang?" "Kakarating lang." Ngumiti siya. "Ganoon pala. Nasa reception desk lang ako at tawagin mo ako kung may kailangan o gusto kang puntahan." Tumango ako at ngumiti. "Sige, salamat." Nagpaalam na siya at tumalikod. Napahinga ako ng malalim at napangiti ako dahil hindi ko akalain na magkakaroon kami ng reunion ni Jom. Humarap na ako sa daan patungong cottage pero napahinto ako ng makita si Jace. "Saan ka galing?" Napalunok ako dahil tila nakita niya na kausap ko si Jom. Masama ang timpla ng mukha niya. "Nagbanyo lang ako." Lumapit siya sa akin at nabigla ako ng mariin niya akong hinawakan sa braso bago hinaklit. "Nagbanyo ba 'yung nakita kong may kausap kang lalake, ha? Sino 'yon?" "N-Nasasaktan ako.." pilit kong alisin ang kamay niya pero lalo lang humigpit ang hawak niya. "Talagang masasaktan ka kapag hindi mo sinabi kung sino iyon? Tell me! You want me to investigate him? Kung ako ang gagawa ay sinisiguro ko sa iyo na aalisin ko ang ngiti ng lalakeng 'yon." "Bakit ba?! Wala naman akong ginagawang masama at si Jom!" Lalong sumama ang timpla ng mukha niya at hinawakan niya ako sa likod ng baywang ko bago ako hinapit palapit sa kanya. "Para sa akin ay hindi maganda sa paningin ko ang nakikipaglandian ka sa iba. Subukan mong lumapit muli sa lalakeng 'yon at baka gusto mong magaya siya sa lalakeng binugbog ko." Nagpumiglas ako sa kanya at binitawan naman niya ako. Nauna akong maglakad sa kanya habang sobra akong naiinis sa sobrang pagkaseloso niya. Nakasunod siya sa akin hanggang makarating kami sa cottage. "Why you guys are so serious?" takang tanong ni Guiliana ng makita niya kami habang kumakain siya ng water melon. Hindi ako nagsalita at naupo ako sa sun-lounger. "We are okay." sabi ni Jace. "Okay. Hey, Jace, try this. It's delicious." Tinignan ko sila at inuma ni Guiliana sa bibig ni Jace ang Water melon na kinagatan naman ni Jace. Makapagsalita na lumalandi sa iba, akala mo naman siya ay hindi. Umiwas ako ng tingin at mahinang sinipa ko ang buhangin ng lumubog ang pang-apak ko sa buhangin na puting-puti. Napatingin ako kay Jace ng maupo siya sa tabi ko habang may dalang bowl na may lamang hiwang water melon. "It's good to your pregnancy. Try this." Gamit ang tinidor ay tumusok siya ng isang hiwa at inuma sa bibig ko. Napatingin ako kay Guiliana na umiwas ng tingin. Tumingin ako kay Jace ng hawakan niya ang baba ko para ipatingin lamang sa kanya. Umiwas ako at tinalikuran siya. Ngayon ay nagpapaka-sweet siya matapos niya akong husgahan na nakikipaglandian kay Jom. "Honey, hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako." bulong niya. Napatingin ako sa kanya at napahinga ako ng malalim bago isubo ang pinapakain niya. Matamis at masarap nga ang water melon at halatang fresh pa. Napapahid ako sa bibig ko at marahang nginuya ang kinakain kong pakwan. "Anyway, Jace. How's tita and tito? And also Nana? I miss her. Your little sister is so cute." Tumingin kami kay Guiliana at ako ang nahihiya sa kanya dahil parang balewala lang kahit nakabikini siya. Lumapit siya kay Jace at nabigla ako ng kumandong siya kay Jace. "f**k Liana! Move.." Tumingin sa akin si Jace habang pinapaalis niya si Guiliana. "Why? Parang bago naman sa iyo 'to." humawak pa sa leeg ni Jace si Guiliana at halos idikit niya ang dibdib sa mukha ni Jace. Umiwas ako ng tingin at tumayo. "Where are you going?" agad akong hinawakan sa kamay ni Jace kaya hinawi ko ang kamay niya. "Babalik na lang sa room. Inaantok ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis muli ako sa cottage. Bumibigat ang paghinga ko at napakuyom ang kamay ko. Pinigil ko na mag-init ang sulok ng mata ko at huminga ako ng malalim. Pagdating sa room ay napasandal ako sa pinto at natulala. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko alam pero sobra akong nahihirapang huminga sa ginawa ni Guiliana kay Jace. Ganoon ba talaga ang mag-bestfriend? Tsk. Baka nga naging sila at nagsisinungaling lang si Jace na mahal niya ako. Napahawak ako sa mukha ko at napapahid ng luha. Natawa ako at napalamukos ako sa dress ko sa tapat ng dibdib ko. Ano ba naman! Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Jace. Parang hindi ko pa rin makilala ang tunay na siya. Tumungo ako ng banyo at naghugas ng paa at kamay. Pagkatapos ay lumapit ako sa kama para magpahinga na lang. Sa pagpikit ng mga mata ko ay nakita ko ang eksena na kumandong si Guiliana kay Jace at worse ay nakita ko na higit sa kandong ang naganap sa kanila. Mariing pumikit ako at kinuha ko ang unan bago ko tinabon sa mukha ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nanatili ako sa ayos ko at hindi gumalaw. "Honey.." Umirap ako. Naramdaman ko ang paglundo ng kama at paghawak niya sa baywang ko. Nasa likod ko siya. "Matutulog ka lang talaga? Ayaw mong maligo? Tuturuan kitang lumangoy." Hindi ako sumagot para malaman niyang tulog ako. "Alam kong gising ka pa. Don't mind her. Ganoon kasi ka-liberated si Liana." Talagang hahayaan niya pa rin si Guiliana na kumandong sa kanya kahit may asawa na siya? Kapal ng mukha niyang magselos tapos nakikipaglandian din naman siya sa iba. Lalo akong nainis sa naisip ko kaya hindi ko siya inimikan. Mamatay siya sa kakasalita pero hindi ko siya papansinin. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at pinisil ang baywang ko. May nag-doorbell kaya naramdaman ko ang pagtayo niya sa kama. Medyo hinawi ko ang unan at tinignan siya na patungo sa pinto. Binuksan niya ang pinto at hindi ko na alam kung sino ang nasa pinto. "Good day, Sir. I'm Jeff from food service. Here's your order." "Okay." Pinasok ng waiter ang dala niyang pagkain. Tulak-tulak niya ang cart kung saan nakalagay ang pagkain na mga nakatakip. "That's okay. You can leave now." Nagtalukbong muli ako ng unan sa mukha at pinakiramdaman ang paligid. Sinara na ni Jace ang pinto at narinig ko ang yapak niya. "Honey, let's eat. Alam kong gutom ka pa." Napalunok ako at napapikit. Tama. Kahit kakakain ko lang ay gutom pa rin ako. Paano kaya niya nasabing gutom pa ako? Napahinga ako ng malalim at hinawi ang unan bago bumangon ng higa. Napatingin ako sa kanya at napangiti siya. "Like what I expect." "'Wag kang ngumiti." "What?" natawa siya, "I'm just happy." "Nang-aasar ka!" pikon kong bintang. "No, Honey. I'm just happy to serve you." Inirapan ko siya na kinahalakhak niya at nilapag sa harap ko ang tray na may tayuan. Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "What do you want to eat first?" Tumingin ako sa pagkain at tinuro ko ang fried fish fillet na may sauce sa ibabaw. Hiniwa niya ang fish at tinuhog ang nahiwa niya gamit ang tinidor at inuma sa bibig ko kaya sinubo ko. "What can you say?" Ngumuya ako at nag-thumbs up. Napangiti siya at sumubo rin. Tumango siya at sinubuan pa ako ng ibang ulam.. Kinuha ko ang fresh mango shake at parang humahagod sa lalamunan ko ang lamig. "After this, puwede mong ipagpatuloy ang pagtulog mo. Pangako dito lang ako sa tabi mo." Tinignan ko siya at pinaglaruan ng kamay ko ang straw. "Puwede bang 'wag munang hahayaan si Guiliana na gawin sa iyo ang ganoon?" Tumingin siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata ko. "Okay. I promise." Napahinga ako ng malalim at napababa ng tingin sa shake na hawak ko. "A-Ano.. Hindi naman sa pinagbabawalan kita.. Ano kasi..," "Honey." hinawakan niya ako sa baba at pinatingin sa kanya. Tinitigan niya ako habang nakangiti siya, "It's okay. I like it when you tell that to me." Namula ako pero napapikit ako ng halikan niya ako. Dumilat ako at napangiti ng ngumiti siya ng magbitaw ang labi namin. Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos ay nagpababa ako ng kinain. Nang ayos na ay nahiga muli ako habang si Jace ay nakatanaw sa glass wall habang bukas ang pinto sa veranda. Naninigarilyo kasi siya. Ngayon ko lang siya nakitang nanigarilyo. Pumikit na ako at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Naalimpungatan lang ako ng makaramdam ng gutom. Napadilat ako at tumingin sa paligid. Tumingin ako sa tabi ko pero wala si Jace. Nasaan kaya 'yon? Sakto naman at bumukas ang pinto ng banyo. Nakita ko si Jace at napatingin ito sa akin. "Mabuti at gising ka na." Nagpunas siya ng buhok gamit ang towel. Kakaligo lang niya at naka-towel lamang siya. Banat na banat ang muscle niya at may anim na abs siya na minsan ko nang nahawakan. Umiwas ako ng tingin at kunwari'y naghikab. Nasisilaw ako sa katawan niya at parang malalaglag ang towel na nakapulupot sa baywang niya. Napasuklay ako sa buhok kong mahaba gamit ang daliri ko. Tinignan ko siya na kumuha ng isusuot niya sa bag na dala namin. Umiwas ako ng tingin ng alisin niya ang towel. Lihim na napatikhim ako at bumangon sa kama sa kabilang side kaya nakatalikod ako sa kanya. Kinuha ko ang phone ko sa side table at tinignan kung may tumawag o nag-text ba sa akin. Nang wala naman ay nilapag ko muli sa table at tumayo na ako. Tumingin ako kay Jace na sinusuot na lang ang t-shirt niya. Lumakad ako para umikot sa kama at lumapit sa bag namin. Kumuha ako ng susuotin kong pamalit. Nang makakuha ay binitbit ko 'to kasama ng panloob ko. Tumingin ako kay Jace na naupo sa kama kaya dumeretso ako sa banyo para maligo. Sandali lang ako naligo dahil naghihintay na si Jace. Dito ko na rin sa banyo sinuot ang damit ko at pagkatapos ay lumabas ako ng banyo habang bagsak ang buhok kong basa na pinupunasan ko naman ng towel. Paglabas ko ay napatingin ako kay Jace na nakahiga sa kama at kinakalikot ang phone ko. "Sino 'tong mga lalake sa phone book mo?" Napahinga ako ng malalim. "Mga empleyado mo kaya 'yan." "I see. Next time 'wag kang maglalagay ng number ng ibang lalake." Napairap ako dahil heto na naman siya. Hindi na nga lang ako umimik pa at tiyak na sobra lang akong masusura. Nakakainis na ang pagiging seloso niya. "Are you done?" Tumango ako at kinuha ko ang suklay. Sinabit ko sa sabitan ang towel at inakay na niya ako kahit nagsusuklay pa ako. "Saan nga pala tayo pupunta?" "Speed boat." Ngumiti siya at inakbayan ako. "Huh? Marunong ka ba?" "Of course." "Sige nga, tignan natin." Ngumisi siya at tumingin sa daan. Pansin ko na wala atang Guiliana sa paligid maging sa paglabas namin sa tinutuluyan namin ay hindi ata sumusulpot iyon. "Nasaan nga pala si Guiliana?" Sumulyap siya saglit sa akin at tumingin rin sa nilalakaran namin. Narito na kami sa mabuhanging pangpang ng beach at nakita ko ang isang speed boat na binabantayan ng empleyado ng islang ito. "Bumalik na sa pampanga. Her manager call her for the endorsement shoot." Napatango ako at nakahinga ng maluwag. Mabuti naman. Nakakailang kasi kung narito lang ang presensya niya. Para siyang linta kung makakapit kay Jace. "Good afternoon, Sir, Ma'am." bati ng mga empleyado. "We are okay here. You can leave us." Napakasungit ni Jace at dumiin ang hawak niya sa balikat ko ng ngitian ko pabalik ang mga empleyadong lalake. Nagpaalam ang mga ito at iniwan kami. "Tsk." Tinignan ko si Jace na binitawan ang balikat ko. Lumusong siya sa tubig kaya nabasa ang rubber shoes na suot niya. Inatras niya ang speed boat malapit sa akin. Binitawan niya ito at tumingin siya sa akin. "Come here, Honey." "Sure ka bang marunong ka?" Ngumisi siya. "Of course, sa mga sakayan na ganito ako magaling." Umirap ako ng mahulaan ko ang iba pang kahulugan ng sinabi niya. Napahalakhak siya sa reaction ko. "C'mon! Hindi kita aayain rito kung hindi ako marunong. I'm expert here." Napahinga ako ng malalim at kahit kinakabahan ay lumusong rin ako ng tubig. Naka-tsinelas lang ako. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan palapit sa kanya. Nang makalapit ako ay sumakay siya ng speed boat at naglahad ng kamay sa akin. Humawak ako sa kamay niya at umapak sa inapakan niya. Nang makasakay ay kumapit ako sa baywang niya ng sabihin niya na doon ako kumapit. Binuhay na niya ang motor kaya mas lalo akong kinabahan. "This is it. Just relax and enjoy, Honey." Napapikit ako at mahigpit na yumakap sa kanya ng paandarin na niya. Sumigaw siya sa tuwa kaya dahan-dahan akong dumilat ng makaramdam ng kaginhawaan dahil sa lakas ng hangin. Pagdilat ko ay hindi ko mapigilan na mapangiti ng makita na umaandar nga ito sa tubig. "Marunong ka nga." sabi ko. "I told you. You like it?" Tumango ako at tumingin sa paligid. Ang sarap sumakay at ito ang first time ko na ma-experience. Sobrang saya namin habang iniikot namin ang kalahati pa lang nitong parte ng dagat. Nakakita ako ng kweba. "Wow! May kweba doon, oh!" Turo ko sa gawing kweba at muli akong kumapit sa kanya. "Do you want to go there?" "Oo!" "Okay." Niliko niya ang speed boat at pinatakbo papunta sa nais ko. Nang makarating kami ay namangha ako ng makapasok kami mismo sa loob ng kweba habang sakay ng speed boat. "Wow!" Umecho ang boses ko kaya natawa ako. Hininto na ni Jace ang speed boat sa gilid ng patag na bato na siyang hindi naabot ng tubig. Naunang bumaba si Jace para makaakyat. At pagkaakyat niya ay naglahad siya ng kamay sa akin kaya inabot ko. Nang makaapak ako sa patag na bato ay tumingin ako sa dingding ng kweba at may nakasulat doon. Puro names with love at love matches sa kasintahan ng mga nagpupunta rito. Hawak ako sa kamay ni Jace na inakay pa para maglakad. Tanging patak ng tubig ang ingay at yapak namin. "Ang sarap ng klima rito. Malamig na masarap sa pakiramdam." Umecho ang boses ko kaya natawa ako sa isip ko dahil kahit bumulong ata ako ay mag-e-echo pa rin. "You know what, it's my second time to be here." Aniya. "Talaga?" Ngumiti siya. "Yes." "Sino naman kasama mo?" Lumingon siya sa akin at ngumisi siya. "Hammer and Edward." Mahinang pinalo ko ang braso niya dahil nang-aasar pa ang ngisi niya. "May ipapakita ako sa iyo." aniya. "Huh? Ano naman 'yon?" "Basta." Inalalayan niya ako sa paglalakad at nang makarating kami sa puting bato na dingding ng kweba ay ngumiti siya sa akin at may tinuro. Tinignan ko 'yon at napamaang ako ng makita ang pangalan ko na nakaukit. "I write your name here. You are twenty-two years old that time. At nang magpunta kami rito nila Hammer at Edward ay sinabi ko kung sino ang crush. Ang sinabi nila na kapag isulat ko raw ang pangalan mo rito ay magiging akin ka habang buhay.." Hindi ako makapagsalita at bumilis ang t***k ng puso ko. It means thirteen years old lang siya ng magustuhan ako? "Naniwala ka naman sa mga kapatid mo." sabi ko para malihis ako sa sinabi niya. "Of course. Wala namang mawawala. And look, it's true. You are mine now and you are belong to me forever." Umiwas ako ng tingin at tumingin sa paligid. "Hindi mo masasabi 'yan. Baka nga magbago pa ang lahat." "Magbabago lang kung ikaw mismo ang bibitaw. Pero hindi ko hahayaan 'yon. Dahil hindi naman kita pakakawalan." Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko. "I need to know your feelings to me. Can you say it." Napalunok ako habang magkatitigan kami. Napayuko ako pero inangat niya muli ang mukha ko. "C'mon. Say it, Honey." Napatitig ako sa mga mata niya. Alam ko na kahit naguguluhan ako sa pagkabog ng puso ko kapag tumititig siya, hinahawakan ako, sinasabihan ng sweet word, at hinahalikan ay alam ko na may pagtingin na rin ako sa kanya. Pero natatakot akong aminin dahil baka sa huli ay ako lamang ang masaktan. Binitawan niya ang mukha ko at tumalikod siya. "I guest. You don't love me.." Nagulat ako ng tumalon siya at kumabog ang dibdib ko sa takot. "Jace! Jace! Ano ba!" Hindi siya umahon o lumutang kaya napaiyak ako sa takot. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil sobrang taas ng pinagbagsakan nuyang tubig. "Jace! Ano ba! Umahon ka na please!" Napaupo ako at sinilip ko siya. Napahagulgol ako dahil hindi ko alam ang gagawin. "Oo! Mahal na kita! Please, umahon ka na!" Nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Jace na ngiting-ngiti sa akin habang nakaupo sa likod ko at basang-basa. Humarap ako sa kanya at hinampas siya sa dibdib. "Hayop ka! Bakit mo ako pinaglaruan, ha?!" Umiiyak sa inis na pinaghahampas ko siya. "I'm sorry. I just want to know if you have a feelings to me." Sinampal ko siya at tinalikuran siya bago ako napatakip ng mukha. "I'm sorry again, Honey. But I'm happy to know that you love me, too." Sobra akong naiinis na nahihiya dahil napaamin ako ng wala sa oras. Niyakap niya ako at inalis ang kamay ko sa mukha ko. "My honey is so cute." "Tigilan mo ako! Bumalik na nga tayo." Tumayo na ako kaya napahalakhak siya. Bumaba na kami at sumakay muli ng speed boat. Tinignan ko siya habang nasa likod niya. Nakangiti siya ng malaki na lalong nagpagwapo sa kanya. Hula ko ay dahil sa sinabi ko kaya siya ganito kasaya. Napangiti ako at pinatong ko ang mukha ko sa likod niya bago tumingin sa paligid. Nang makabalik na kami sa pangpang ay sinalubong na kami ng mga empleyado ng isla. Pagbaba namin ay napatingin kami sa taas ng biglang humangin. Hindi ko nasundan ang nangyari dahil napapikit ako at napadapa ng biglang may nalaglag na bomba galing sa chopper, at biglang napuno ng usok at apoy ang buong paligid. Napaubo ako at napadilat ng kaunti. Puro usok ang nakikita ko at hinahanap ko si Jace. "N-Nicole! Nicole!" sigaw ni Jace. "J-Jace.." mahinang sambit ko. May biglang nagtayo sa akin at umikot ang paligid ko habang ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa mata ko. Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere at inaninag ko ang nagbuhat sa akin ngunit lumabo na ang paningin ko at kinain na ako ng ulirat. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD