Masugid kong tiningnan ang buong paligid para alamin kung nandito ba si Andrus pero hindi ko naman siya nakita, ilang minuto na rin ang nakalipas matapos kaming pumunta dito. “May hinahanap ka ba?” Napabalik ako sa ulirat ko sabay mabilis na umiling. “W-wala naman, Mr. Hey.” I stretch my neck a bit. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging komportable ngayong nandito ako. Pakiramdam ko parang bigla na lang susulpot si Andrus sa amin. Kapag nagkataon, anong gagawin ko? Dapat ba akong magpaliwanag? Boss ko lang naman si Ciro, ano ngayon kung makita kami? Ngunit kahit isipin ko ‘yon, hindi gumagaan ang pakiramdam ko. Parang ang bagal ng oras kahit ubos na ang pagkain ko dahil sa sobrang pag-iisip ko na sana matapos na kami dito. Pero hetong si Ciro, napakabagal kumain at minsan hindi ta

