"Dala mo na ba ang gamit ng kapatid mo?" salubong na tanong ni Mina sa akin.
Mina is my best friend, my childhood friend and she's close to my sister. Para na namin siyang kapatid pero napalayo siya sa amin dahil kailangan niyang lumipat sa Switzerland kasama ang kanyang asawa na doon nakatira.
I contacted her last two weeks, asking for her advice. Kaya naman nandito siya para tulungan kami ng kapatid ko.
"Oo, dala ko na," sagot ko sabay labag ng dala kong bag sa sofa, nilingon ang kapatid kong comatose pa rin hanggang ngayon bago ko binigay ang atensyon kay Mina. "I've missed you, Mina," aniya ko sabay yakap sa kanya.
"I've missed you too," inalo niya ang likod ko, pakiramdam ko tutulo ang luha ko.
I blinked away the tears as I faced her.
"Nasaan nga pala ang magbabantay sa kapatid ko?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nandito na siya. May inutos lang ako kaya nasa labas pa."
Nag-usap muna kami ni Mina habang hinihintay ang magbabantay sa kapatid ko. Muli naming nabalikan ang mga araw na magkasama kaming tatlo noong hindi pa nagkakaganito ang kapatid ko.
Nang dumating ang magbabantay ay maigi kong tinuro ang lahat ng kailangan niyang malaman tungkol sa pag-aalaga ng kapatid ko. She's a nurse din naman kaya hindi na ako nahirapan magturo pati na rin ang dating nag-aalaga sa kapatid ko.
Mina suggested na sa State ituloy ang pagpatuloy ang pagpapagamot sa kapatid ko dahil may kakilala siya na specialist doon at lilipat din sila ng kanyang asawa sa States. Pumayag na ako dahil kaya ko naman na ang gastusin at mas maaalagan ni Mina ang kapatid ko dahil wala naman siyang trabaho sa States. Sobrang thankful ako sa tulong niya.
That night, Mina, the caregiver, and my comatose sister flew to the States without me.
Nung wala na sila ay doon ako umiyak nang umiyak dahil bigla kong na-miss ang kapatid ko. Siya lang ang nasasabihan ko sa lahat ng problema ko at rants ko lalo na ngayon. Pero magtitiis ako para na rin sa ikabubuti ni Ate.
I will be here waiting for my sister. Sana kapag nagkita na kami, gising na siya at maayos ang lagay.
"What is my schedule for today?" tanong ni Ciro na niluwagan ang kanyang necktie habang lumalakad kami papunta sa elevator.
Kakatapos lang ng meeting na dinaluhan namin.
"You have no schedule of meetings for today, Mr. Hey," panimula ko habang chine-check ang tablet ko.
Panay ang bati ng mga empleyado na hindi man lang niya tinatapon ng tingin. He proudly walked like he always do. Parang kumikinang na bituin si Ciro sa paningin ng mga tao dito. Kilig, pagkamangha at saya ang makikita sa mga mukha nila na wala lang naman sa lalaking ito.
"But..." dugtong ko kasabay nang pagbukas ng elevator.
Nauna siyang pumasok at kaagad akong sumunod. Siya ang nagpindot sa floor namin pagkatapos ay namulsa bago ako buong atensyon na nilingon.
He raised his eyebrows. "But?"
"But you have an appointment with Ms. Montoya. Perhaps a dinner date with her."
"Ms. Montoya?" takang tanong niya.
Muli kong sinulyapan ang tablet ko para i-check kung tama ba talaga ang nakalagay sa schedule niya ngayon. At tama naman ako.
"Yes, Mr. Hey. At bilin din pala ni Mr. Kalix ay tumawag ka sa kanya. Siya din pala ang nagpa-sched nito." paliwanag ko pa.
He sighed, shaking his head in annoyance.
Sino naman kaya si Ms. Montoya? I never heard about her name before...
Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay kaagad na lumabas si Ciro, nagmamadali na makapunta sa opisina. Kaagad niyang kinuha ang telepono at tumawag. Pumunta naman ako sa lamesa ko para abalahin ang sarili ko sa trabaho.
Ciro don't do dates and he hate it more than anything. Kaya ito mukhang papatay siya ng tao habang naghihintay na sagutin ni Mr. Kalix ang tawag.
"Why did you set me an appointment with Ms. Montoya? I don't like dates, Dad. Why is the point of this?" inis na bungad ni Ciro, kalmado naman ang boses niya pero salubong na salubong ang kilay.
Sinulyapan ko siya pero nahuli niya akong nakatingin kaya kaagad akong umiwas.
Kahit inabala ko na ang sarili ko sa trabaho, hindi ko maiwasan na ma-curious lalo pa't rinig ko ang sinasabi ni Ciro.
"Huh... what if hindi ko siya siputin? Don't try fvcking with me, Dad. Stop butting in with my private life." aniya niya sabay malakas na binagsak ang telepono.
Hinarang ko ang hawak kong papel sa mukha ko sabay sumilip sa kanya na malaki ang problema. Nasapo niya ang kanyang noo bago sinipa ang lamesa. I feel bad for his desk.
Pasimple akong umiling at muli akong nagtago sa papel ko.
Mukhang malaking problema 'to.
Tulad ng sinabi ni Ciro kanina, hindi siya sumipot sa date pero... naatras naman para bukas. Walang binigay na rason si Ciro kung bakit kailangan pa na iatras ang date nila nung Ms. Montoya kung ayaw niya naman. Pwede naman kasi talaga niyang hindi puntahan tulad nung ginagawa niya dati sa ibang business partners niya na gustong i-set siya sa kanilang mga anak.
Marahil importanteng tao itong si Ms. Montoya kaya hindi pwedeng ipagbawalang bahala na lang ni Ciro.
Gusto kong alamin kung sino ang Ms. Montoya. Her first name, where she came from, and her looks. Kaya lang nakakairita dahil pakiramdam ko nakikialam na ako sa pribadong buhay ni Ciro. Hindi ako ganun kaya sinubukan kong alisin ito sa isip ko.
Abala ako sa gawain ko nang biglang tumunog ang telepono dito sa office.
"Felicity, secretary of Mr. Hey, speaking," aniya ko.
["Hi po, Miss. Si Abby po ito. May delivery po para sa inyo."]
”Sa akin?" hindi ko makapaniwala na sagot sabay tingin sa aking phone kung may in-order ba ako pero wala naman.
["Yes, Miss."] I heard her giggles. ["I don't want to spoil, Miss. Okay po ba papuntahin d'yan? Baka magalit si Mr. Hey."]
"Hindi. Sige, ipadala mo na dito sa taas." bilin ko.
Nang matapos ang usapan hindi nawala sa isip ko kung sino ang maaaring magpadala sa akin at ano naman kaya iyon. Kita ko ang tingin ni Ciro pero hindi ko siya pinansin. May katok akong narinig at kaagad akong napatayo para buksan ito.
Sumalubong sa akin ang isang malaking bouquet ng sunflower. Napaawang ang labi ko bago inabot ang ito. Kaagad din naman umalis ang nagdeliver na hindi pinasabi kung kanino ito galing.
Sobrang bango ng bulaklak at halos mahirapan akong dalhin ito dahil literal na malaki. Pagkaharap ko ay kapansin-pansin ang tingin ni Ciro sa bulaklak ko.
"Bakit?" tanong ko.
Gusto kong itanong sa kanya kung may alam ba siya dito pero malaking katangahan iyon kung itatanong ko nga. Obviously, hindi ito galing sa kanya. Sa sobrang sama ng tingin niya halatang gusto niyang ipatapon ko ang bulaklak.
He looked away. "Nagdala ka pa ng basura." pinarinig niya talaga sa akin.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Hindi 'to basura." giit ko.
Nyey! Bitter masyado.
Bumalik na ako sa upuan ko at tinignan ang magandang sunflower. Sino naman kaya ang magtatangkang magpadala nito sa akin?
Napangiti ako nang may maliit na pink papel ito. Kinuha ko 'yon at sinulyapan si Ciro na pinaglalaruan ang ballpen sa kanyang daliri. Mahina siyang napabahing at kinamot ang ilong. Bago suminghot-singhot na tila may kung ano sa kanyang ilong na makati.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ang papel.
"You're smiles behold the beauty of the universe. Hope you have a great day, Felicity." malakas kong tinig. Sinadya ko talaga para marinig niya.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong makita ang reaksyon niya.
Malakas siyang napaubo at umayos ng upo habang nakahilig pa rin sa upuan.
I saw him raised an eyebrow, blankly staring at his laptop. Ilang saglit pa muli siyang nabahing at muling kinamot ang ilong.
He cursed under his breath.
Muli kong binalik ang tingin sa papel para tignan kung may pangalan pero wala naman. Kahit sa likod wala rin.
That person might be my secret admirer. How sweet.
Napatigil ako sa pagkamangha nang muling may kumatok. Nilapag ko ang sunflower bouquet sa lamesa ko at tumayo. Saglit ko lang sinulyapan si Ciro na namumula na ang kanyang ilong at namamasa ang mga mata.
Gusto ko sanang huminto sa paglalakad papunta sa pintuan para alamin kung anong nararamdaman niya kaya lang muling may kumatok at nagmamadali ito.
Binuksan ko ang pintuan at niluwa nito si Mr. Kalix na hindi ko inaasahan. Walang pasabi pero sila nga pala ang may-ari nitong kompanya kaya okay lang sa kanila na bilang sumulpot na tila kabute.
"Hi," nakangiting bungad ni Mr. Kalix.
"Hi, Sir." magalang kong bati.
Muli kong nilingon si Ciro na panay ang kamot sa kanyang ilong, niluwagan na rin niya ang kanyang necktie, namumula na siya.
I panicked and walked towards him.
"Mr. Hey, nandito si Mr. Kalix..." aniya ko at kasunod nun ang pagsunod ni Mr. Kalix. "Are you okay, Mr. Hey?"
Malakas siyang tumikhim at umiling. Sinenyasan akong umalis sa harapan niya. Umalis ako at hinarap si Mr. Kalix bago bumalik sa upuan ko. Mr. Kalix and I locked our gaze as he watched my movements before he looked down on my desk, where the sunflower is.
Siya ang naunang umiwas dahil binalingan niya si Ciro. Mr. Kalix smirked, looking back at me. Lumapit siya sa desk ko, nang tingnan ko si Ciro ay nakasunod siya ng tingin sa kanyang Daddy.
"You don't know, do you?" tanong ni Mr. Kalix na nagpalito sa akin.
"Dad..." punong-puno ng pagbabanta ang tono ni Ciro.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Wala ako sa oras na napaayos sa upuan ko habang nakatingala kay Mr. Kalix. Wala namang galit sa kanyang mukha pero puno ito ng sarcasm. Na hindi rin naman maganda para sa akin. Kinabahan ako.
"A-ang alin-"
"Why are you here?" pagpuputol ni Ciro sa sasabihin ko kay Mr. Kalix. Pero muli na namang napabahing si Ciro at naging malakas ang pagmumura niya.
Hindi siya pinansin ni Mr. Kalix. Nanatili ang tingin sa akin.
"I feel sorry sa nagbigay nito but you must throw this sunflower, Felicity." mahinahon niyang sabi.
Gusto kong magtanong kung bakit pero napatayo na lang ako bigla at binitbit ang bulaklak. Ganun ang epekto nilang mag-ama kahit salita lang. Iyong tipo na gagawin mo kaagad sa isang sabi pa lang.
Ngunit mas naging mabilis ang galaw ni Ciro, naabutan niya ako bago ko pa mabuksan ang pintuan.
I heard him sigh before he sneezed again.
"You can keep that," mahina niyang sabi.
Umiling ako. "Hindi. Okay lang-"
"Ipatapon mo na Ciro. May allergy ka sa bulalak and you look like a piece of s**t with your teary eyes and red nose." malakas na bumuga ng hininga si Mr. Kalix. Gulat ko siyang nilingon at umatras kay Ciro kaya nabitiwan niya ang kamay ko.
"Haysst... nandito pa naman ako para asarin ka sa date mo bukas," dugtong pa ni Mr. Kalix.
Binalingan ko si Ciro na mariing napapikit. Pagkamulat niya ng kanyang mata ay dumeresto ang tingin niya kay Mr. Kalix.
"Let's talk outside, Dad," inis niyang sabi bago ako tinignan. "Woman, bring that thing on your condo. At huwag ka nang tatanggap ng kahit anong bulaklak."
Fudge! Hindi ko alam na allergy siya!
Nilamon ako ng guilt ko. "I'm sorry, Mr. Hey. Hindi ko alam." gusto kong lumapit sa kanya pero hindi pwede dahil dala ko itong bulaklak. "I'm sorry talaga. Bakit hindi mo sinabi?" mahina kong tanong sa kanya, problemado na ako ngayon!
Madali siyang umiwas ng tingin. "I don't know. You seems to like it. But because of this, alam mo na ang matatanggap mo. Punishment, Felicity." halos ibulong niya bago siya lumabas ng opisina at muli na namang bumahing.
My face crumpled. Napalunok ako at sana malulunok ko lang lahat ng kaba at guilt ko para hindi ako mukhang ewan ngayon.
Tinanaw ko lang si Ciro na papalayo sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Mr. Kalix sa tabi ko.
Tinapik niya ang balikat ko. "Next time be careful kung anong dadalhin mo dito. You might kill him." may pag-aalala niyang sambit bago malakas na tumawa na tila wala lang ang kanilang pinakita niya.
Sumunod si Mr. Kalix sa kanyang anak at iniwan akong problemado. Hindi ko na nabilang kung ilan beses akong nagpakawala ng bigong hininga.
Kaagad kong tinawag ang maintenance para malinis ang buong opisina namin para maalis ang pollen na maaaring tinangay na ng hangin sa buong kwarto. Uuwi na rin ako para makaligo, patapos na rin naman ang duty ko kaya baka hindi na ako bumalik.
Umalis ako ng hindi siya pinuntahan para makapagpaalam. Pero nag-iwan ako ng text sa kanya.
Ako:
I'm sorry again, Mr. Hey. Hindi ko talaga alam na may allergy ka pala sa bulaklak. Baka hindi na rin ako pumasok ngayon.
Nasa parking lot na ako dala ang pahamak na bulaklak nang makatanggap ako ng reply mula sa kanya.
My Lunatic Boss:
Meet me tomorrow morning at my penthouse. Don't bother to wear panties. I'll decide whether to forgive you or not.