Chapter 2

1561 Words
“Ikaw bakla ha! Indiana Jones (hindi sinipot) mo kami kahapon nila Kiray gaga ka! Kinabog tuloy kami ng kampo ni Berta ulupong, kala niya tuloy siya na ang reyna! Ang chaka-chaka niya naman. Tadyakan ko pa siya sa mukha nang makita niya! “ reklamo ni Munching. Hindi ko nasundan ‘yong mga sinabi niya, kalerkey si bakla balak atang maging rapper. Nahawa na ‘to sa nanay niya. “Bakla hinay-hinay maubusan ka ng laway, “ pag-pigil ko sa kan’ya. “Hay ewan ko sa’yo. Bumawi ka sa susunod na laban bakla kung hindi itatakwil na kita.” natawa na lang ako sa pinag-sasabi niya. “Bakla, kailangan ko ng andalucia(pera) kaya pinatos ko na ‘yong request ng mga bagets. Sige babawi ako next time.” lumabas akesh ng classroom namin at pumunta sa classroom ng grade 7. Lunch time na tatanungin ko lang kung may practice ba sila. “Sorry kuya Renzel wala muna kaming practice may project kasi kami. Bukas na lang ha,” sabi ng President nila. Nagtitimpi lang ako pero gusto ko nang kalbuhin ‘to. Hindi niya bang nakikita ‘tong long hair ko at itong handbag ko? Tawagin ba naman akong kuya. Kalerkey itech! Kaimbyerna! “Okay-okay. Babush.” tumalikod na ‘ko at talagang ikinembot ko ‘yong puwet ko para naman next time hindi na niya akong tawaging kuya. “Tom Jones na ko, ‘asan naba sila Munching?” nakatambay ako sa may mga kiosks area. Akala ko kasi nandito ang mga bakla kaya dumiretsyo na ko rito. “Siomai rice ba Zel?” tanong ni Aling Gina, ‘yon lang naman ang lagi kong order dito dahil mura na masarap pa, lalo na’t marami ang chili garlic nila dito. “Antayin ko lang ang mga bakla ‘te bago ako umorder,” sabi ko, tumango lang ito kaya tumingin ako sa may building namin. ‘Asan na kaya ‘yong majujubis na ‘yon? Hindi ba sila maglulunch? Ang portugal(matagal) nila ah! Bala sila d’yan ako ay lalafang na. Umorder ako ng makakain ko at sinimulan ng lumafangz. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang may pumaradang sasakyan sa tapat ng gate nitong school namin. Mukhang mayaman ah ganda ng otto eh. Sana all. Hindi ko na sana ito papansinin pero nong nakita ko ‘yong lumabas mula roon ay nabulunan ako. ‘my gash mamamatay na ko!’ “Ate water, madedeads na ko dali!” sabi ko kay aling Gina. Binigyan niya naman ako bottle water kaya kaagad kong binuksan ‘yon at ininom. Nang masureness ko na buhay pa ‘ko tumingin ulit ako ‘roon. Nakita ko si mother earth kasa-kasama si Ms. April at ang suplada niyang anak. Marami napapatingin sa kanila kasi mga mukhang imported ang mga bakla. Lunch time na rin ng karamihan kaya talagang agaw atensyon sila. “Ang ganda naman n’yan. Mukhang mayaman,” rinig kong bulong-bulungan ng ilan. Nako ang mga chismosa talaga. Aalis na sana ako kaya lang tinawag ako ng mga kaibigan ko. “Zel! Si Tita Linda andito tara lapitan natin!” bago pa ako makaangal ay nahila na nila ako papalapit kila mama. “Hello po Tita Linda,” sabi ni munching. Ganoon din ‘yong ginawa nila Kiray at Petra. Medyo umusog pa ko palayo kay Petra dahil baka mahawaan ako ng kuto niya. “Hello rin Alberto, Pedro at Kiko.” natawa ako sa pagbati ni mother, pinigilan ko iyon kasi nakasimangot na ‘yong tatlo. Ayaw pa naman nilang tinatawag sila sa totoo nilang pangalan, “Renzel anak, kasama ko si Ms. April at si Princess, samahan mo naman kami papunta sa principal office, gusto kasi makausap ni Ms. April ‘yong principal niyo” napatingin ako sa likod kung saan nakatayo si Ms. April, busy ito sa kausap niya sa cellphone samantalang si Princess naman ay nagmamasid sa paligid. Hinahangin ‘yong itim na itim niyang buhok at pati na rin ‘yong suot niyang bistida, marami tuloy napapatingin sa kan’ya. “Ay ang gandang merlat niyan Zel, jowa mo?” tanong ni Munching, kinurot ko naman siya dahil nakakasuka ‘yong sinabi niya. ‘Di ako kumakain ng tahong! “’Yong bunganga mo Alberto napakabastos, gusto mong magmumog ng holy water?” pang-aasar ko rito. Inirapan lang ako ni bakla at pumunta kay Petra para tulungan sa pagtitiris ng kuto nito. Ew. “Tara na ma, matatapos na ang lunch break namin,” sabi ko rito. Tinawag ni mama si Ms. April kaya napalingon sa’kin si Ms. Suplada. Nagulat naman ako sa itchura ng mata ni ate girl. Ngayon ko lang nakita ng maigi ‘to. Ang ganda parang nakacontact lense, kulay grey. Plakado ang kilay ni ate pero mukhang wala naman ginamit, matangos at maliit ang ilong nito at may unting freckles doon, heart shape din ang labi nito at pink na pink, tinalo ang liptint ni Kiray. Teka bakit ko ba siya dinidiscribe? “M-ms. April tara na po, sunod po kayo sa’kin.” wait nautal ba ko? Nako, tigilan mo sarili mo Zel, hindi ka mentos (lalaki) isa kang merlat (babae) na nasa katawan ng isang lalaki! Dinala ko sila sa may Principal office, pinaiwan kaming dalawa ni Princess dito sa labas dahil usapang gurang daw ‘yon sa loob at bawal ang mga fresh sa loob. E’di fine! Madali naman akong kausap. Nakaupo kami sa magkabilang dulo nitong bench, buti na lang talaga at mahaba ito kaya hindi kami magkatabi. Hindi ko akalain na aabutin sila ng siyam-siyam bago lumabas. Malapit na ang next class ko at kailangan ko nang bumalik doon. Pero… Hindi ko naman puwedeng iwanan itong babae na ‘to baka pagalitan ako ni mudra. Pero paki ko ba? Hindi ko naman ata kailangan na ibababysit ito. Tatayo na sana ako kaso nagbukas bigla ‘yong pintuan at lumabas doon si mudra, sunod si Ms. April at si Principal Torre. Naupo na lang tuloy ako sa upuan. “Ms. Sanchez you can rest assured that your daughter will be safe here,” pag-eenglish ni Sir Torre. “Okay-okay Mr. Torre,” sabi naman ni Ms. April. Lumapit si mudra kay Princess at pinatayo ito. Aba! Prinsesang prinsesa si ate girl ah, kinareer ang pangalan niya. “Mr. Flores.” napatingin naman ako kay Sir Torre. Jusko ‘yong buhok ko. Kagad kong inipit ‘yon para hindi pagdiskitahan ni Mr. Torre baka kapag hinayaan ko itong nakalugay ay bigla na lang niyang gupitin, mahirap na. “Yes Sir?” inayos ko rin ‘yong tono ng boses ko. “I-tour mo si Princess dito ngayon habang inaasikaso nang mommy niya ‘yong mga kailangan niya.” napanganga naman ako sa sinabi nito. “Hala bakit ako Sir? Tsaka malapit na magstart ‘yong klase ko lagot ako kay Mrs. De Lima niyan,” sabi ko. Terror pa naman ‘yon, ayaw ng late. Nagme-menopause na kasi kaya ganoon. “Excuse ka na. Ako nang bahala kay Mrs. Del Lima basta itour mo si Princess dito.” though mas pabor naman ‘yon sa’kin kaysa pumasok sa klase ni Mrs. De Lima. “Sige-sige sir, babush.” tumalikod na ‘ko at hinila sa kamay si Princess. Nang makalayo-layo kami roon ay kagad ko itong binitawan. Nakatingin naman sa’kin ng seryoso si girl kaya naconsious ako. “Bakit ka ganyan makatingin?” tanong ko rito pero ‘di ako sinagot ni bakla. Nakakunot lang ang noo nito habang nakatingin sa’kin. Oo nga pala laking Amerika ito kaya paniguradong hindi ‘to marunong mag-tagalog. Jusko papahirapan pa ko ni ate girl, buti na lang talaga at may baon akong panyo incase na duguin ‘yong ilong ko. “You, why are you starring me like that?” di ba ang pak nang english ko. May sense rin pala ‘yong panunuod ko ng mga English movie. “Where are we going?” where where… Saan? Okay-okay. Gets ko na. “I show you around, just follow me.” nagsimula na ‘ko sa pagtotour sa kan’ya, buti na lang at tapos na ang lunch break kaya walang masyadong tao sa labas. “This is the Library you can read here, and that’s the Gym, you or we can go there if we have a MAPEH class. That’s the canteen that’s where we buy food, but you can also buy there,” tinuro ko ‘yong kiosks area, “that’s the Senior high building, and that’s the Junior high building, that is the garden you plant trees there when we have our agricultural subject.” ano pa ba? Nasabi ko na ba ‘yong Library? Na sabi ko na ‘ata ‘yon. Ano pa ba ‘yong ipapakita ko? “Where’s the restroom? Clinic? Guidance office, registrar office?” tanong nito. “There, there, there and there.” Turo ko sa mga lugar na hinahanap niya. Hindi naman ganoon kalaki ‘yong school namin kaya madaling hanapin. May dalawang building na magkaharapan na may apat na palapag ang taas. Sa may pagitan nito ay may field. Sa bandang gilid sa kaliwa nandoon ang Gym, medyo malaki iyon. “Okay. Can we go back now? I want to go home,” sabi nito at nauna itong maglakad kaya sumunod na lang ako. Hindi man lang ako pinasagot talagang tinalikuran na lang niya ako. Napaka suplada talaga. Tse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD