“Lucian?” sambit na tanong ni Savannah habang palipat-lipat ang tingin niya kay Dos at sa batang ngayon ay nakayakap dito. “Daddy?” Nagtatakang nilingon niya si Hayson na nakangising tumingin sa kanya na nagdulot agad ng kakaibang pakiramdam. Nagulat siya nang bigla siya nitong hinapit sa beywang saka bumulong. “Remember that child? He is my son. My biological son.” Nalilitong tiningnan niya si Hayson. Hindi niya alam na may anak na pala ito. Of all places, bakit isinama nito iyon sa ganoong lugar? Pero nang maalala ang tawag ng bata kay Dos ay lalong siyang naguluhan. Awtomatikong napatingin siya sa gawi ni Dos at sa batang tuwang tuwang lumapit dito na bigla na lang ipinulupot ang maliliit na braso sa leeg nito. Hayson cheekily leaned closer to her and continuously speaking

