Shannon Marie's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ng cp ko na nasa tabi ng unan ko. Pagtingin ko sa oras it was already 6:20. Hmm maaga pa para sa 1st subject ko.
Hahaha kase naman ehh. At exactly 9 am pa yung klase namin. Haha ito ang gusto ko ngayong college kase hindi siya tulad ng sa highschool. Kase naman dun dapat maaga kang gumising kase maaga ang klase. Hindi tulad sa college na minsan wala kayong klase sa umaga, at minsan din tulad nito 9 o'clock na kung magsimula.
Pero sa totoo lang kung ano ang kinaganda ng time schedule namin ay ganun na rin ang kinabahala namin sa mga subjects. Kase naman ehh. May mga minor subject na nagf-feeling major like what the fudgee bar lang? ginigigil nila ako. Yung feeling na mas madami pa silang pinapagawa kesa sa major. Tapos ang ending ang baba ng grades na makukuha mo. So tell me, hindi ba yan nakakagigil? Idagdag mo pa na ang t-terror ng mga guro jusko gulay lang. Parang palaging may dalaw. hahaha chos. Edi ako na ang mareklamong studyante. Hahaha.
I'm a computer science student nga pala. And sa totoo lang, I don't know why did I take this course up. Haha to be honest weakness ko ang computer kaya parang tanga ako sa desisyon kong to. Pero nevermind, face your weakness ika nga. Tska sabi nila in-demand daw kase ang mga trabaho sa course na to kaya gora bells na lang ang lolang niyo.
By the way I'm Shannon Marie Puertorico. 1st year college student and currently 19 years old.
NBSB, short for no boobs since birth. Hahaha charoot lang. No books since birth kase talaga yan no ba kayo. Pero sana magkaka w*****d books nako soon. May pera naman ako kaso hindi talaga kaya ng bulsa ko ang isang w*****d book, ang mahal kase. Sana nga soon may magbigay sakin niyan or baka ket regalo lang sa birthday ko. Haha hindi po ako nagpaparinig promise.
Haha ang kaso rin wala akong jowa kaya wala talagang magbibigay niyan. Iyak self. Haha. Haayst buhay parang mars.
8:05 nang dumating ako sa comlab. Tsk early as usual. Haha ohh divaah ket late nako ng gising eh ang aga ko parin dumating sa room namin. Early bird kaya ako noh. Haha.
Wala pang tao sa room kaya naglinis muna ako. Pagkatapos kong maglinis ay pumunta nako sa pwesto ko at magsa-soundtrip na sana nang bumukas ang pinto ng comlab.
Ngiting ngiti pakong tumingin dito kase akala ko kaklase ko but I was wrong. Bored itong tumingin sakin pero ngumiti din naman bago lumabas. Ehhhhh? Ang weird. Anong nakain ng taong yun? haha sayang gwapo pa naman.
Dinedma ko na lang ito at tumingin sa cp ko. Ayokong mastress dahil sa gwapong weirdu na yun noh. Haha.
"Aray ko!!" Daing ko sabay tingin sa taong pumalo sakin. Langya. Sa tagal kong babad sa cellphone ko diko namalayang nandito na pala yung mga kaklase ko. Haha ang taas ng nilipad ng utak ko. Haha kasalanan to ni w*****d eh. Huhu.
"Hahahhaaha goodmorning Shan." Natatawang sabi ni Rica. Barkada ko. Wagas na wagas din tong makangiti kala mo naman hindi masakit yung mga palo niya tsk, tsk.
"Tsk. Ang ganda ng pangbungad mong babaita ka. Masakit kaya" sabi ko at akmang papaluin pero ginamit niyang pangsangga si Abby na kakarating lang.
"Hahaha ano ba Ric." Tila naiinis na sambit ni Abby. Haha may dalaw din ata yung ate niyo.
"Hahaha eto naman. Ang aga-aga nakabusangot kayo. Mayron kayo? haha" sabi ni Rica "Nga pala may assignment kayo?" Dagdag nito.
"Meron pero ayaw kong magpacopy" biro ko. Sa totoo lang saming tatlo ako talaga yung source of assignment ng dalawang yan. Pero ok lnng atleast libre naman nila ako parati pag recess ehh. Haha.
"Ehh walang ganyanan Shamar" sabi nito sabay padyak na akala mo batang inagawan ng candy.
Pinandilatan ko naman ito ng mata. Ang bantot lang ng pangalan na yan. Ewan ko ba kung anong trip ni Rica at tinatawag niya ako niya. Sabi niya Shamar short for Shannon Marie. Haha ohh diba ang ganda ng pangalan ko binabaloy lang. Asan ang hustisya pre?
"Hahahaha nga pala may bagong kaklase daw tayo." Biglang saad ni Abby kaya napatingin kami sa kanya.
"Ehh pwede bayon? Tsaka san naman galing ang tsismis na yan aber?" Takhang tanong ko.
"Pero baka pwede naman yun Shan. Kakasimula pa lang naman ng 2nd semester ehh" Sagot ni Abby.
"Teka pano mo naman nalaman ang tungkol jan hah Abby? Hahaha baka fake news yan ah." Tawang tawang sabi ni Rica. haha true. Pano na lang kung fake news to edi sabog. Haha.
"Ehh di kaya. Sa group chat kagabi di mo ba nakita? Sinabi kaya ni sir yun and kanina narinig ko din na pinag-usapan yan nina Ms.Kara kanina at Ms.Gem. And guess what?" Pa-thrill na saad nito bago lumapit samin na para bang kami lang ang daaat na makakarinig. Haha abnoy lang ehh noh?
"Narinig ko ding boy ito.. ayiee sana yummy. Haha" sabi ni Abby na umaktong kinikilig kaya ayun nagtatalon ang dalawang lokaret kase may bago na naman daw silang boylet na ilalagay nila sa kanilang crush list. Hahaha sabihin niyo nga ok pa ba sila?
Langya. Silang dalawa ni Rica ang bestfriend ko since elementary. Kaya close na close kami. Mabait at mahiyain ang mga yan. Hindi nga lang minsan nakikita dahil sa sobrang PDA. As in public display of abnormalities. Buti nga kahit sa ilang taon na kaming magkaibigan eh di ako nahawaan. Haha. Pero kahit ganyan yang mga yan mahal na mahal ko yan. Kahit hindi kami totoong magkapatid we treat each others as sister by heart and not by blood. Ang swerte ko sa kanila. Sila ang naging sandalan at pamilya ko sa panahong walang-wala na akong makapitan at maiyakan.
Pumasok na yung prof namin kaya bumalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan. Nasa last line ako at mag-isa pa. Ehh kase naman late akong nagpaenroll. Tsaka dito kase paggusto mong nasa unahan at magkaroon ng magandang pwesto at magandang desktop ehh kailangan mong magpa-early registation pero dahil nagkasakit ako that time eto yung resulta. Huhubells. Iyak na this pero ok lang atleast kaklase ko prin yung dalwang abnuy HAHAHA.
"Before I would start our discussion. I would like to introduce your new classmate. Please come inside." Halos marinig mo na yung paimpit na sigaw ng mga kaklase kong babae at mga bakla nang pumasok yung bago naming kaklase. Nagulat naman ako ng makitang sya yung weirdong lalaki kanina.
"Wooah. Ang lakas ng dating nya"
"Ang gwapo niya bess"
"Ang yummy nya guys"
"Di na'ko aabsent hahaha"
"Beh yung make up ko di ba natanggal?"
"Buo na ang college life ko. Salamat lord"
"Another inspiration na naman. ayiee"
Napayuko na lang ako at napafacepalm sa narinig ko. Seriously classmates? may ganun? haha first time ata nilang nakakita ng gwapo. Haha chor. Pero totoo naman ehh. Gwapo nga tong weirdong to. Kumbaga yung level of beauty niya is nakakalaglag panty. Haha buti naman malakas kapit nung sakin kaya di nahulog. hahaha next joke self ang mais mo.
"Go on, introduce yourself young man" sabi ni Professor John.
"Goodmorning everyone. The name's Louie Vergara. Please be nice to me." Sabi nito at ngumiti kaya makikita mo talaga ang kilig ng mga kaklase ko.
Tumingin naman ito sa pwesto ko at ngumiti ulet. Kaya karamihan sa kaklase ko tumingin din.Ehh? Bakit may pa ganun si Koya niyo? kilala ko ba siya? feeling close si Koya niyo eh. Ano ba yan. Hahaha.
"Ok Mr. Vergara you can sit beside Ms. Puertorico." Napahinto naman ako sa sinabi ni Sir. ehh? seriously? ba't dito? No!! ayokong may makatabing weirdo huhuhu.
"Thank you sir." Sabi nito at naglakad patungo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa wakas ay di nako mag-iisa sa likod. Pero naman ehh. Bakit sa lahat siya pa? pwedeng si Kim Taehyung na lang? Haha chos. Ang taas talaga ng pangarap ko eh noh. Hahaha haayst.
"Hi" nakangiting sabi nito kaya napatingin ako dito. Ngumiti na lang din ako. Yoko kayang magmukhang mataray noh. Ayokong pumangit yung first impression nito.
"Hello" sabi ko at tumango. Tumingin ako sa pwesto nina Rica at Abby. At ang mga impakta. Nakangisi pang nakatingin sakin. Tsk. Tsk. Tsk. Masama to.
Pagkaupo nito ay sa harap agad ang tingin nito. Aygooo. Ang attentive naman ng kuya niyo. Haha.
Sa totoo lang kung gwapo siya sa malayo eh ano pa kung sa malapitan. Jusqo lord tao ba siya? para siyang isang webtoon at anime character na naging tao. Ang gwapo. Totoo na. Nakakalaglag panty nga yung beauty ni Kuya. Ohh my gulay. Sorry Taehyung babes at ako'y nagkakasala sayo. Haha.
Ang kinis ng mukha nito. Ano kayang gamit niya? matanong nga mamaya haha. Wala ni isang tigyawat ohhh. Napapasanaol ang oily face ko huhu tapos ang tangos ng ilong. Feel ko may lahi ito. At ang haba ng pilik mata. Ang ganda nitong tingnan gosh. Tapos ang lips niya. Sheems. Nahihiya yung dry lips ko. Hahaha chaarot. Di naman dry yung lips ko. Sadyang wala lang itong kulay kase di ako mahilig mag lips stick kahit nasa college na ako. Waah pero yung sa kanya. Ang pink. Parang lips ng bata. Siguro hindi ito nagyoyosi. Hahaha wengya ano ba itong sinasabi ko. Haha ang harot mo self lam mo yun?
Nagulat naman ako ng bigla itong tumingin sakin. Dang man! he have those ash gray eyes. Ang ganda nitong tingnan. Nakakalunod. Nakakalula. Confirm may lahi si Kuya. May lahi siyang greek god. Haha chaar. Pero sa totoo lang naw-weirduhan din ako sa sarili ko ehh. Para kaseng ang pamilyar ng pagmumukha niya. San ko nga ba siya nakita?
"Staring is rude. Don't you know that?" He said before showing off a sly smile which makes my cheeks burns like hell. Nakakahiya! Napahawak naman ako sa batok ko at nahihiyang tumawa.
"Luhh asang-asa naman si Koya ohh. Dun kaya ako nakatingin" sabi ko sabay turo sa isang side. Nakita ko namang umarko ang labi nito. Sheems. Ngumiti na naman siya. Yung ngiti niyang nakakapamatay sa kilig.
Gosh self maghunos dili ka. Isa kang dalagang pilipina yeah. Hahaha chos. Pero totoo na to self. Wag kang marupok jan.
"Sa harap ang tingin Ms. Puertorico hindi sa katabi"
Halos hiniling ko naman na lamutin ako ng lupa dahil sa sinabi ni Prof John. Gosh nakakahiya. Narinig ko pa ang mga tawa ng mga kaklase ko kaya mas lalo akong nahiya.
"Ye--yes sir" nahihiyang saad ko. Motherjuice to! pangalawang beses nako napahiya ngayon putspa.
Nakita ko namang tawang-tawa ang dalawa kong beshie. Sigi lang. Pagtawanan niyo ako. Kala niyo naman bibigyan ko kayo ng assignment sa Calculus. Bahala kayo jan. Nasa akin parin ang huking halakhak.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ng katabi ko kaya bumalik ang kaba sa dibdib ko na nagpapahirap saking huminga. No ba yan!
Isa pa 'to ehh. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Pero ket ganun di ko maiaalis na kyaaaaaaah ang gwapo niya. Yes po, crush ko na siya. Sorry talaga Taehyung pero siya muna bago ikaw. Hahahaha chaar.
Pero alam niyo ba kung anong pinagtataka ko ngayon? Napaka pamilyar kase ng ginoong 'to sakin. San ko ng ba siya nakita?