Ilang sandaling tinitigan ni Savannah ang nakarasadong pinto sa harapan niya habang hindi niya maintindihan ang emosyon na nararamdaman. She could’ve been landed abroad by this moment but she couldn’t get herself leaving after what she’d learned from Marietta. Tumingala siya at binasa ang VIP Ward na nakasulat sa itaas na bahagi ng harap ng pinto saka huminga nang malalim bago pinihit ang seradura. Bumungad sa kanya ang malinis, tahimik at ang amoy disinfectant na malawak na kwarto ng ospital. Sa gitna noon ang isang may katamtamang laki ng hospital bed at nakahiga roon ang isang babaeng may ilang aparato na nakasaksak sa katawan habang nakapikit. She was peacefully sleeping and only the noise emitting from the various medical instruments can be heard inside the luxurious ward.

