Dahan-dahang lumapit si Charlie May pamangkin na wala man lang kaalam-alam sa presensya niya. Gusto niyang gulatin ito ngunit siya ang nagulat sa mukha nito. “Baby, ano ang nangyari sa mukha mo?” tanong ni Charlie May dito. “Mama!” sigaw ni Charrie nang makita siya. “Ma, na-miss po kita.” “I missed you too, baby,” sagot ni Charlie May dito. Hindi alintana kung pati damit niya ay magka-cornstarch na din. “Anong nangyayari dito, baby?” “I ask papa na magluto po nang pancake,” nakangiting s**o ni Charrie. “Tapos?” tanong pa ni Charlie May habang inilibot ang paningin sa buong kusina. Kitang-kita niya kung gaano ka kalat ang loob. Napailing na lang siya dahil mukhang parehong walang alam ang mag-ama sa ganito. Idagdag pang puro cornstarch ang damit at mukha ni Charrie. “Nak

