KABANATA 13

3258 Words
HINDI ko alam kung anong nangyari. Pakiramdam ko ay sobrang latang-lata ng katawan ko. Para akong matagal na hindi gumalaw. Nang idilat ko ang mga mata ko ay malabo ang aking nakikita. Pumikit at dumilat muli ako. Tinignan ko ang paligid at kahit malabo ang mga mata ko ay nakita ko ang hindi pamilyar na kwarto. Napatingin ako sa katawan ko at kahit nanlalata ay bumangon ako ng higa. Napatingin ako sa mga kamay ko na may nakakabit na cord ng dextrose.. Inalis ko ang nakatakip sa bibig at ilong ko na oxygen. Anong nangyari at nasaan ba ako? Tumingin ako sa paligid nitong pinaglalagyan ko. Napatingin ako sa kalendaryo. Mayo na? Sa pagkakatanda ko ay january lang. Napatingin ako sa tiyan ko at napasinghap ako ng makita na malaki na ang tiyan ko. Ibig sabihin ay mahigit apat na buwan na akong walang malay? Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at nakita ko na may pumasok na isang matangkad na lalake at kahit malabo ang mga mata ko ay tingin ko si Jace ito. "Jace? Ikaw ba 'yan?" "Are you alright?" Natigilan ako dahil may kakaiba sa boses ni Jace. Kaboses pero iba. "Hindi ikaw si Jace." "Yeah.." Napamaang ako sa pag amin niya. Naaninag ko ang paglapit niya kaya kinabahan ako. Pero kung hindi siya si Jace ay tiyak na si Hammer ito. "Anong ginagawa ko rito? At bakit ikaw ang narito? Si Jace? Nasaan si Jace?" "You need to stay here." Hindi niya ako sinagot at naguguluhan ako dahil doon. "Ano bang ibig mong sabihin? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Nasaan si Jace at bakit ikaw ang narito? Anong nangyari at ngayon lang ako nagkamalay?" Lumapit siya sa akin at napaiwas pa ako ng lumapit siya pero natigilan ako ng may isuot siyang salamin sa mga mata ko. Nang luminaw na ang paningin ko ay napatingin ako sa kanya. "Naalala mo ba nung may bombang sumabog?" Napaisip ako sa sinabi niya at naalala ang nangyaring 'yon. Bigla akong nag-alala para kay Jace. "Si Jace? Ayos lang ba siya?" Bigla siyang ngumisi at napailing. "You love my brother?" Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. "Don't worry about him. He's f*****g ass good." may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang coat at nilapag niya sa kama iyon sa harap ko. Dalawang litrato at litrato ni Jom at Cielo, "You need to stay here and hide here." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Sa kaso ni Jace ay hindi na ma-kontrol ni Dad. Akala ni Dad na kapag pinagbigyan niya si Jace sa gusto nito ay magiging maayos ang condition niya. But we are wrong. Tuwing magseselos si Jace ay may nagagawa siya na sobra na naming kinabahala." Mas lalo akong naguluhan at nakaramdam din ng kaba. "Hindi kita maunawaan?" Nagseryoso siya. "'Yang dalawang lalakeng 'yan. Alam mo ba na namatay sa bugbog ni Jace?" Napamaang ako at napasinghap. Napatingin ako sa litrato ni Jom at Cielo. Hindi ako makapaniwala. "Hindi na dapat namin binigyan ng lakas ng loob si Jace. Dahil mas lalo siyang lumala. Hindi totoo ang sinabi ko na gusto kita... I mean mahal kita. Paraan ko lang 'yon para mabigyan ng lakas ng loob si Jace dahil nga bilang kakambal ay kailangan ko siyang suportahan. Pero mali kami. Dahil mas lalong lumala ang depression niya at obssession niya sa iyo na humahantong sa pagpatay niya sa mga madikit lang sa iyo na lalake." "Pero 'di ba, ikaw, nakatabi kita noon sa kama gaya ng sabi n'yo na pumapalit ka no'n para hindi ko mahalata na nagpapalit kayo?" "Yes. Pero nasa kondisyon pa noon si Jace at wala siyang choice dahil kailangan niya ng tulong ko." Para akong nanghihina sa mga narinig ko. Hindi ko alam pero bigla akong natakot kay Jace. Si Jom at Cielo na napatay niya ay nakakabahala. "Dito ka muna sa lugar kung saan hindi alam ni Jace. Hindi ka pwedeng lumabas dahil pinaghahanap ka niya. Dahil oras na mahanap ka niya ay harapin mo ang buhay na 'wag makikipag-usap o makikipaglapit sa ibang lalake. Alam mo na siguro ang mangyayari." Napaiyak ako dahil bakit ganito? Parang gusto ko na lang muling matulog ngunit ang anak ko sa sinapupunan ko ang mas inaalala ko. "'Wag kang mag-alala. Oras na bumalik sa dati si Jace ay maaari ka nang makalabas. Kami na ang bahala sa iyo ni Dad at sa pamilya mo. Sa ngayon ay tiisin mo ang lugar na ito." Wala na akong masabi dahil para bang nabablanko ang utak ko sa nangyayari. May tinawag na doctor si Hammer at pinasuri ako kung ano na ang lagay ng kalagayan ko at ni Baby. At sinabi nito na maayos na ako at himalang nagising mula sa pagkakacoma ko. Habang nasa coma ako ay nilagay din pala nila ng parang support ang baby sa tiyan ko para hindi mamatay ang baby ko. Sobra akong nagpapasalamat at nagising ako. Nag-suffer rin pala ang baby ko. Nagdala lang din ng stock ng grocery rito si Hammer para makain ko.. Umalis din siya agad kasama ng doctor dahil baka makatunog daw si Jace. May mga tao siyang iniwan para mahingan ko ng tulong oras may kailangan ako. Tumayo ako sa harap ng malaking glass wall habang nakahawak sa isang support handle dahil hindi ko pa masyado kayang tumayo ng maayos, at nakita ko ang malawak na mga hilerang punong mangga. Tila walang kapitbahay ang bahay na ito at pagmamay-ari ng mga Esteban. Napahimas ako sa tiyan ko at hindi pa rin ako makapaniwala na ang laki na ng baby sa tiyan ko. Mga apat na buwan na lang at manganganak na pala ako. Inisip ko si Jace. Hindi ko akalain na ganoon siya. Na kaya niyang makapatay dahil sa selos niya. Na may sakit pala siyang ganoon. Iyon siguro ang sinasabi ni Lola Gabriella sa akin. Umalis ako sa harap ng bintana at lumapit sa sofa. Kinuha ko ang remote at naisipan ko na manood muna. Hindi ko alam ang nangyayari sa mundo ng mga nagdaang buwan at ayoko naman na mabagot rito. Nilagay ko sa balita ang channel at kahit pala nakatulog ako ay walang pagbabago sa pilipinas. Pero biglang nagkaroon ng breaking news. Nagulat ako ng tungkol sa Jara World ang balita. Reporter: Ang heir at namamahala ngayon sa Jara World na si Mr. Jace Harvy Esteban ay nagbitiw bilang CEO ng Jara at ngayon ay binili nya ang lahat ng negosyo ng armas, gamit sa paliparan, mga barko, at pinasara niya ang resort sa palawan. Kakabukas pa lang ng bagong negosyo niya ay binansagan na agad na mas makapangyarihan na businessman si Mr. Jace dahil sa sobrang taas agad ng income ng negosyo niya, at napantayan na niya ang kanyang ama na alam natin na isa ring namumuno sa mafia at ahensya na tumutulong upang mawala ang mga illegal na gawain sa bansa. Totoo kaya na kinakalaban na ngayon ni Mr. Jace ang kanyang ama na si Mr. Jam Philip Esteban? Nagtayo ng ibang grupo si Mr. Jace na isang mafia din kung saan ay mga banyagang mafia ang kanyang hawak ngayon. Nabalita rin ng mga nagdaang buwan ang pagpapasabog sa palawan kung nasaan mismo si Mr. Jace. Ito kaya ang dahilan kaya nagsara ang resort sa palawan? Kita natin sa video si Mr. Jace na papasok sa kanyang ahensya. Kita ko sa video ang walang emosyon na si Jace habang napapaligiran ng bodyguards upang hindi malapitan ng mga reporter. Nasa isang malaking building kuha ang video at tila ito ang bagong negosyo na sinasabi ng reporter na pinatayo ni Jace. Hindi pinansin ni Jace ang mga reporter hanggang makapasok siya. Para akong nanghihina na makita si Jace. Sa nakita kong blankong emosyon niya ay para akong natakot. ....... Another four months later.. PALAGI akong nakatutok sa telebisyon para makahanap ng impormasyon tungkol kay Jace. Hindi na muling bumalik si Hammer at ang mga nagbabantay sa akin ang nagdadala ng pagkain ko at mga kailangan ko. Na-ultrasound na rin ako rito mismo at kita ko ang kabuuan ng hugis ng anak ko na buong-buo na sa loob ng tiyan ko. Apat na buwan na akong naririto mula ng magising ako at hindi nakakalabas ng bahay na ito. Apat na buwan na ring palaging telebisyon ang tanging libangan ko sa sarili. Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas ng may kakaiba akong naramdaman. Napangiwi ako at hindi mapakali sa kinauupuan ko. "T-Tulong! Manang!" Humilab ang tiyan ko at nanginig ako ng may tumulong tubig sa hita ko. "Naku Hija! Berto, madali ka! Manganganak na si Miss!" Agad na dinaluhan ako ni Manang na siyang kinuha ng mga Esteban para alagaan ako at mamahala sa kalinisan ng bahay na ito. Binuhat ako ni Manong Berto at panay ang daing ko sa sakit. "Hindi siya puwedeng ilabas ng bahay gaya ng bilin ni Senyorito Hammer." sabi ni Manong Berto. "Pero delikado kung maghihintay pa tayo ng doctor. Dali na at baka mapano ang bata at tiyak na mas malalagot tayo!" Nagtatalo si Manang at Manong Berto pero sa huli ay sinakay nila ako ng sasakyan. Wala akong ibang iniisip kundi ang sakit na nararamdaman ko. Hirap na hirap ako sa paghinga at para bang kaunti na lang ay lalabas na ang bata sa sinapupunan ko. Binuhat muli ako at sinakay sa stretcher ng makarating kami ng hospital. Panay ang hiyaw ko sa sakit at pinapakalma ako ni Manang. Diyos ko. Para bang buong katawan ko ay namamanhid sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan ipapaling ang ulo ko habang panay ang ire ko. "Sige, hingang malalim at buong lakas na umire, Misis Esteban." Sinunod ko ang sinabi ni Doctora at umire ako sa abo't ng makakaya ko. Huminga muli ako ng malalim at sa muling pag ire ko ay napapikit ako. Nakarinig ako ng malakas na matinis na iyak. Dumilat ako at tinignan ang sanggol na pinapalo ni Doctora sa pang-upo habang nakabaliktad ito. "Congratulations, Mrs. Esteban. A healthy baby boy." Napaiyak ako at napangiti ng malaman na maayos ko na naipanganak ang anak ko na isang lalake. Matapos putulan ng pusod ay binalot ito sa isang puting tela. Dinala sa akin ni Doctora ang anak ko at hiniga sa tabi ko. Nanginginig ang kamay ko na maingat na hinaplos ang mukha nito. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng sakit ng masilayan ko ang anak ko. Napakatangos ng kanyang ilong. Namumula siya at maputi siya. Napangiti ako habang para akong nanghihina at natatakot na baka mabali ko ang buto niya sa kasabikan ko. Hinalikan ko ang ulo niya at hinawakan ang maliit niyang kamay. Tumingin ako kay Manang na lumapit. "Hija, kailangan nating umalis ngayon rin. Sila Jay na ang bahala sa information na ibibigay sa hospital para sa anak mo." Hindi ko man tanungin ay alam ko na ang ibig nilang sabihin. Minungkahi ng doctor ng Esteban Hospital na manatili muna ako dahil baka mabinat daw ako. Pero nang sabihin ni Manang na utos ni Sir Jam iyon ay wala ng masabi ang doctor at hinayaan akong lumabas kasama ng anak ko. Nanghihina pa ako pero kinaya ko pa ring buhatin ang anak ko na pinangalanan kong Santiago Bently. Tahimik ito sa aking bisig at tila nasarapan sa aking pagkakakilik. Nakatitig lamang ako rito habang ang mga mata nito ay pikit na pikit. Malago ang buhok nito, napakatangos ng ilong, at ang labi ay hindi mapagkakaila na nakuha kay Jace. "Manang, hanggang kailan po ba ako magtatago? Puwede naman po siguro na hindi na." "Hija, hangga't walang sinasabi si Senyorito Hammer at Sir Jam ay wala tayong magagawa." "Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit pinagkakaisahan nila si Jace?" "Hindi nila pinagkakaisahan si Senyorito Jace. Kailangan lang nila na mailayo ka muna habang pinipilit nila na magpagamot si Senyorito Jace at pinapatigil sa ginagawa nitong panlalaban sa kanila." sabi ni Manong Berto. Umiyak ang anak ko kaya napatingin ako rito. Hindi ko alam ang gagawin upang mapatahan ito. "Tila nagugutom na siya, Hija. Padedehin mo." "Po?" Ngumiti si Manang at binaba ang harang sa pagitan ni Manong na nasa driver seat kaya hindi na kami kita nito. Kaya nilabas ko ang isang dibdib ko at pinasubo sa anak ko. Naninibago ako at nakikiliti pero masaya ako na makita kung gaano kasabik ang anak ko sa gatas ko. Natahimik na ito. "Napakagwapong bata. Tiyak na matutuwa sila Sir Jam at Ma'am Hera kapag nakita nila ang kauna-unahan nilang apo." Napangiti ako dahil doon. Dumating kami sa lupain kung saan ako nagtatago pero biglang napapreno si Manong at nagtaka kami ni Manang ng mag u-turn para bumalik kami sa dinaanan namin. Inalis ni Manang ang harang upang makita si Manong Berto. "Bakit, Berto?" "Namataan ko ang kotse ni Senyorito Jace. Tila alam na niya kung saan natin tinatago ang Miss." Kinabahan ako at lumingon sa likod. Kahit malayo na kami ay nakita ko ang kotse ni Jace. "Hello, Sir? Natagpuan na ni Sir Jace ang tinutuluyan ni Miss. Saan po namin siya dadalhin?.. Okay po." Mabilis na pinatakbo ni Manong palayo sa lupain ang sinasakyan namin. "Saan po tayo pupunta?" "Pasensya na, Hija, ngunit kailangan natin na bumiyahe na malayo para madala ka sa isa pang lupain ng mga Esteban na hindi alam ni Senyorito." Napahinga ako ng malalim. Pagod na pagod na ako. Biglang nag-ring ang phone ni Manang at nang tignan niya ang tumatawag ay nakita ko na namutla si Manang. Agad niyang pinatay ang phone habang nanginginig ang kamay niya. "Bakit po, Manang? Sino po ang tumawag?" Tumingin siya sa akin. "Si Senyorito Jace. Hindi ko puwedeng sagutin dahil tiyak na matutunton niya tayo. Oras na malaman niya na kami ang kasama mo para mailayo ka sa kanya ay tiyak na hindi rin magdadalawang-isip ang Senyorito na saktan kami." Napamaang ako sa sinabi niya. "Hindi naman po siguro magagawa ni Jace 'yon. Baka naman po ay masyado lang mali ang pagkakaintindi n'yo sa sitwasyon ni Jace?" "Tama si Manang, Miss. Kung si Miss Guiliana ay nakayang saktan ni Sir Jace na mismong bestfriend nito, ay si Manang pa kaya at ako na isang tauhan lamang. Nakuha ni Senyorito Jace ang sakit ni Sir Jam na may hindi tama sa kanyang pag-iisip. At mas malala si Senyorito dahil kaya niyang makasakit kahit pa kamag-anak o malapit sa kanya." "Si Guiliana? Sinaktan niya rin?" hindi naman ata kapani-paniwala 'yon. "Oo, Hija. Bago pa iplano nila Sir Jam ang pekeng pagpapasabog ay nalaman nila na na-hospital si Miss Guiliana dahil kamuntikan na itong mapatay ni Sir Jace." Napakuno't noo ako. "Pero ang sabi po ni Jace ay umuwi ng manila si Guiliana dahil may shooting." "Syempre hindi sasabihin ni Senyorito 'yon sa iyo dahil takot siya na lumayo ka. Dati pa lang ay magkaibigan na ang dalawa at dati naman ay hindi ginagawa ni Seniorito Jace iyon kay Miss Guiliana. Kaya sobra ang takot ni Miss Guiliana kay Sir Jace at hindi makapaniwala na kaya daw pala na gawin sa kanya ni Senyorito 'yon." "K-Kung may sakit pala si Jace bakit ngayon lang nila naisipan na ipagamot?" "Dahil hindi naman nagpapakita ng ganoong ugali si Senyorito Jace noon, kaya nakampante si Ma'am Hera na baka hindi na kailangan na ipagamot si Seniorito Jace. At dati ay hindi payag si Sir Jam dahil wala naman daw may sakit sa pamilya niya. At ayaw din aminin ni Sir Jam na may sakit siya. Gumaling na noon si Sir Jam pero hindi nila akalain na kay Senyorito Jace mapapasa ang sakit niya. Hindi na kayang kontrolin ngayon ni Sir Jam si Senyorito Jace. Kaya humihingi siya ng paumanhin kung nasira niya ang buhay mo. Hindi ka na dapat niya kinulong sa kamay ni Senyorito Jace. Ang buong akala niya kasi ay hindi magiging malala si Senyorito Jace kung napagbigyan ito sa gusto nito na paglapitin kayo. Pero nagkamali sila at humingi sila ng pasensya sa mga taong naging malapit sa iyo na naapektuhan dahil sa maling tumatakbo sa isip ng Senyorito." Para akong hindi makahinga. Sa kwento ni Manang ay para akong natakot lalo kay Jace. Napatingin ako sa anak ko at natakot ako na baka makuha din nito ang sakit ni Jace. Huminto kami sa isang hotel upang magpahinga muna saglit. Lumabas si Manang ng hotel upang bumili ng gamit sa baby ko. Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa anak ko na natutulog. Napaiyak ako dahil hindi ganito ang inaasahan kong buhay na ibibigay ko sa anak ko. Hinalikan ko ito sa noo at pumikit ako upang makapagpahinga muna saglit. Dahil para akong mabibinat sa iniisip at nararamdaman ko ngayon. Biglang lumitaw sa isip ko si Jace. At sobra akong natakot ng makita ang galit niyang mukha. Nasa madilim na lugar kami at hindi ako makaalis. "Magtago ka man ay tiyak kong mahahanap kita. Mahahanap kita." Umiling ako ng umiling sa kanya habang umiiyak. Kita ko sa mata niya ang nag-aapoy na galit habang hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw habang nakatitig sa mga mata niyang puno ng galit. Napasinghap ako at napadilat. Tumingin ako kay Manang na ginigising pala ako. "Binabangungot ka." Napahinga ako ng malalim at napahawak sa noo ko. Tumingin ako sa anak ko at nakahinga ako ng maluwag na natutulog pa rin ito at hindi nagising ng dahil sa akin. "Hija, kailangan natin na umalis muli." Tumingin ako kay Manang at tumango. Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako lalayo para lang hindi mahanap ni Jace. Nais ko na harapin ito pero dahil sa alaala sa panaginip ko ay natakot na ako. Pakiramdam ko ay mali kung gagawin ko 'yon. "Nagkasakitan ang magkapatid na Senyorito Hammer at Senyorito Jace. Galit na galit si Senyorito Jace kay Senyorito Hammer dahil kahit itanggi na hindi ka tinago ni Senyorito Hammer ay iyon ang pinaniniwalaan ni Senyorito Jace. At mas lalong lumala ang galit ni Senyorito Jace dahil ang nasa isip nito ay itinago ka ni Senyorito Hammer para ilayo sa kanya at agawin." sabi ni Manong Berto. Hindi ako makapaniwala. "Sila Inay po ba? Hindi po kaya mapahamak sila?" "Hindi. Dahil hindi pinaghihinalaan ni Senyorito Jace ang pamilya mo at tila malaki ang paggalang ni Senyorito sa pamilya mo lalo't sila ang katulong nito sa paghanap sa iyo." Natahimik ako. Alam ko na walang alam sila Inay sa kondisyon ni Jace kaya tinutulungan nila ito. Pero natatakot ako para sa kaligtasan nila. Kung ganoon nga kalala si Jace ay sobra nang nakakabahala. Sa malayong probinsya sa catanduanes ako dinala nila Manang. Sa isang two-storey house na isang greek style. Walang kapitbahay at puno ng bakod ang malaki ring lupain ng mga Esteban. Sa layo ng byahe ay sobra akong napagod at maging anak ko. Kaya nagpahinga agad kami sa kwartong nilaan sa aming mag-ina. Nilinisan ko muna ang anak ko bago ito sinuotan ng damit at diaper. Pinag-init rin ako ni Manang ng maligamgam na tubig na may dahon-dahon na hinalo. Sabi niya ay mabuti daw 'yon sa kalagayan ko upang hindi ako mabinat. 'Yon ang pinangpalinis ko sa katawan ko. Hindi muna ako nagbasa ng buhok para hindi naman ako mabinat. Nagpalit na rin ako ng damit na dala namin. Nahiga ako sa tabi ng anak ko at agad ring ginupo ng antok. Sana ay matapos na ang lahat na ito at matahimik na ang buhay ko. Kahit alam ko na sa sarili ko na mahal ko si Jace ay hindi ko naman gugustuhin na bumalik sa kanya kung ganoon na kaya niyang makasakit ng iba. Hindi ko ilalagay sa panganib ang anak ko ng dahil sa kanya. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD