Chapter 1

1856 Words
Year 2011…… “Zel, hinahanap ka na nila Munching. Maglalaro na daw kayo ng volleyball!” sigaw ni Petra. Napahinto tuloy ako sa pagsasayaw gano’n din ‘yong mga tinuturuan kong grade 7. “Wait lang mga bagets ha, kausapin ko lang si Petra kulubot.” nagsihagikhikan ‘yong mga bagets bago ko sila iwanan para puntahan si Petra. “Pakisabi kay Munching pass muna ako. Nagpapaturo ‘yong mga grade 7 para sa MAPEH presentation nila,” sabi ko kay Petra. Napakamot naman ito sa ulo niya. Kaya medyo lumayo-layo ako unti, ayoko pa naman mahawaan ng kuto ni Petra baka kalbuhin ako ni Mudra kapag nagkakuto ako. “Ano ba ‘yan Zel? Ang layo nang nilakad ko tapos ‘di ka rin naman pala sasama,” reklamo nito at mas lalong kinamot ‘yong ulo niya, "Mas lalo atang dumami ‘yong kuto ko, magsusuyod nga ako pauwi.” “Tama ‘yan Petra, magsuyod ka nang mabawasan naman ‘yong kuto mo, jusko lagyan ko na kaya ‘yan ng gaas para mawala,” sabi ko dito. Nakakuha ito ng kuto kaya tiniris niya ito sa harapan ko. Jusko buti na lang talaga at alaga ko itong buhok kong hanggang balikat, walang kuto at makintab pa. “Sige na nga, babalik na ako kila Munching.” Tumalikod na ito at naglakad palayo. Bumalik na rin ako sa mga estudyante ko. “Ay! Sinong nagsabi na huminto kayo? Aba ayos! From the start!” sigaw ko sa kanila. Pinatugtog ko ‘yong music nila kaya nagsiayos na sila. “One…two… three!” Matapos ang practice ng mga grade 7 ay binayadan na nila ako. Sa tatlong oras kong pagtuturo ay nakakita ako ng 120 pesos, okay na rin ‘to may pangbaon na ako bukas. “Oh Zel, nandito ka pa pala. Kamusta ang pratice ng grade 7?” tanong ni Mrs. Quinto. Kinuha ko ‘yong dala-dala niyang libro, “ Salamat Zel,” Pasasalamat ni Mrs. Quinto. “Okay lang Ma’am, mabilis naman po silang turuan,” sagot ko sa tanong ni Mrs. Quinto, si Mrs. Quinto ay isa sa mga homeroom teacher dito sa paaralan namin, naging teacher ko na rin siya nong grade 7&8 ako at naiba lang nong nag-grade 9&10 ako. “Buti naman. Salamat Zel.” Ibinigay ko sa kan’ya ‘yong libro na dala ko ng makasakay siya nang tricycle. Inabot niya naman ito at nagsalita “Hindi kaba sasakay Zel?” Umiling-iling ako. Medyo malapit lang naman ang bahay namin simula dito kaya okay lang kahit maglakad ako. “Nako hindi na po,” sabi ko. Nagtitipid din kasi ako, kahit 15 pesos lang ang bayad, ayoko. Sa 15 pesos makakabili na ‘ko ng softdrink at tig-pipisong chichirya. Kaya okay lang maglakad, exercise din ‘yon. “Kung nag-aalala ka sa pamasahe ay libre ko na. Baka maabutan ka pa ng dilim kung maglalakad ka,” sabi nito. “Sige na nga Ma’am sabi niyo ‘yan ah.” Well libre naman kaya okay lang. Sumakay ako sa backride at sinabi kay kuya kung saan ako bababa. Nang makarating ako sa amin ay nagpaalam na ko kay Mrs. Quinto. Naglakad pa ako ng unti bago makarating sa bahay namin. “Mundrakels! Andito na ang maganda mong anak!” sigaw ko nang makapasok ako sa bakuran namin. “Renzel! Nandito ako! Halika!” napatingin ako sa may kabilang bahay. Ano naman ginagawa ng nanay ko roon? Wala namang nakatira do’n. “Mother earth anong ginagawa mo d’yan? Jusko ma, wala kang mananakaw d’yan,”sabi ko at inilapag ko ‘yong handbag ko sa may balkonahe namin at lumusot sa may butas ng wire para makapunta sa kabila. Nagulat pa ko nang may makitang mga lalaki roon kasa-kasama rin si mama na nagbubuhat ng gamit. Eh? May bagong lipat? Sino naman kaya itech? “Sino ang bago nating neighbour mother?” sabi ko nang makalapit ako kay mudra. Trinatry buhatin ni mudra ‘yong washing machine pero hindi niya ito mabuhat kaya tinaboy ko ito at ako na ang nagbuhat. “Mga taga ibang bansa Renzel, dito na titira.” Inalalayan ako ni mama papasok sa loob ng bahay. Maliwanag sa loob at mukhang mayaman ang titira dito dahil ang ganda ng design sa loob. Walang masyadong umuupa sa bahay na ito dahil mahal ang upa dahil up and down ito, samantalang ‘yong amin down lang walang up. “Oh thank you, thank you. You can put it in the kitchen. There’s a room there,” pageenglish nong babae. Buti na lang talaga at may alam din ako kahit papaano sa english kaya naintinidhan ko ito. Sinunod ko ‘yong sinabi niya, pagpasok ko sa kusina ay namangha ako. Daiz ang modern ng kusina nila hindi katulad namin na de-kahoy ang gamit sa pagluluto, may refrigerator din sila at mas malaki ito kaysa sa pintuan ng bahay namin. E’ di sila na. Ipinasok ko na ‘yong washing machine sa loob nong nag-iisang kwarto do’n. Tumingin ako sa likod at nawala bigla ang nanay ko. “Saan naman pumunta ‘yong babaita na iyon?” lumabas na kagad ako upang hanapin si mother, baka mamaya magbuhat na naman nang kung ano-ano ‘yon, sasakit lang ang likod ng nanay ko. Paglabas ko ay malapit nang matapos sa pagbubuhat ‘yong iba naming kapit-bahay. Wow ang babait nila ngayon ah. Porket alam nilang may kaya itong bagong lipat masyadong pabibo. Tss “Halika Renzel. Magpapameryenda si Ma’am April” nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni mother. Hinila niya ako papunta sa bakuran sa likod. Hindi ako nakaangal sa sobrang bilis niyang maglakad. Pagdating namin doon ay nandun na rin ‘yong ibang kapit bahay namin. Nakalagay sa isang mahabang kawayang lamesa ‘yong mga pagkain na mukhang galing pa sa isang sikat na resto sa bayan. Nandito na rin ‘yong may-ari nang bahay at nakikipagkwentuhan sa mga plastik naming kapit-bahay. “Oh Linda! Come here sit here!” masiglang tawag nang may-ari at ipinakita ‘yong upuan sa tabi nito. “Coming-coming!” page-english ni mother. Tatawanan ko sana ito kaso pinigilan ko. Hinila niya ‘ko papaupo sa tabi niya. “Thank you so much for helping me. Ngayon na lang ulit ako nakabalik sa Pilipinas at ‘di ko akalain na marami ulit akong magiging kaibigan dito,” sabi nito. Nagtatagalog naman pala, pinahirapan niya pa sarili niya. “Saan kaba galing April?” tanong ni Aling Lira. Nako itong sipsip na ‘to. “Sa United States. Doon ako nakatira simula nang ikasal kami ng Amerikano kong asawa,” saad nito. Sana all nakahanap ng foreigner. Though foreigner din naman ang tatay kaso hindi ko naman nakilala iyon, binuntis lang naman no’n si mama tapos iniwan. “Talaga? E’ na saan ‘yong asawa mo?” tanong ni Aling Maluo, nako itong higad na ito nagsalita pa. “Divorce na kasi kami ng asawa ko kaya umuwi na ko rito sa Pilipinas kasama ang anak ko,” sabi nito. Talaga may-anak si’ya? Sana lalaki my gash! Nang makakita naman ako ng magandang lahi rito sa lugar namin at hindi ‘yong ako lang. “Talaga may anak ka? Nasaan?” tanong ni Manong Berto, ang tatay ni Petra kulubot. Jusko pati ba naman bata Berto kulubot. “Nasa kwarto niya, wait I call her,” sabi nito at pumasok sa loob si Ms. April kaya nagchikahan na ‘yong mga tao rito. Pinagchichismisan nila si Ms. April dahil ang tagal daw magkwento at hindi sila makakain. E’ kung tigilan kaya nila ‘yong pagtatanong para hindi sagot ng sagot ‘yong may-ari. Mga boba! Ilang sandali pa ay pumasok ulit si Ms. April at sa nasa likod nito ang isang babae na sa tingin ko ay kasi edaran ko lang din. Ano ba ‘yan kala ko naman lalaki. Napanguso tuloy ako. “This is my daughter Princess Delevingne,” pagpapakilala niya sa kan’yang anak. “Tignan mo Renzel oh, ang gandang babae. Bagay kayo anak,” bulong ni mama sa akin at hinampas pa ‘ko kaya sinamaan ko siya ng tingin kaso palihim lang. Parang ‘di naman alam ng nanay ko na hindi ako mahilig sa tahong at ang gusto ko ay talong kung makapagsalita siya ng gano’n. “Hi, can I go back now?” sabi nito. Taray englishera rin. “Sure honey, go upstairs,” sabi ng mommy niya. Tumango ito sa amin at mabilis din na bumalik sa loob. Napakasuplada naman. “Ayy bakit umalis kaagad?” napatingin ako kay Mang Berto, etong matandang ‘to tutusukin ko na mata nito eh, napaka manyak kahit matanda na. “Hindi kasi mahilig makipaghalubilo iyon. Tara kain na kayo.” dahil sa sinabi Ms. April ay sumigla ang mga plastikada naming kapitbahay. Ang dami nilang pinagkukuha akala mo kaya nilang ubusin. Tiningnan ko naman si Ms. April at mukhang tuwang-tuwa pa ito. Gusto ko sanang sabihin na pinaplastik lang siya kaso ayoko naman sabihin. “Renzel, kumain kana.” ibinigay sa akin ni mama ‘yong paper plate na may lamang pancit at pichi-pichi. Ayon na lamang ang natira dahil na ubos kaagad ‘yong fried chicken. “Ito pala ang anak mo Linda. Nako ang guwapo! Halatang may lahi,” magiliw na sabi ni Ms. April. Napatingin tuloy ako sa kan’ya at nakatingin din ito sa akin. Gusto ko sanang sabihin na maganda ako at hindi ako guwapo. Hindi niya ba nakikita ang long hair ko? “Nako! Opo Ms. April, german ang tatay niyan kaya ganyan ang itchura,” pagmamalaki sabi ni mother earth. Lumafang na lang ako at hindi sila pinansin. Bahala sila d’yan Tom Jones na akesh. “Ilang taon na ito? Mukhang kaedaran lang ni Princess,” tanong ni Ms. April “16 po,” ako na ang sumagot. “Mas matanda ka pa pala ng isang taon kay Princess, what grade are you?” ano raw? “Grade 10 Ms. April d’yan sa may Western Masbate School,” sagot ni mama. “Talaga? Grade 10 na rin si Princess. Gusto ko sana siyang ienroll dito kaya lang hindi ko pa nalilibot ‘yong mga paaralan dito,” sabi ni Ms. April “Nako puwede niyo po siyang Ienroll sa school ni Renzel, medyo malapit lang po iyon dito at maganda naman po do’n. Para rin may kakilala si Princess,” sabi ni mama. Napairap na lang ako, buti na lang talaga at busy ako sa pagkain. Ang sarap kaya nito. “Really? That’s a good idea, bukas na bukas ay ipapasok ko na si Princess,” masayang saad ni Ms. April, “Please Renzel help Princess,” dagdag pa nito. Napatingin tuloy ako kay Ms. April, bakit ko naman tutulungan ‘yon? Hindi na rin naman bata iyon bakit kailangan pa ba ng tulong? Siniko ako ni mama kaya napatingin ako sa kan’ya. ‘Sumagot ka o lagot ka sa’kin’ look ito kaya napatingin ulit ako kay Ms. April. “Sige po,” pagsagot ko, ngumiti naman ito sa akin kaya ngumiti rin ako ng very very slight sa kan’ya. Hays…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD