Mabilis na lumabas si Charlie May sa bahay niya nang makarinig ng busina mula sa labas. Tumawag kasi si Rave na dadaanan daw nila siya papunta sa venue kung saan gaganapin ang family day ng school ni Charrie. Ngayon gaganapin ang family day ng bata. Ang totoo, nahihiya siyang kasama ito ngunit para sa pamangkin niya ay inalis niya ang hiya sa sarili. Ni-lock muna niya ang bahay bago tuluyang pumunta sa sasakyan ng mga ito. “Hi, mama, I missed you po,” bati ni Charrie na nasa back set ng sasakyan. “Hello, baby. I missed you too,” sagot ni Charlie May at bubuksan sana ang pintuan sa backseat para doon sasakay ng magsalita si Rave. “Hey, I’m not a driver. So seat in front,” wika ni Rave sa kanya. “Okay,” sabi na lang ni Charlie May at muling isinarado ang likod. Binuksan niya a

