"Haayst sa wakas tapos na rin." Sabi ko sabay unat mg mga braso ko. Ang sarap sa feeling basta matapos na yung major nyo noh? Feel na feel ko ang freedom. Hahaha charing.
"Ahm Ms. Puertorico pwede humingi ng favor?" Nanigas naman ako sa narinig ko. Mema. Nakalimutan kong may tao pala dito sa tabi ko. Huhuhu.
"Eheheh ano yun?" Awkward na tanong ko. Ngumiti naman ito.
"Ahm pwede ka bang maging tour guide ko? Hehe ang laki kase ng school nyo tska 1st day ko pa dito at wala akong masyadong alam sa pasikot sikot dito." Nahihiyang sabi nito. Halos malaglag na yung panga ko dahil sa sinabi niya.
Seriously? bakit ako? may iba naman jan ehh. Yung muse na lang kaya na si Portia kase maganda yun at hindi nakakahiyang kasama. Tska tinatamad ako noh. Napakagat naman ako ng labi ko. Anong sasabihin ko?
"Ehh kase.." Napatingin ako sa pwesto nina Rica at masaya itong nakipagdaldalan sa mga kaklase ko.
"Pleaseee.." nahihiyang saad nito. Napalunok naman ako. Anong gagawin ko. Pero kase ehh.. nakakaawa yung porma nya ngayon. tapos ang cute-cute niyam sarap niya tuloy iuwi sa bahay. Hahaha.
"Sige na nga" sabi ko at kinuha yung backpack ko.
"Great." Sabi nito at hinila ako. Hindi ko alam pero nang maramdaman kong palad nito ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"At last, I found you. My Queen"
Nagulat naman ako ng pumasok yun sa isipan ko. What the. Napabalik naman ako sa huwisyo ko nang magtilian ang mga kaklase ko. My god cassie with marga. Ano tong pinasok mo self?
"MAY UTANG KANG PALIWANAG MS. PUERTORICO!" Narinig kong sigaw ni Rica bago kami nakalabas ng classroom. Shet. Patay tayo nito huhuhu.
---
Nandito kami sa botanical garden ng school. Konti lang ang pumupunta dito kaya di masyadong crowded ang lugar. Maganda dito lalo na kung gusto mo magstudy at magrelax. Napakapeaceful ng lugar pero dahil sa kasama ko ngayon di ko feel ang ambiance nito. Haayst.
"Sorry if I drag you along with me." Sinserong saad nito.
"Ahehehe ok lang ano ka ba. Tska tourguide mo ako kaya no problem." Nakangiting saad ko. Ket ang awkward titiisin ko kase new crush ko ang kasama ko. Hahaha.
And wait! Bat ganun yung tawa ko? Wengya. feel ko nagiging pabebe na ako. Oh noh! Umayos ka Shannon. wag kang engot sa harap niya jusko dzae.
"No it was a problem for me. I awe you a lot. But don't worry babawi ako." Sabi nito at ngumiti. Naknang! Bat ang hilig nyang ngumiti? Di ba nya alam na nakakalaglag panty yung mga ngiti nya.
Tumawa naman ito na tila ba manghang mangha sakin.
Teka? Langya. Nabasa ba nya yung nasa isip ko. Ohh gosh. If ganun alam na niyang kanina ko pa siya hinaha-- I mean iniisip. Hahaha.
Natigil ito sa pagtawa ng marinig namin pareho ang pagkulo ng tyan ko. Damn! Nakakahiya. Bakit ngayon pa umarangkada 'tong mga dragon ko sa tiyan. huhu. Lupa kainin mo na'ko ngayon! Starla aking hiling sana'y iyong dinggin. Aking loob ipagkakaloob. Now na. Hahaha charoot.
Seryoso nya naman akong tiningnan bago bumuntong hininga.
"Ehehe sorry." Nahihiyang sabi ko. Grabe naman kase tong dragon sa tiyan ko. Huhu di marunong lumugar eh.and waaaaag nagiging pabebe na yung mga tawa ko. send help please.
Nakita ko namang lumambot nng itsura nito. Parang nag-guilty na ewan.
"I should be the one to said that. Sorry ginutom kita" sabi nito at ngumiti na naman. Ano ba yan. Weg keng genyen bebe ke beke meheleg eke neng teteleyen seye. Ehehehehehe.
"Hahaha ano ka ba-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hilahin nya ako patayo. Aishh so ganun na lang yun? hindi na pala uso ang magsabi na "hihilahin muna kita ah" .
Psh. badtrip din eh. Ayun na sana. Kinikilig na ako kaso grabe kung manghila. Ano ako basahan para ganun-ganunin lang? Aba't!
"Wag kang OA jan Shannon. Kala mo naman maganda ka. Panget ka kaya bagay lang na hilahin ka"
Sabat ng other part of tye brain ko. aish.
Ang sarap magpout kaso wag na lang. Baka mapagkamalan pa ako nitong wild goose. Tska haler. Ket hinila niya ako kanina patayo di naman masyadong masakit. Kumbaga hinila niya ako with love. Hahaha charoot lang po yang galit-galitan ko guys. Hahaha ano ba yan self ang rupokista mo talaga.
"Tara sa canteen" sabi nito at nagsimulang maglakad habang nakahawak sa kamay ko.
Feeking ko nagbablush ako ngayon.
Kyaaah ikaw kaya ma-HHWW ir Holding Hands While Walking ng crush mo eh hindi ba magt-twerk yang mga atay mo. Mga bhee... ang lakas ng t***k ng puso kong marupok. Lol.
"Tara sa simbahan at pakakasalan kita" ang sarap nitong sabihin kaso wag na baka ihampaso nito ang ulo ko dahil sa sobrang kaharutan ko. Haha.
Di nako nakatanggi dahil gutom nako.
Pagdating namin sa canteen napatungo naman ako. Nakakahiya. Pinagtitingnan kase kaming dalwa. Plus nakahawak pa ito sa kamay ko. Damn! Ang hirap pag may kasamang gwapo kase center of attention kayo palagi. haayst. Nagmumukha tuloy akong basahang yaya nito.
"Anong gusto mo?" Taning nito.
Ikaw. sagot ng maharot kong utak. Haha chos.
"Ahhm" sabi ko at napatingin sa kamay nito.
"Ahw sorry" sabi nito sabay bitaw sakin. Whoo buti naman. Nagrarambulan na kase yung puso ko. Pero much better din na di niya binitawan noh? Hahha charoot lang ulit.
Haayst. Grabe talaga yung landi hormones ko sa katawan. Ang lalandi.
"Ok lang." sagot ko bago binigyang pansin si ateng serbidora na kanina pa tingin ng tingin sa jowa k-- kay Louie. Oo ayun, kay Louie hehe.
"Eto po akin miss" sabi ko sabay turo sa itlog at lumpia.
"Pakidagdagan na lang po ng kanin" dagdag ko.
"Akin din miss. Yan na lang din. With rice" napatingin naman ako sa kanya bago kay ateng serbidora na nagpapacute sa jow-- kay Louie. Napairap naman ako bigla na ikinatawa nito.
"What?" Inosenteng tanong nito. Natawa na lang ako.
"Delikado kana." Biro ko pero ang totoo kinikilig ang apdo ko. Couple lunch na ba tawag dito? Hahaha charot.
Pero ang totoo. Yan lang yung ioorder niya? Eh kase naman eh. Ang yaman niya tapos pampulubi yung kakainin niya. Haleer. Mayas mahal kaya na putahe ang nakahain tapos yung tulad sakin yung bibilhin niya. Just wow. Mukha naman siyang rich kid so bakit ayaw niya ng mga ganung menu. Haha don't tell me kuripot yung kuya niyo. Hahah nakows.
Pagkatapos kunin yung order namin ay dumiretcho kami sa spot nina Rica at Abby. Ayaw niya pa sana pero pinilit ko. Hahaha at ayun. Nadale ng Shannon niyo. Napa-oo ko rin eh. hahaha.
"Sooo.. akala namin kinalimutan mo nang may kaibigan ka pla" mataray na sabi ni Rica. Ayyst loko to ahh.
"Hahaha wag nyo nang pansinin yung isang yan. Badmood kase pinagtripan na naman ni Jackson." Natatawang sabi ni Abby. Jackson is one of our classmate at crush yun ni Rica. Hahaha pag-ibig nga naman.
"Hahaha wala namang araw na di yan pagtitripan ni Jackson ehh." Natatawang sabi ko.
"Pero aminin kinilig ka naman sa pagpapapansin nya diba?" Tukso ni Abby at ang bruha. Nagblush pa. Hahahaha malakas tama nung bestiee ko kay Jackson ehh.
"Pero mas worse yung sayo." Sabi ni Rica sabay tingin samin ni Louie. Nagkatinginan naman kaming dlwa ni Louiee sabay tawa. Luhh bhe may mali ba kaming nagawa?
"Ahm about that. Sorry if I drag your bestfriend without consulting you guys." Sabi nito.
"Wow taray. Di ka ba nagno-nosebleed pagkasama 'to Shan?" Natatawang tanong ni Abby. Sasagot na sana ako ng Oo kaso wag na lang. Gutom na ko kaya uunahin ko muna ang nagwawalang dragon sa loob ng tiyan ko.
"Ano ba kayo. Kumain na nga tayo." Sabi ko na lang at sumubo. Mas ok n rin yung ganito para mawala sakin yung topic. Haha.
"Pero totoo sorry talaga." Sinserong sabi nito kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin ito kina Rica at Abby na manghang manghang nakatingin sa kanya.
"Hahaha ano ka ba. No problem basta wag mo lang sasaktan yung bestfriend namin." Sabi ni Abby na nagpasamib sakin. Langyan. Double meaning yata tong pinaparating ng babaitang 'to.
"Tu--tubig" nahihirapan kong saad. Mga walanjo!
"Hahahaha gutom na gutom lang Shannon?" Natatawang sabi ni Rica at binigyan naman ako ng tubig ni Louiee at hinagod ng marahan ang likod ko.
Tiningnan ko naman ng masama sina Rica at Abby pero ang mga marupok kong bestfriends eh kilig na kilig habang nakatingin samin ni Louiee ngayon.
"Ayieeee bagay" natatawang sabi nilang dalawa. Haayst. Ang supportive nila. Grabeeeeeee.