Chapter 3

1659 Words
“Mudrakels, magandang umaga! Aalis na ang iyong ubod ng gandang anak!” inayos ko sa may harap ng salamin ‘yong buhok ko, medyo basa pa ‘yon kaya sinuklay ko ito. “Aga Renzel ah, hindi ka ba muna kakain ng almusal nak?” sabi ni mother galing sa labas. Mukhang maagang naglalaba si Mother earth. “Magbabaon na lang ako ng pandesal mother. May usapan kasi kami nila Munching na magprapractice kami ng volleyball ngayon,” sabi ko rito. Hindi kasi ako tinigilan ni bakla kahapon hangga’t hindi ako umoo 'ayan tuloy imbis na 8:30 pa ang pasok ko kailangan kong pumunta ng 7 doon. “Ganoon ba. Isabay mo na kaya si Princess 'nak.” Napatingin ako kay mother. Hello, ang aga-aga pa kaya at malamang tulog pa ‘yong prinsesa na ‘yon. “Nako mother earth! Ang aga-aga pa. Mamaya pang 8:30 ‘yong pasok namin. Mabobored lang ‘yon tsaka baka tulog pa si ate girl,” saad ko. Nag-lagay ako ng pulbo sa mukha pati na rin ng liptint, “Ang baho na nitong liptint ko dapat ‘di ko na pinahiram ‘to kay Petra,” bulong ko. Malayo pa naman dito ang bayan at ang mahal din ng liptint wala na akesh datung. “Gising na iyon anak. Wait, tatawagin ko.” pipigilan ko na sana si mother kaso mabilis siyang naka takbo palabas. Paniguradong ‘di naman sasabay sa ’kin ‘yon, duh may sasakyan kaya ‘yon. Bahala na nga. Nagbalot na ko ng pandesal at inilagay ‘yon sa aking U.K handbag. Pinabili ko ito kay mother earth noong pumunta siya sa bayan para mamalengke, infairness maganda siya at mura pa. Lumabas na ako ng aming mansyon at pumunta sa gate, napatingin ako sa kapitbahay namin at nasa labas ‘yong sasakyan nila. ‘Di ba sabi ko na eh, sa sasakyan sasakay ang gaga. Hmp! Nagistrenching muna ako dahil mag-jojogging ako para naman nakapagwarm-up na ko pagdating sa school. “ 3…2…1...” Huminga ako ng malalim nang matapos ako sa pagiistrech. Gora na itech! Nakahanda na ‘kong tumakbo nang bigla na lang bumusina ‘yong sasakyan noong kapitbahay namin. Aba! Aawayin ko na sana kung sino man ‘yong nasa loob kaso biglang nagbukas ‘yong bintana ng sasakyan at sumilip doon ‘yong supladang prinsesa. Bakit ba laging nakapokerface itong babae na ‘to? May dalaw ba siya araw-araw? Bad mood araw-araw? “Why?” tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay at baba. “Get in,” sabi nito at isinarado na ulit ang bintana. Aba! ‘Di man lang ako hinayaang makasagot, ang suplada talaga! Tska ano raw? Get in? Anong kukunin ko? “Pasok ka raw sa loob ng sasakyan.” nagulat naman ako dahil akala ko kung sino ‘yong nagsalita, humarap ako sa may driver seat at may isang magandang lalaking naka-upo roon. Omygash! Nakangiti ito sa akin. Omygash omygash! Ang guwapo! “Sige po.” pumasok ako sa loob ng kotse at pinili kong umupo sa harapan para katabi ko si pogi. Pagpasok ko pa lang sa loob naamoy ko na kagad ‘yong mabangong amoy ng sasakyan nila, mukhang mayaman na amoy mayaman pa. Sana all! “Isuot mo na ‘yong seatbelt mo,” sabi ni kuyang pogi. Pero ano raw? Anong isusuot ko? Hinanap ko ‘yong seatbelt na sinasabi niya, jusko napaignorante ko. First time ko pa naman sumakay ng kotse at wala akong kaalam-alam dito. “Fasten it already,” sabi nong suplada sa likod. Inismiran ko lang siya at hinanap ‘yong seatbelt. Nakakahiya ka bakla! “Ako na nga.” lumapit sa akin si kuya pogi at may kinuha sa may gilid ko. Sobrang lapit ng mukha niya mygash, at ang bango-bango niya! May hinila siyang kung ano at nilagay yun sa kabilang gilid ko. Wala na kong pake kung ano ‘yon dahil ang buong atensyon ko ay na kay kuya pogi. In love na ‘ata ako my gosh. “Lets go Peter.” nawala ako sa imagination ko nang magsalita ‘yong suplada kaya napaayos tuloy si kuya pogi. “Yes miss.” tumingin ako sa likod at nakatingin din sa’kin ‘yong prinsesa, inirapan ko siya para ipaalam sa kan’ya na hindi ko siya trip. Mabilis lang naman ang byahe papunta roon pero feel ko parang isang oras ang tagal, siguro gan’to talaga kapag inlove ka, bumabagal ang ikot ng mundo… “Nandito na tayo Miss Princess.” nagising lang ako sa katotohanan na nandito na kami sa school. Lumabas si Peter at pinagbuksan nang pintuan si Princess, s’yempre ako na mismo nagtanggal ng seatbelt ko at ako na rin nagbukas ng pintuan ko, hindi naman ako umasa na pagbubuksan din ako ni Peter my loves. “Sunduin ko na lang kayo mamaya Miss Princess,” sabi nito, tumango lang ‘yong suplada at naglakad papasok sa loob. May mga estudyante na rin ng ganitong oras kaya tuloy agaw tingin si suplada. Nakasuot na ito ng uniform namin at masasabi kong bagay sa kan’ya ito, normally mahaba ang palda nang ibang babae dito, hanggang ilalim ng tuhod pero ‘yong sa kan’ya ay hanggang ibabaw ng tuhod though wala naman sa rules namin kung gano kahaba dapat ‘yong skirt basta nakasuot ng uniform okay na ‘yon at hindi makikita ‘yong singit. Nakatuck in din ‘yong blouse niya at may pa ribbon siya na kakulay ng palda niya. Maganda rin ang fashion sense nitong babae na ‘to, gan’yan talaga ‘ata kapag laking ibang bansa. Hindi ko na siya pinansin at naunang pumunta sa field. Andoon na ang mga bakla at mukhang kanina pa sila roon. Talagang siniseryoso nila ang revenge game na ito. “Ang tagal bakla ha!” sigaw ni Munching. Inilapag ko ‘yong bag ko sa bleacher at hinubad na ‘yong pants ko. Nakacycling naman na ako at may suot na sando sa loob. “Sorry na bakla, ito na nga ‘di ba.” lumapit ako sa kan’ya at nakipagbeso. Ganoon rin ‘yong ginawa ko kay Kiray at syempre hindi ko inilapit ‘yong mukha ko pagdating kay Petra, ayoko pa rin mahawaan ng kuto. Ipinuyod ko ang aking buhok para makapagstart na kami. Lagot talaga sa ’kin yong Berta ulupong na ‘yan, tatalunin ko siya. Papakainin ko siya ng lupa!” gigil na sabi ni Munching. Hindi pa rin talaga siya nakakamove on sa pagkatalo niya. Sa kanilang tatlo siya lang ‘yong hindi makaget over. “Tara na nga. Nakapagwarm-up na ba kayo?” tanong ko. “Oo girl kanina pa. Laro muna tayo ng isang game, kayong dalawa ni Kiray tapos kaming dalawa ni Petra,” saad ni Munching. Aapat lang kami sa tropa namin. Though okay naman kahit apat lang kami. Sa mga katawan ba nitong tatlo daig pa namin ang anim na players. Magsisimula na sana kaming maglaro ng matanaw ko ‘yong suplada na nakatingin sa’kin. Nakatayo lang ito sa may lilim ng puno habang nanunuod sa’min. Bakit kaya hindi na lang siya umupo rito sa may bleachers kung gusto niyang manuod. “Wait lang bakla,” sabi ko at tumakbo papunta kay Princess. “Why are you there? You don’t know your room? It’s over there,” turo ko sa may second floor katabi ng classroom namin. “I know that. I just wanna see you play,” sabi nito habang nakatingin kila Munching, tumingin din ako kila Munching at nakatingin din ito sa amin. “Okay. You can sit over there.” turo ko sa may bleachers. Ang pangit naman kung nakatayo lang siya dito. “Okay.” naglakad na ito papalapit doon sa mga bag namin at naupo sa roon. Kagad naman akong bumalik kila Munching. “’Di ba siya ‘yong Merlat kahapon? Girlfriend mo talaga Zel?” pang-aasar ni Munching kaya binatukan ko ito. “Magtigil ka bakla, tara na may 30mins na lang tayo bago magstart ang klase.” nong sinabi ko ‘yong pumuwesto na kagad si bakla at nag simula na kaming maglaro. Saglit lang ‘yong naging laro namin dahil need pa namin mag-ayos dahil 10 mins na lang ang may klase na kami. “You can go now to your room. We’ll go to the cr first to freshen up,” sabi ko nong nakalapit ako kay ‘sups’ in short for suplada. Tumango naman ito at binitbit ang kan’yang bag. “Tara na bakla dali!” sigaw ni Kiray at tumakbo papuntang cr. Ganoon din ‘yong ginawa ko. Nagpalit ako ng sando at hinubad ko na rin ‘yong cycling ko at nilagay ‘yon sa bag. “Daks ka bakla ah, pasight naman niya.” pang-aasar ni Munching sa’kin at hahawakan pa sana niya ito. Nakapanty lang ako na galing pa sa pinaglumaan ni mother earth, ayaw niya kasi akong bilhan ng sarili kong panty kaya kinuha ko na lang ‘to. Umaasa pa rin kasi ang nanay ko na magiging lalaki pa rin ako. “Tigilan mo ko bakla. Malalate na tayo. Tsaka kapag yumaman ako ipapatabas ko ‘to no.” isinuot ko na ‘yong pants ko at ‘yong polo ko. Inayos ko rin ‘yong buhok ko. “Kailan pa kayo ‘yon bakla? Kapag pumuti na ang buhok ni Kiray?” sabi ni Munching. “’Wag niyo ako idamay d’yan ha. Dalian niyo na,” sabi ni Kiray. Mabilis kaming umakyat papunta sa classroom namin. Bago pa kami makarating sa classroom namin napahinto ako. Nakita ko si Princess sa classroom nila mukhang nagpapakilala. Nasa section 1 pa naman siya habang ako sa section 2. “Bakla ano pang tinatayo-tayo mo d’yan? Paakyat na si Sir Gimbo!” sigaw ni Kiray kaya napalingon sa’kin si Princess. Seryoso lang itong nakatingin sa’kin kaya umalis na ko roon at pumasok sa room namin. May dalaw ba ‘yon? Masyadong seryoso sa buhay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD