Kakatapos lang ng evening class namin and it's already 8:30 at papalabas na kaming tatlo ng campus.
"Hahaha alam mo Shan maraming naiinggit sayo kanina." Kilig na kilig na sambit ni Abby.
"Ehh bakit naman?" Takang tanong ko.
"Hahahaah ehh gagi ka pala Shan eh. Ikaw ba naman maging tourguide ni Mr. Ahw-so-gwapo na si Louie Vergara di ba malalaglag panty mo! Gosh Shannon ang haba ng hair mo kaloka. How to be you po?" Sabi ni Rica at napatawa na lang ako. Hahaha gagii nga tlga.
"Hahaha sana all peg namin ngayon ehh. Ang haba ng hair ni Shannon lalo na down there right Rica?" natatawing sambat ni Abby kaya napahalakhak naman ng tawa si Rica.
"Wow ha grabe na. Di ba pwedeng sa kili-kili muna?" tanong ko na nagpatawa sa dalawa.
"Hahaha langya ka Abby wag ka na kay Louiee may Mark ka na remember?" Sabi ni Rica na nagpablush kay Abby. Si Mark yung boyfriend ni Abby mula pa noong highschool. Malaki ang pasasalamat ko kase ket mukang gago yung taong yun eh seryoso sa kaibigan ko. Nakow. Pag yun sinaktan si Abby babayagan ko yung taong yun. Itaga niyo yan sa mars. Haha.
"Ehh di ko mapigilan. Pero duhh kahit gwapo si Louiee kay Mark pa rin ako." Sabi ni Abby kaya napatango ako. Good. Yan dafatt kase akin lang si Louie--- aish nno ba yan. Igat ka self? Maghunos dili ka nga haha.
"Hahaha talking about loyalty. Kay Abby ko pa nakita" natatawang saad ko.
Actually 5 years na sila ni Mark at yun ang totoong sana all sakin. Ang bait kaya ng nobyo nya. Tska bagay na bagay silang dalwa. Sana nga lang kung may problema sila in the near future ay sabay nila itong malulutasan kase pag hindi nako. Ehh patinako broken hearted pag nagka ganun. I ship them pa naman talaga.
Nang nasa tapat na kami ng gate kinayawan kami ni Mark na nakaupo sa motor. Sa ibang school kase nag-aaral si Mark pero kahit ganun di yun naging balakid sa relationship nila. Haayst. Malaking SANA ALL MAY JOWA hahahaha.
"Hahhaha speaking of the devil" natatawang saad ni Rica.
"Hahaha pano ba yan guys punta na kami." Sabi ni Abby kaya tumango na lang kami.
"Haha sureness. Basta ba sa bahay ang uwi hindi sa motel ha?" Natatawang saad ni Rica kaya napatawa kami.
"Haha loko ka talaga Ric. Lagot ka sakin bukas. Ilalaglag na naman kita kay Jackson" pambabanta nito kaya nagpout lang si Ric at nagmaktol kaya napatawa kami.
"Ge na. Basta Mark ingatan mi yang bestiee namin kundi lagot ka samin" Natatawang saad ko pero sa totoo banta yan guys.
"Haha areglado yan. I will and I will always will." Banat ni Mark at tumingin kay Abby at ang bruha may pa blush pang nalalaman.
"Hahaha keleg ekee. Sene ell mey jewe" sabi Rica at tumawa naman kami.
"So pano. Una na kami." Paalam ni Mark.
"Ge lang basta ingatan yan ha" sabay na sambit namin ni Rica.
Nang makaalis na sina Abby tumingin si Rica sakin at bumuntong hininga.
"So pano ba yan. Aalis na din ako. Malayo pa kase yung amin ehh." Sabi nito.
"Hahaha cge na. Chooo choo. Alis na." Pagtataboy ko rito.
"Hahaha aray ha. Maka choo choo kala mo sakin tren? galet lang?" Natatawang saad nito. May pahawak-hawak pa ito sa puso niya at umaktong nasasaktan. Haha wengya lang.
"Hahaha to naman. Highblood masyado"
"Hahaha pero Shan. Feel ko. Louie is really into you." Seryosong sabi nito.
"Hahaha wow ha. Tong mukhang to. Hahahah nakadrugs ka ba Ric?" Natatawamg sabi ko. Unbelievable. Louie is into me? Damn. Di mangyayari yun. I'm not that pretty or rich para magustuhan ng kagaya nya. Masyado syang mataas at base palang sa postura nya masasabi mo talagang may kaya yung pamilya nila.
"Shan I'm serious" seryosong saad nito na nagpatawa sakin. Joker din 'tong si Rica eh.
"Haha ehh malabo kase yang pinagsasabi mo. Tska ampa-" di ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito.
"Shan maganda ka. Di ka yata mananalo ng Ms. Montillo pagpanget ka. Tska unang sabak mo yun sa pageant kaya just, wow. Diba?" Sabi nito. Ehhh? She's referring to my 1st win sa pageant ng school namin nun. Una't huling pageant na nangyari sa buhay ko dahil ayoko ko nang maulit pa yun.
Damn. Naalala nya pa yun? Well last year pa lang naman nangyari yun. Pero kahit na. Nakakahiya kaya yun.
"Haayst. Ewan ko sayo." Sabi ko at akmang tatalikuran sya.
"Shan. I'm serious. Malakas yung kutob ko na gusto ka nung tao. Tska isa pa, pag tinitingnan ka nya para bang matagal na kayong magkakilala. Sure ka bang di sya familiar sayo?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. Feel ko din ehh. Parang nakita ko na sya dati. Pero damn. Yoko nang mag-isip pa.
"Ric. Feel mo lang yan. Tsaka haler, bago lang natin siya nakilala kanina kaya malabo yang pinagsasabi mo." Sabi ko at nagpout naman sya. "Hahaha tigilan mo na nga yan para kang pato." Natatawang dagdag ko.
"Ang bad mo talaga. I hetchuu" sabi ko.
"Rica" narinig naman naming tinatawag sya.
"Oopps nandito na yung evil brother ko. Hahaha ge Shan una na kami. Salamat sa pagsama sakin dito. Byee. Ingat ka" sabi nito sabay hug sakin kaya ganun din ang ginawa ko.
"Ge. Kayo din" sabi ko sabay ngiti. Pag-alis nila ay naglakad na rin ako.
Actually I don't live with my parents. Nag-aapartment lang ako.
My parents are separated and both of them already have their own families. Haayst. Pero ok lang. Atleast di naman nila ako kinakalimutan when it comes to financial support. Ok na din yun kesa naman mamatay ako sa gutom diba?
Paliko na ako sa isang madilim na iskinita nang mapadaan ako sa tindahang may mga binatang nag iinuman. Napatingin naman sila sa direction ko pero dinedma ko na lang at mas binilisan pa ang paglalakad. Sa totoo lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Wla panv katao tao ngayon plus madilim pa. Damn!
Napahinto naman ako ng biglang hinigit nito ang braso ko.
"Teka lang miss. Maglaro muna tayo." Ngising sabi nito . Amoy na amoy ko ang malakas na amoy ng alak na ininum nila. Shet ang gagawin ko.
"Pwede ba bitawan mo nga ako." Sabi ko at malakas itong tinulak.
"Uy pahard to get to ah" rinig kong sabi ng isa sa kanila. Dahan dahan kong tiningnan ang likod ko at nang mapagtanto kong wlang tao ay kumaripas ako ng takbo.
"Arrgghh" daing ko nang hinila nito ang buhok ko at malakas akong tinulak sa kalsada. Lumapit yung parang leader nila sakin at hinawakan yung mukha ko at nilaro ang kutsilyo nito sa mukha ko bago ako sinampal ng sobrang lakas. Huhuhu naramdaman ko naman yung mainit na likido na wlang tigil na dumaloy sa pisngi ko.
"Ppp-pl-please t-tama na." Pagmamakawa ko.
"Iiyak ka sa sakit ngayon pero mamaya iiyak ka sa sobrang sarap" bulong nito at nagsitayuan ang halos lahat ng balhibo ko sa katawan. Sa kaba ko sinampal ko siya ng sobrang lakas.
"Manyak! Urrggh!" Daing ko ng sinuntok ako nito sa tiyan. Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak. Eto na bang katapusan ko?
"Tu-tulong" nanghihinang sambit ko. Gusto nanng pumikit ng mata pero di pwede baka anong gawin nila sakin. Narinig ko namng tumawa ang mga ito pero ang mga tawang iyon ay napalitan ng sigaw.
"Sino ka ahh!" Sabi ng leader nila. Nakita ko namang nakagalos ito sa sangga at pilit na kumawala. Teka anong nangyayari?
"DON'T!" Malamig na sambit ng taong lalaking nakaitim pero may Kulay gray na buhok bago umatake sa ibang lalaki na bumagsak din agad. Walang ilaw sa lugar na ito at wala ding mga bahay at tanging ilaw ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw dito.. Malaking bakanteng lote kase ito kaya nakakatakot daanan. Pero kahit madilim makikita mo rin sa postura ng lalaking dumating ang tikas at lakas na meron ito.
"YOU EVER"
"Arrhh!" Sigaw ng nasa likod ko at nawalan ng malay.
"TOUCH!" Malakas na hangin ang bumalot sa paligid upang tumilapon pataas ang dalwa sa kanila sa ibabaw at bumagsak sa kalsa.
"MY QUEEN" Cold na sabi nito at pinitik ang noo nung leader nila at nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa sa tumulong sakin ngayon. Tatayo sana ako pero mukhang di kaya ng katawan ko. Unti-unti akong bumagsak pero bago pa ako dumapo sa kalsada ay nasalo ako nito. Ang bilos nya. Hinawakan ko yung ulo ko. Ang sakit. Mukhang mawawalan ako ng malay nito. Arrggh. Di pwede 'to. Tiningnan ko yung sumalo sakin. Malabo. Di ko makita yung mukha nya. Pero yung buhok at amoy niya. Pamilyar. Teka. Siya ba yung nakita ko nung may mountain fieldtrip kami nung grade 12 pa ako? Pero malabo ehh. At kung siya man bakit siya nandito? bakit niya ako tinulungan?
"I will always be here to protect you.... My Queen" sabi nito at tinapat yung noo nya sa noo ko. Ngumiti naman ako at hinawakan yung mukha nya bago ako dahan-dahang kinain ng kadiliman.