Matapos makalabas mula sa bahay ni Mr. Tolentino ay napa padyak na lang si Charlie May. Ang kapal ng mukha nitong sabihan siya na kaya lang sila lumapit ay dahil sa pera nito. Kung tutuusin, kung hindi dahil sa pagkakabangga nito sa pamangkin niya ay hindi nila ito makikilala. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng biglang may bumusina ng malakas sa gilid niya. Halos mapatalon siya dahil doon. Inaninag niyang mabuti kung sino ito hanggang sa makita niya ang taong lukabas mula sa driver’s seat. Nakahinga siya nang maluwag ng makilala ito. “Matthew?” pagkaklaro niya. “Hi,” bbbbati nito sa kanya. “Anong ginawa mo dito?” tanong ni Charlie May. “Napadaan lang at nakita kitang lumabas mula sa bahay ni Rave,” sagot nito. “Paano mo alam na yon ng bahay ni Mr. Tolentino?” di mapigilang tanon

