Nagising ako sa isang masarap na amoy mula dito sa bahay ko. Naririnig ko rin ang tunog ng paggigisa at ang pagbubukas ng tubig sa aking lababo. Bumangon ako at nag-unat ng aking katawan bago tuluyan na tumayo para tingnan si Andrus. Malamang nagluluto siya ng agahan. Maayos naman ang tulog ko pero medyo masakit ang ulo ko dahil late na rin nung nakatulog ako. Pakiramdam ko babangungutin ako dahil sa pagtawag ko kay Ciro kagabi. Tinignan ko ang phone ko at muli ko na naman naalala ang ginawa kong pagtawag kay Ciro. Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa ulo bago iniwan muli ang phone ko sa kama at lumabas na. Lalong ginugutom ako sa naaamoy ko mula sa kusina. Nadatnan ko si Andrus na wala pa ring pang-itaas na masugid na nagluluto sa aking kusina. Humilig ako sa pader at pinag

