Kung may kaibigan kang kagaya ni Amber napaka swerte mo dahil may kaibaigan kang mahingahan na iniintindi at pinapakinggan ka kahit pa alam mong mali ka. “ Di ko sinasabing tama ang ginawa mo Monique, di ko inaasahan na aabot ka sa ganyan. Kasi kilala kita ang strong mo at may paninindigan ka sa lahat ng bagay. Lalo na sa iniingatan mong bandera. Pero wala na tayong magagawa andyan na yan tapos na nangyari na, sana lang talaga di ka mabuntis at sana di ka tinakasan ni Bryle. “ mahabang sabi nito. “ Sorry friend nagsinungaling ako sayo nung gabing yun. “ “ Wala na tayong magagawa nangyari na tapos na yun, basta nandito lang ako lagi para sayo. Kahit anong mangyari solid tayo huh, wag mo ng alalahanin si Bryle baka may importanteng ginawa lang yun kaya di nakapag paaalam sayo. Ang isi

