Matapos umalis ni Janella sa restaurant kung saan ang huling pag-uusap nila ni Rave ay dumiretso siya sa isang exclusive bar. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa ginawang pakikipag hiwalay ng nobyo sa kanya. “One battle of tequila, please,” sabi ni Janella sa bartender matapos niyang umupo sa high chair ng bar counter na narito. “Wait a minute, ma’am,” sagot ng bartender. “Faster please,” sabi ni Janella. Gusto niyang alisin sa isipan niya ang nangyayari ngayon. Hindi niya matanggap na sa isang iglap lang ay hiniwalayan siya ng nobyo. “Kasalanan to ng mag-inang yon,” mariing wika niya. “Ma’am?” Narinig niyang wika ng bartender. Nasa harap na pala niya ang ini-order niyang tequila. Agad niyang kinuha ito at tinungga kahit may baso namang kasama. Nais niyang kalimutan muna ang

