"Buti nakapunta ka. Akala ko hindi ka na talaga pupunta dito." aniya ni Andrus sabay lapag ng pagkain sa lamesa ko.
"Dapat pupunta talaga ako nung isang araw kaya lang biglang nagkaroon ng urgent meeting. I can't skip it tapos hindi ko alam na may number mo pala sa phone ko." paliwanag ko.
Muling bumalik ang pagkahiya ni Andrus, hinimas pa ang batok tila pampabawas ng kanyang kaba sa harap ko.
"Sorry ulit kung pinakialam ko ang phone mo. I-I..." nabitin ang sasabihin niya nang may customer na nagtawag sa kanya.
Gusto kong malaman kung anong gusto niyang sabihin pero nasa oras siya ng trabaho at kailangan siya ng kanyang customer.
Napasulyap ako sa grupo ng mga babae na nagkukulitan.
"Excuse me... puntahan ko lang muna sila." paalam ni Andrus.
"Sure," turan ko na may ngiti sa labi.
Sinundan ko siya ng tingin nang makarating siya sa grupo ng mga babaeng tumawag sa kanya. They are all now giggling, their eyes are sparking, and their smiles are genuine. Ang sarap ulit bumalik sa pagiging teenager.
I think Andrus is younger than me. Halata kasi lalo pa't may pagka-baby face siya at alam mo 'yong vibes niya na talaga namang bagets. Marahil dala na rin na soft ang features ng kanyang mukha. Ngunit mas nakakabilib na may ganito siyang negosyo. Sa kanya itong restaurant na sobrang classic at elegante, halatang pangmayaman. Nadadaanan ko na ang street na ito dati pero ngayon lang ako nakapasok dito.
Fortunately, nagkaroon na rin ako ng time para pumunta dito. Nakakahiya naman kasing hindi tumupad sa pangako lalo pa't may utang ako sa kanya sa pagbalik ng purse ko. Ito lang ang pagbawi ko sa mabuting loob na kanyang ginawa at hindi naman ako madamot para ibigay 'yon. Iyon nga lang kung interesado siya sa akin malamang hindi ko 'yon maibibigay.
I honestly don't even want to get to know him.
Ngayon pa lang alam ko nang madali siya makapalagayan ng loob at kung hahayaan ko ang sarili ko na mahulog, malamang magkakagusto ako. Well, I might not know him that much para maisip 'yon pero hindi maalis sa isipan ko ang posibilidad. I worked at a corporate world, you should always think about all the possibilities. And it also applicable in any situation in our life. Isa pa, hindi lang naman siya ang lalaking naging malapit sa akin noon. Iisa lang din kasi ang mga galaw nilang mga lalaki. Madali silang basahin kaya ito nakakapagbigay ako ng judgement ko.
Isang tao lang naman ang hindi ko mabasa... iyon ay si Ciro. He's unpredictable.
At kung kaya tama ang hinala ko kay Andrus, mas mabuti kung patayin na ang nagdidingas na nararamdaman bago pa ito lumiyab ng matindi.
Hindi naman sa assuming pero hindi naman ako bulag at manhid para hindi mapansin ang malagkit niyang tingin tulad ngayon na kahit nasa counter siya ay palagian akong sinisilip.
He's the chef here. Dapat nasa loob siya ng kusina hindi dito sa labas at siya pa ang naghahatid ng mga pagkain kahit may waiter naman. Kapansin-pansin din ang palagian niyang pagdaan dito sa pwesto ko para tanungin ako kung okay lang ako at kung may gusto ba ako.
See... he's being too nice.
Am I a freak to give it a double meaning?
I tried not to mind him. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain. I think I should just observe him.
Maybe he just wants to fvck me? Like... my monster, ruthless, and arrogant boss?
Dahil ba doon sa pagsayaw namin sa club, naisip niya na makaka-score siya? Does he think I am an easy girl?
Masyado na akong advance mag-isip kaya bago pa lumalim ang iniisip ko ay tinigil ko na.
Nang matapos akong kumain, pinatawag ko ang waiter para ipaabot kay Andrus ang isang sulat. Hindi ko na siya nakitang lumabas dahil na rin sa naging matao na dito at ilang oras na rin ang tinaya ko para lang kumain. Tsaka may iba pa talaga akong gagawin ngayong araw, siningit ko lang ito sa sched ko. Pag-uwi ko kailangan kong magsend ng email sa magiging ka-meeting ni Ciro.
Lumabas na ako bago pa makabalik ang waiter na inutusan ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may mensahe ba galing kay Ciro pero wala. Day off ko ngayon pero kapag ganito madalas may laro pa rin kaming dalawa ngunit wala pa siyang text. I don't mind it though.
Walang tiyak na kasagutan kung bakit tila biglang nag-lie low si Ciro pagdating sa s*x. He still sexually active but he's not like he was before. Alipin 'yon sa s*x at hindi 'yon papayag na blue balls siya. Kapag walang nangyayari sa amin at sinusunod namin ang sinabi kong break, wala siyang ginagawa kundi abalahin ang sarili sa trabaho na minsan kinabibiliban ko na natatagalan niya. I used to his version who couldn't live without having a s*x in a day. Kaya minsan tinatanong ko siya kung gusto niya ng babae pero hindi na daw. Not sure kung maganda ba iyong pangitain o hindi.
Nakaapekto rin marahil ang gana niya sa paglalaro dahil sa pagiging hands on niya sa project na nakuha niya lang kahapon.
"Felicity!"
Binalik kong muli ang phone sa handbag ko bago lumingon sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
My jaw dropped a bit while looking at Andrus. May suot pa siyang apron at hinihingal pa dahil sa pagtakbo. Pero wala pa akong nakikita na lalaki na sobrang attractive sa apron. Tumikhim ako at umayos ng tayo pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko, siya ang lumapit sa akin na may malaking ngiti sa labi.
Now I know kung bakit sikat ang restaurant niya bukod sa masarap ang mga putahe, ang gwapo din kasi ng chef. Plus factor na ang bango niya kahit na nasa kusina siya at maaaring dumikit ang amoy ng kanyang niluluto.
"Hmmm... aalis ka na?" medyo hingal niyang tanong.
"Oo eh. Ang tagal ko na kasi doon, may pupuntahan pa ako. Pasensya pala sa notes lang ako nagpaalam. Ayoko kasing makaabala-"
"Hindi ka abala." pagputol niya sa nais kong sabihin.
Tumango ako at ngumiti. "Okay..." iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
Tumingin siya sa kanyang relos bago hinubad ang apron.
"I'm sorry kung hindi kita na-entertain kanina sa resto ko. Ako pa naman ang nagyaya sa'yo tapos iniwan lang kita doon."
"Ano ka ba, wala 'yon no. Tsaka alam ko namang trabaho mo 'yon. Nag-enjoy naman ako doon habang pinapanood ka sa ginagawa mo. Ang astig mong tignan at ang sarap mo pang magluto."
Tumingin siya sa kanyang apron na hawak bago binalik ang tingin sa akin, nahihiya na siya ulit. "Talaga?" tumango ako. "I really like to cook..." dugtong pa niya.
Napangiti ako at kita naman talaga ang passion niya sa pagluluto. "Halata nga..."
Saglit kaming natahimik habang hindi naaalis ang titig sa isa't-isa bago sabay na tumawa.
Tulad ng sabi ko, mukhang mabait si Andrus at madaling makapalagayan ng loob. Hindi ako awkward sa kanya kahit bagong magkakilala pa lang kami. That's why I think it wasn't bad if I give the same energy he gave to me unless it doesn't break down the wall I build. Isipin ko na lang na friendly siya at sociable kahit iba ang tingin niya sa akin.
He licked his lower lip. "Gusto... gusto sana kitang ihatid."
Umiling ako. "Hindi na. Alam kong busy ka pa sa pagluluto. Malapit lang naman ako." magalang kong pagtanggi sa alok niya.
"Actually, may head chef naman ako sa resto. Nagluluto lang ako kapag gusto ko lalo na kapag may free time. I can go whenever I want to." paliwanag niya habang kinukombinse ako ng mga nangungusap niyang mata.
"Iba talaga kapag ikaw ang may-ari ng negosyo," I think aloud.
Natawa siya at mukhang hindi naman na-offend sa sinabi ko. "So, okay lang ba?"
"Sure. Dito na lang kita hintayin."
Hinawi ni Andrus ang kanyang buhok papunta sa likod at binasa ng dila ang kanyang labi habang hindi maitago ang ngiti. Nagpaalam siya na kukunin ang sasakyan at tumalikod na. Tila nanalo siya sa lotto at narinig ko pa ang pag-Yes niya habang papalayo. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko.
Doon ko na muling kinuha ang phone ko sa handbag ko. Wala pa ring text galing kay Ciro.
Ano naman kaya ang ginagawa nun maliban na lang kung may ka-s*x siya? Kaya lang alam kong wala naman siyang kalaro, kaya anong ginagawa niya ngayon?
"Tss..." ngumuso ako at binalik na lang muli ang phone ko.
Bakit kanina ko pa siya naiisip? Why the heck am I bother kung hindi siya magtext? Hindi ko naman siya dapat problemahin dahil may sarili naman siyang paraan para paligayahin ang sarili niya.
Tatawag naman siya kapag kailangan niya na ako.
Mabilis din namang nakabalik si Andrus dala ang kanyang sasakyan na halos ikalaglag ng panga ko. I bring back my composure. Napatitig ako sa magarang BMW na sports car. Nasa syudad kami at alam kong normal na lang ang makakita ng ganun dito. Pero hindi ito ang naisip ko na sasakyan niya. Tsaka isa pa, hindi pa ako nakakasakay ng sports car!
He must be really rich!
Bumaba si Andrus na mukhang nakapagpalit ng damit. Umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan sa shotgun seat. Sumakay na naman din ako kaagad. Sinarado niya ang pintuan at umikot na para sumakay.
"Saan ka pupunta?" tanong niya at binuhay ang makina nitong sasakyan.
Namamangha pa rin ako pero hindi ko naman masyadong pinahalata.
"Sa Rockwell Center."
"Doon ka nakatira?" bakas ang pagiging interesado niya.
"Oo. Bakit?"
Mabilis siyang umiling. "Wala naman."
Naging tahimik kaming dalawa sa byahe. Hindi naman kalayuan ang condo ko dito kaya nakarating din kami kaagad. Pinarke na niya ang kanyang sasakyan. Inalis ko na ang seatbelt at hinarap siya.
"Thank you sa paghatid sa akin."
"Wala 'yon. It's my pleasure, Felicity," aniya niya na hindi maalis ang ngiti na aabot sa mata niya.
Nakahilig siya sa kanyang upuan habang ang kaliwang kamay ay nasa manibela na bahagya itong tinatapik-tapik na tila hindi mapakali. He's also shaking his legs.
No. Hindi talaga siya mapakali.
Masyadong halata kaya hindi ko mapigilan na hindi punahin.
"May sasabihin ka pa ba? You looked tense?" dinaan ko sa paraan na pagbibiro ang seryoso kong tanong.
He chuckled under his sigh. Mabilis siyang napaayos sa kanyang inuupuan at nawala na ang panginginig ng binti.
"I'm sorry..." saglit siyang napapikit at nang magmulat ay ngumiti. "May sasabihin sana ako sa'yo..."
"Ano 'yon?"
"Pwede... pwede ba kitang yayain na..." nahihirapan niyang sabi, hindi na madugtungan pa ang sasabihin.
"Na?"
"Na lumabas ulit hindi na sa restaurant ko... I mean, real date tayong dalawa." matagumpay niyang nasabi.
Ngunit hindi ko naman naitago ang pagkagulat ko kaya ngumiti na lang ako. Mas mabilis pa ito kaysa sa inaasahan ko.
"Hindi kita gusto kong madaliin kung naiisip mong masyadong mabilis. I know we barely know each other tapos nagyayaya na akong makipag-date ka sa akin. This might freak you out but I want to know more about you." paliwanag niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya, sinamantala ko 'yon para makapag-isip ng tamang sasabihin sa kanya. Hindi rin naman nagtagal at nang makapag-isip na ay binalik ko ang atensyon ko sa kanya.
"Ilang taon ka na?" takang tanong ko na hindi niya inaasahan.
"Twenty-three." wala niyang pag-aalinlangan na sagot.
Sabi na eh. Tama ang hinala ko tungkol sa kanya. Mas bata siya sa akin pero two years lang naman.
"Why? Does my age bother you? Ilang taon ka na ba?" ramdam ko na nagpanic siya.
Umiling ako.
"Nah. You're age doesn't bother me. I'm twenty-five years old. Pero hindi iyon ang problema."
"Ano? Masyado bang mabilis-"
"Mabilis? Oo. Sobrang bilis pero hindi naman iyon ang problema. I can sense that you're nice person to be with, Andrus. To be honest and fair with you, pwede ko naman tanggapin ang alok mo kaya lang hindi pa ako pwedeng makipag-date ngayon. I choose not to... basta hindi pwede."
"Pwede kong bang malaman kung bakit?"
"It's a personal matter."
"Oh, hindi ka ba straight?" kuryoso niyang tanong.
Natawa ako sa sinabi niya. "I'm straight, Andrus. Hindi lang talaga pwede."
"Kung ganun galing ka ba sa break up?" hula niya ulit.
Umiling ako. "Hindi rin. Basta... komplikado masyado."
Naging malungkot ang mukha ni Andrus pero pinipigilan niya ang sarili na ipakita ko. Nag-iwas siya saglit bago ngumiti sa akin.
"Okay..." iyon lang ang sinabi niya.
Pilit akong ngumiti nang makita ang pagsuko sa kanyang mukha. Hindi na rin ako nagtagal pa doon. Muli akong nagpasalamat at bumaba na. Sa totoo lang inaasahan ko na 'yon. Wala naman din akong gustong gawin niya. Umpisa pa lang naman din gusto ko nang matapos ang lahat habang wala pang nasisimulan.
He just finds me attractive and that's it.
Lumakad ako nang hindi lumilingon pabalik para alamin kung nakaalis na ba siya. I'm not bother naman din sa mga sinabi niyang pag-amin. Malamang ito na rin ang huli naming pagkikita at hindi naman ako guilty na tinanggihan ko ang kanyang alok.
Hanggang doon na lang 'yon pero pagkapasok ko pa lang sa condo ko, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa aking handbag.
Mabilis ko itong kinuha dahil umasa ako na si Ciro ang nagtext.
Subalit ganun na lang ang pagkadismaya ko nang makitang hindi ito galing sa kanya.
Bakit kanina pa ako naghihintay sa kanya? Hindi ba maganda na hindi niya ako kinukulit? Nahawa na rin ba ako sa kalib*gan niya kaya ako umaasa ng ganito?
But I must admit it, kahit tapos na naming gawin 'yon, minsan nararamdaman ko pa rin siya sa loob ko. Na tila naka-imprinta ang haplos ni Ciro sa buo kong katawan. Kaya siguro nagiging ganito ako pero ang malinaw naman sa lahat, alam kong kalam lang ito ng aking katawan.
Heck, did I crave for him now?
Inalis ko na sa isip ko si Ciro at pinansin ang text na galing kay Andrus.
Andrus:
Thank you.
Napatitig ako sa mensahe ni Andrus.
I just sighed.
Hindi na ako nagreply at tumungo na sa aking kwarto. Naligo ako, nagbihis at nag-ayos para sa susunod kong pupuntahan. Ito talaga ang plano ko pero nagawa ko namang maisingit ang pagpunta sa resto ni Andrus dahil may hinihintay pa akong kompirmasyon mula sa kaibigan ko.
Saktong tapos na ako sa paglalagay ng ilang gamit sa bag ko ay tumunog ang phone ko.
Sinagot ko ito kaagad sabay sukbit ng bag sa aking balikat.
["Nandito na siya. Papunta ka na ba?"]
Tumungo ako sa sala at pinatay ang ilaw sa condo ko.
"Oo. Papunta na ako diyan."