KABANATA 14

3867 Words
HINAWI ko ang kurtina ng kwarto at nakita ko ang pagbagsak ng ulan sa labas. Napakalakas ng ulan at ang mga natiyong lupa ay nadiligan. Napalingon ako ng marinig ang pag-iyak ni Tiago. Agad akong lumapit sa kama at naupo. "Baby..." Dumilat ito at lalo itong umiyak ng makita ako. Napangiti na binuhat ko ito at hinaplos ang likod. "M-Mama.." "Tahan na, baby.. Nandito na si Mama." Mama pa lang ang kaya nitong sabihin. At napakabilis lumaki nito kahit isang taon pa lamang siya. Isang taon mahigit na rin ang lumipas mula ng manganak ako. At ngayon ay hindi na kami nagpapalipat ng lugar para takasan si Jace. Dahil sa lugar na ito ay tila hindi na kami natunton ni Jace. Pero hindi pa rin kami lumalabas ng bahay maging sila Manang. Nakakakuha lamang kami ng pambili ng kailangan kapag magwi-withdraw si Manong at siya ang bumibili ng lahat sa labas habang naka-disguise. Sa lumipas na isang taon ay sobrang parusa ang nangyaring ito. Isang taong hindi lumabas ng bahay ay sobrang nakakabagok. Pakiramdam ko ay nasa isa akong kulungan na hindi nakakalaya. Lumalaki na si Tiago pero hindi ko alam kung anong buhay ba itong ipapadanas ko sa kanya. Nakakabalita ako kahit papaano kay Jace pero ang huling balita ko ay yung matapos mag one year old ni Tiago. Sobra akong naiinis dahil balita kung ilang beses sya nagpapalit ng babae. At hindi man nababalita ay nakarating sa akin kung ilang tao na ang napatay nya. Si Mam Hera mismo ay nababahala na sa kanyang anak. Hindi nya alam ang gagawin dahil imbes daw na gumaling ng lumayo ako ay mas lalo daw lumala. Nakita lamang nila sa larawan si Tiago. Dahil hindi sila makakapunta rito at baka masundan sila ni Jace. Kita ko nga na sobra ng nagrerebelde si Jace. Kung ang pamilya nya ay taga-taboy ng mga masasama ay sya naman ang nagdadala ng gulo sa bansa. Kinakalaban talaga ni Jace ang ama nya upang ibalik ako. Hindi ko na nga makilala si Jace dahil sa bukod na nagpagupit ito ng badboy hair cut ay kita ko na nagiging bisyo na rin nya ang bar na madalas mahuli ng paparazzi na may ka-table na babae. At ang hindi ko makayanan ay sangkot na rin sa illegal gambling si Jace. Dahil nagpatayo sya ng illegal na sugalan. Ayokong isipin na nag-drugs rin sya. Pero dahil sa ginagawa nya ay naiisip ko na gumagamit sya kaya sobra na ang pagrerebelde nya. Ayoko naman na magpakita pa dahil alam kong delikado. Ang grupo ni Jace ay pinapatay ang mga kaalitang kumakalaban sa kanila. Hindi nakukulong si Jace dahil magaling itong gumawa ng kwento at walang makuhang proofs ang polisya. Pero sinabi sa akin ni Mam Hera na si Jace ang may gawa ng mga pagpatay at kahit sya ay hindi na pinapakinggan ni Jace. Alam ko na nais nila akong gawing paing para mapatino si Jace pero hindi nila ginagawa dahil alam nilang delikado na. At kung ako rin ang tatanungin ay mas gusto ko nalang na magtago. Binuhat ko si Tiago ng maayos habang ang ulo ay nasa braso ko. Pinasuso ko dahil baka gutom lamang ito. Pero nang mahipo ko ang noo at leeg nito ay kinabahan ako ng malamang nilalagnat ito. Bumitaw ito sa dibdib ko at muling umiyak. Agad na binuhat ko ito ng maayos at kinuha ang phone ko para tawagan sila Manang. Pero hindi ko ma-contact. Inalo ko si Tiago pero iyak parin sya ng iyak. Kinuha ko ang kumot at binalot ko si Tiago roon. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at buhat-buhat ang umiiyak na si Tiago na lumabas kami ng bahay. Kinuha ko ang payong at kahit ayokong lumusong kami sa ulan mag-ina ay wala akong choice. Kailangan na madala ko kaagad sa hospital o clinic ang anak ko. Jusko. Hindi ko alam ang gagawin. Nilagnat na noon si Tiago pero dahil lamang sa pagtubo ng ngipin nito. Ngayon ay hindi ko alam kung may tumutubo paring ngipin pero hindi parin ako makampante dahil baka iba na ito. Nilakad ko ang daan na napakalayo sa kalsada. Nang marating ko ang kalsada ay wala namang dumadaan. Kaya naglakad ako sa gawing kaliwa upang tunguhin ang daan at baka may makita akong pampasaherong sasakyan. Lalong umiyak si Tiago kaya napaiyak ako sa sobrang pag-aalala. Hindi ko hinayaan na mabasa sya at hindi ko na inalala ang sarili ko kahit mabasa ang ibang parte ng katawan ko. May nakita akong kotse na itim na syang kasalubong ko. Agad na pinara ko ito upang makahingi ng tulong. Huminto naman ito kaya agad akong lumapit sa driver side. Bumaba ng kaunti ang bintana at hindi ko masilip ang mukha nito dahil nakasumbrero at nakashades ito. "Pwede po bang makisabay? Dadalhin ko po kasi sa hospital ang anak ko at nilalagnat. Kahit sa sakayan lang po para makarating kami sa hospital." Sumenyas ito ng daliri tila pumapayag ito kaya nagpasalamat ako kahit naguguluhan ako rito. Umikot ako sa kabila at kusang umangat ang pinto ng kotse pataas na kinamangha ko. Pero agad na rin akong sumakay at inayos si Tiago sa bisig ko bago ko pinatay ang payong. Sumara ang pinto ng kotse kaya tinabi ko muna sa gilid ang payong at tumingin ako sa nagsabay sa akin. Hindi ko makikilala ang mukha nya dahil nakaface mask din sya at tulad ng sabi ko kanina ay nakashades at sumbrero. "Ah, salamat." Hindi ito nagsalita at tinapik-tapik nito ang daliri sa manibela. Nagulat ako ng umextend ang braso nito at nilapat ang kamay sa ulo ni Tiago bago hinaplos ang buhok ng anak ko. "You need to pay for this." Napamaang ako ng magsalita sya. Bigla akong namutla at binalot ng takot ng alisin nya ang face mask. "J-Jace?" Sumulyap sya at inalis ang shades maging ang sumbrero. Kita ko ang mata nyang binabalot ng mabagsik na tingin. "Long time no see, honey." Ngumisi sya pero nakakakilabot na ngisi. Hinawakan ko ang pinto pero hindi ko mabuksan. "My son is sick and it's your fault. Mabuti't lumabas ka ng lungga mo. Actually papunta na ako doon pero kusa ka naman palang lalabas." "J-Jace,.." "Don't try to escape because if you do that, you are dead." Mabilis na minaneho nya ang kotse kaya napapikit ako at niyakap ang anak ko. Halos panghinaan ako sa sobrang takot dahil kakaibang Jace ang kasama ko. Para akong nanlalamig sa boses nyang sobrang lamig at puno ng diin sa galit. At kinakabahan rin ako sa presensya nya dahil masyado syang nakakatakot na hindi naman literal na nakakatakot gaya ng mga ghost pero nakakatakot sya sa awtoridad ng pagkataong pinapakita nya ngayon. Biglang huminto ang sasakyan at napadilat ako ng agad bumukas ang pinto. Napatingin ako kay Jace na agad umikot sa side ko at binuksan ang pinto. Kinuha nya ang payong at binuksan. Tinignan nya ako kaya bumaba ako na buhat si Tiago. Napatingin ako kay Jace ng pumulupot ang braso nya sa bewang ko. Agad nya akong inakay at kinikilabutan ako sa pagdampi ng kamay nya sa bewang ko habang hapit-hapit kaming mag-ina habang pinapayungan kami. Pagpasok namin sa hindi kalakihang hospital ay agad akong lumapit sa nurse na nasa nurse station. "Miss, nilalagnat po ang anak ko." "Wait lang po, Misis." Nagulat naman ako at maging ang nurse ng biglang kalampagin ni Jace ang harap ng nurse station at kinuwelyuhan nya ang lalakeng nurse. "Aasikasuhin mo ang anak ko o gusto mong mamatay, ha?" Naglabas ng baril si Jace na kinatakot ko. Agad na tumango ang takot na nurse. "O-Opo, Sir." Binitawan ng malakas ni Jace ang kwelyo ng lalake na kinaatras nito at napasandal sa lamesang nasa likod nito. "Kikilos ka rin pala, pinaghihintay mo pang gamutin ang anak ko." Sinuksok ni Jace ang baril nya sa pantalon at tumingin sa akin. Napayuko ako at kinabahan. "Dito po, Mam." Tumingin ako sa lalakeng nurse pero nagulat ako ng sapakin ito ni Jace. "Tsk. Lumayas ka sa harap namin at humanap ka ng nurse na babae. Tumingin ka pa sa asawa ko at mapapatay kita." Hindi ako makapaniwala at kung dati ay naririnig ko lang ang kinikilos ni Jace ay ngayon ay nakumpirma ko na totoo at dapat na akong maniwala. Umalis ang nurse at agad itong nagtawag ng babaeng nurse. Natatakot ang nurse na babae na inaya kami. Muli akong hinawakan sa bewang ni Jace at pilit kong lumayo pero dumiin ang hawak nya. "Isang layo pa sinasabi ko sa'yo na tatamaan ka sa akin." bulong nya sa tenga ko. Napapikit ako habang nanginginig. Umiiyak si Tiago at siguro ay naramdaman nito ang takot ko. Nang makarating kami sa baby ward ay sinabihan ako ng nurse na ihiga si Tiago sa kama kaya maingat kong hiniga ito. Napatingin ako sa kamay ni Jace na hindi parin inaalis sa bewang ko. Napatingin ako sa kamay nya at kahit natatakpan ng leather jacket ang braso nya ay tiyak akong may tattoo syang pinalagay dahil medyo sumilip ang tattoo nya na tila malaking tattoo iyon. "M-Mam, S-Sir, tinutubuan lamang po ng ngipin muli si Baby kaya sya nilagnat. Pero papainumin po natin sya ng gamot na pampababa ng lagnat at papababain lang po natin ang lagnat nya at maaari nyo na po syang i-uwi kapag magaling na sya." Tumingin ako sa nurse at tumango ako rito. Takot ito at hindi rin makatingin kay Jace. "Tsk. Gawin mo nalang at siguraduhin mong walang side effects iyan kundi babalikan kita kapag may nangyaring masama sa anak ko." Tumingin ako kay Jace dahil nakakabanas na ang kagaspangan ng ugali nya. Hindi ko na sya kilala. "Tumigil ka na nga. Mas lalo mo lang pinapalala ang nangyayari." Hindi ko akalain na nasabi ko iyon pero bigla akong napayuko ng tumingin sya sa akin na may tinging pagbabanta. Napasinghap ako ng mariin nya akong hinawakan sa panga at pinatingin sa kanya. Natakot ako na tumingin sa mga mata nya habang nanginginig ang kamay ko na nakakuyom habang nakahawak sa dibdib nya. "Pinapahiya mo ako, Honey? Pero pasalamat ka...mahal kita." Napalunok ako ng gumapang ang daliri nya sa leeg ko pababa sa collarbone ko. Ngumisi sya at inalis ang kamay sa leeg ko. Mahinang tinulak ko sya at hindi na nya ako pinilit ng lumayo ako sa kanya. Pinaalis nya ang nurse ng matapos gamutin si Tiago. Agad akong naupo sa gilid ni Tiago at hinaplos ang mukha nito. Tinignan ko si Jace na pabalyang naupo sa isang silyang padaskol nyang hinila. Tinaas nya ang paa sa kama ni Tiago at tinignan kami. Agad akong umiwas at tumingin sa mukha ni Tiago. "Parang hindi ka nanganak, honey?" Hindi ako sumagot at kay Tiago lang ako nakatingin. "What's his name?" "S-Santiago Bently." "Hmm. Nice name. You'll always impressed me, Honey." Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Pumasok ang mga foreigner at ito ang nakita kong tauhan ni Jace. "Boss." Hindi tumingin sa akin ang mga ito at derektang kay Jace ito tumingin. "Let that two senior suffer. Give them a big surprise for their life." Kahit hindi ko alam kung para saan ang pinag-uusapan nila ay nahulaan ko na sila Manang Violy at Manong Berto ang tinutukoy ni Jace. "Wag! Anong gagawin nyo kela Manong?" Tumingin sa akin si Jace pwera sa mga foreigner na nakayuko. "Honey, I know they tell you what I am going to do if I found you." "W-Wag mo silang gagalawin." Humalakhak si Jace pero agad syang sumeryoso. "Nice try but you can't stop me. Move, osprey, and give me the heads after." Napamaang ako at nataranta ng tumalikod na ang mga tauhan nya. Agad akong bumaba ng kama at tumingin kay Jace na prenteng nakaupo habang pinaglalaruan ang labi nya gamit ang kamay nya. "Bakit mo ginagawa ito?! Pigilan mo sila!" Napaiyak ako dahil matagal ko ring nakasama sila Manang. At tinuturing ko na rin silang pamilya. "They are the reason why you have a guts to hide to me for almost one year." "Kahit na! Wala kang karapatan na pumatay ng tao para lang sa kagustuhan mo!" Tumayo sya at napaatras ako ng lumakad sya palapit sa akin. Napasandal ako sa kama ni Tiago at napaiwas ako ng mukha ng makalapit sya. Napasinghap ako ng hawakan nya ako sa panga at hinarap sa kanya. "Parang tumatapang ka na ata, Honey?" ngumisi sya at pinakatitigan ang mukha ko, "Well, I like it." Hinawi ko ang kamay nya at umiwas ako ng mukha. Humalakhak sya at nabigla ako ng hawakan nya ako sa mukha bago ipatingin sa kanya. "I missed you." Tumingin sya sa aking mga mata at napalunok ako ng bumaba ang mukha nya. Pero nang biglang umiyak si Tiago ay agad ko syang naitulak. Ngumisi sya pero hindi ko na pinansin at agad na humarap kay Tiago. Binuhat ko ito at hinaplos. Tumingin ako kay Jace na muling naupo sa sofa at pinatong ang mga paa sa kama. Umiwas ako ng tingin at hindi ko alam kung paano ko paiinumin ng gatas ko si Tiago kung narito si Jace. Sa tagal ng hindi kami nagkita ay nakaramdam ako ng ilang. Pero wala akong choice dahil ayaw tumahan ni Tiago at gutom na. Lumapit ako sa kabilang side ng kama at naupo patalikod kay Jace. Inayos ko ng kilik si Tiago sa bisig ko at inalis ko ang butones ng suot kong long sleeve at nilabas ang isang dibdib ko. Agad namang tumahimik si Tiago kaya hinaplos ko ang buhok nito. Naramdaman ko ang pagtayo ni Jace kaya agad kong kinuha ang bimpong dala ko at tinakip sa dibdib ko. Napaangat ako ng tingin ng huminto sya sa harap namin at tinukod ang mga kamay nya sa kama sa magkabilang gilid ko. "Tinatago mo pa parang hindi ko naman nakita iyan." "Ano ba!" Hindi ko mapigilan na sigawan sya dahil alisin ba naman ang bimpo. Ngumisi sya kaya inis na inis ako. Muli nyang tinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ko at hinalikan nya sa noo si Tiago. "He's my carbon copy." Hindi ako umimik dahil totoo naman na sya ang kamukha ni Tiago. Tumingin sya sa akin at napalunok ako ng lumapit ang mukha nya sa akin. Umiwas ako ng mukha pero hinawakan nya ako sa baba at napasinghap ako ng halikan nya ako. Humawak ang isang kamay ko sa dibdib nya at tinutulak ko sya habang pilit umiiwas. Naramdaman ko ang paghawak nya sa batok ko at hindi ako makapalag sa halik nyang mapagparusa dahil dumiin ang hawak nya sa batok ko. Nang umiyak si Tiago ay tsaka nya lang ako binitawan. Humugot ako ng hangin at nang tignan ko sya ay nakangisi sya. Nagbaba ako ng tingin kay Tiago at tinago ko na ang dibdib ko ng makitang tapos na pala sumuso sa akin si Tiago. Nabigla ako ng kunin sa akin ni Jace si Tiago kaya agad akong napatayo. "Wow! I think my son is in good condition now." Tinaas nya si Tiago at napahagikgik ito na kinangiti ni Jace na unang beses kong nakita mula ng magkita muli kami. Palagi syang nakangisi kanina at minsan ay galit pero ngayon ay nakangiti kay Tiago. "Do you know me, Son? I am your dad." Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko na makukuha sa kanya si Tiago. Inayos nya ito ng kilik at hinalikan sa noo si Tiago. "Let's go." Tila nangyari na nga ang iniisip ko. Hinawakan ko si Tiago para kunin pero agad lumakad si Jace habang buhat si Tiago. "Jace, akin na ang anak ko." Agad kong kinuha ang gamit ni Tiago at sumunod agad ako sa kanila. Hinawakan ko sa braso si Jace para tumigil pero nilipat nya sa kabilang braso nya ang kilik kay Tiago at kinuha nya ang kamay ko bago mahigpit na hinawakan. "H-Hindi kami sasama sa'yo." Huminto sya at binitawan ang kamay ko. "Well, whether you come with me or not, I have my son." Napamaang ako ng ngumisi sya dahil alam nya na wala akong choice. Pinilit kong maagaw sa kanya si Tiago pero agad na syang naglakad. "Jace!" Pinagtitinginan kami ng mga nadadaanan namin sa hallway. Kaya kumapit ako sa jacket ni Jace habang nakaiwas ng tingin sa mga tao. Nagbulungan sila tila nakilala si Jace. Pero balewala iyon kay Jace habang para lang syang hari kung maglakad at lahat ay iwas kapag nasasalubong namin sila. Pagdating sa harap ng kotse ay pinatunog nya ang kotse at kusang tumaas ang pinto nito. "Get in if you want to come with me." aniya. Umikot sya sa kabilang side habang buhat-buhat si Tiago na hindi binibigay sa akin. Nang makasakay sya ay bumusina sya kaya ayoko mang sumama dahil inaamin kong natatakot ako sa kanya ngayon ay wala akong choice dahil hawak nya si Tiago. Nang makasakay ako ay unti-unting sumara ang pinto at tsaka nya lang binigay sa akin si Tiago. Hinaplos ko ang buhok ni Tiago at tumingin kay Jace na may kinabit sa tenga nya na wireless earphone. Seryoso nyang pinaandar na ang sasakyan. "I want the place that you offer to me. We are going there in a hour." Lumingon sa amin si Jace habang gamit ang isang kamay ay pinapagalaw nya ang manibela. Inabot nya sa kanang gilid ko ang seatbelt at sinuot sa aming mag-ina iyon. Umayos sya ng upo at mas binilisan ang pagpapatakbo ng kotse kaya kinabahan ako. Hindi kami pwedeng sumama sa kanya. Dapat akong gumawa ng paraan. Pasimpleng kinapa ko ang bulsa ng saya ko at nang mahawakan ang phone ko ay nilabas ko ito. "Saan tayo pupunta?" Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang number one dial number ni Sir Jam. Binigay nya itong phone sa akin at oras nga na matagpuan kami ni Jace ay i-dial ko lang daw ang one at matatawagan ko na sya. "It's a secret place, Honey. Dadalhin ko kayo sa lugar na alam kong wala kang takas sa akin." Napapikit ako habang pinatiling buhay ang tawag ko kay Sir Jam. Dumilat ako at tumingin kay Tiago na gising na gising at nakatitig sa akin. Kumalabog bigla ang sasakyan ni Jace kaya nagulat ako. Napamura naman si Jace kaya nagtaka ako. "f**k you asshole!" Bigla nyang prineno ang kotse kaya mahigpit kong hinawakan si Tiago. Nagulat ako ng makita na maraming nakamotor na lalake ang pumalibot sa kotse. May hawak silang baril at nakatutok sa amin. Bumaril sila kaya niyakap ko si Tiago at napapikit ako. Pero nagtaka ako ng tila hindi tinatablan ng bala ang kotse. Dumilat ako at kita ko na hindi tinatablan ng bala ang kotse ni Jace. "Stay here, Honey. I think I need to give them what they want." "J-Jace.." Naglabas sya ng baril at seryoso syang bumaba ng kotse bago nya isara ang pinto. Biglang wala akong makita sa labas dahil biglang nagblack ang mga salamin ng kotse ng may pinindot si Jace sa susi nya. "M-Mama.." Napatingin ako kay Tiago na gustong abutin ang mukha ko. Hinaplos ko ang mukha nya kaya napahawak sya sa kamay ko. "Kinakabahan ako, Anak." Kinakabahan ako sa kaligtasan naming mag-ina at syempre kahit na natatakot ako kay Jace ay nag-aalala parin ako rito dahil minahal ko sya mapahanggang ngayon. Bigla kong naalala ang phone kaya agad kong kinuha sa gilid ko. "Hello, Sir." (Tsk. Dad, Hija.) pagtatama nya kaya nahiya ako, (Anyway, I track your phone. Anong nangyari at huminto kayo?) "D-Dad, may sumugod po kasi sa amin na mga nakamotor na lalake na may dalang armas. At hinarap po sila ni Jace. Hindi ko po makita ang nangyayari dahil may pinindot po si Jace sa salamin ng kotse kaya wala po akong makita." (Okay. You need to go with him. And convince him to stop what he's doing. I need your help, Hija. Ikaw lang ang alam namin na pwede pa nyang pakinggan.) "P-Pero po hindi na rin po sya nakikinig sa akin." Natahimik si Dad. Napabuntong-hininga. (This is all my fault. If I don't have that genetic disorder, Jace will live peacefully.) Alam ko na naamin na nya sa sarili na may sakit din sya. Pero ngayon ay galing na si Sir. Pero kay Jace naman sila ngayon nahihirapan. Ramdam ko na kahit kaya nilang gawin ang lahat kung patungkol lamang sa pera pero kung anak na nila ang involve ay para silang napilayan ng mismong anak nila ang gumagawa ng dahilan para mapilayan ang pamilya nila. "S-Sila Manang Violy po. Baka po ano ng ginawa ng tauhan ni Jace sa kanila ni Manong Berto." Mabigat na napabuntong-hininga si Dad na kinakaba ko. (Sadly, they are in hospital right now. Nahuli ang mga tauhan ko para masagip sila Violy.) Bigla akong napaiyak dahil kahit hindi sabihin ni Dad ay alam kong wala na sila Manang. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. "Dad, please, sagipin nyo po kami kay Jace. Ayoko pong matulad kami kela Manang. Hindi ko po magagawa ang nais nyo kung mas masahol na sa demonyo ang anak nyo." Bigla akong nataranta ng bumukas ang pinto kaya napatay ko ang tawag at naitago sa kinauupuan ko ang cellphone. Bigla akong nanginig sa takot ng makita ko ang labas ng mawala ang tinted ng salamin. Bulagta ang lahat ng humarang sa amin at mga patay na habang umaagos ang dugo sa kanila. "Easy as pie." Tumingin ako kay Jace na nilapag ang baril sa gilid namin. "You're crying, why?" Umiwas ako ng tingin at napapunas ng luha. "And you're shaking?" Napahigpit ang hawak ko kay Tiago ng ilapit ni Jace ang mukha nya sa amin, "Nakita mo ang mga katawan nilang butas-butas? Masyado nilang pinainit ang ulo ko kaya ayan, maaga tuloy silang nakatulog." Hinaplos nya ang braso kong nakasuporta kay Tiago at kinilabutan ako dahil doon. Hinalikan nya sa noo si Tiago at pagkatapos ay hinawakan nya ako sa panga bago ipaharap sa kanya. Yumuko ako dahil ayokong makita ang mga mata nya pero napatingin ako sa kanya ng mahigpit niyang hinawakan ang panga ko. Kita ko sa mata nya ang kasiyahan habang may mapaglarong ngisi sa labi nya. Dinampian nya ako ng isang halik at hinaplos ang mukha ko. "Don't worry, tayong tatlo lamang sa lugar na pagdadalhan ko sa inyo. Tayong tatlo at wala ng iba. Walang istorbo. Walang makakatulong sa'yo para takasan ako." Lalo syang sumaya ng makita ang takot sa reaksyon ko. Muli nyang hinalikan ang labi ko at napapikit ako habang pilit kong tinitikom ang labi ko ngunit sa higpit ng hawak nya sa panga ko ay napabuka ako ng bibig na sinamantala nya kaya pumasok ang dila nya. Kinapa ko ang gilid ko at ng makapa ko ang matigas na bagay ay mahigpit ko iyong hinawakan at pinukpok sa ulo nya. Napadaing sya at binitawan ang labi ko. Bigla akong natakot ng tignan nya ako ng masama habang dumudugo ang noo nya. Nabitawan ko ang bakal na ginagamit sa sasakyan na pamihit. "Sinusubukan mo talaga ako, Honey." ngumisi sya at hindi ko inaasahan ang ginawa nya ng bigla nyang takpan ang bibig at ilong ko ng panyo. Hinawakan ko ang braso nya para alisin pero mas malakas sya sa akin. Bigla ay nanghina ako at napasandal sa upuan. Bago pa ako kainin ng ulirat ay naramdaman ko ang pagkuha nya kay Tiago sa bisig ko. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD