Napahinto si Savannah sa harap ng pinto ng restaurant nang makita ang taong pinakahuli sa gugustuhin niyang makita. But here she was, not knowing what got into her to agree to meet her. Nakaupo ito patalikod sa kinaroroonan niya habang hawak ang cellphone na nakalapat sa tenga nito at tahimik na nakikinig sa kausap sa telepono. Marietta was not aware by her presence while nodding her head from time to time while listening to the other end of the line. Maya-maya ay naiiling nitong ibinaba ang hawak na cellphone pagkatapos ay tila malalim ang iniisip na lampasan ang tingin sa salaming dingding ng restaurant. Mula sa kinatatayuan niya ay bakas sa nakatalikod nitong katawan ang kahinaan sa edad nito. But she still looked dignified in her dress even sitting on a wheelchair. Bigla

