“Of course, tuloy ang kasal and nobody can stop me from marrying him. Kahit ikaw pa, kuya, wala kang magagawa para baguhin ang isip ko. I love him and I can feel, he’s starting to like me too…” Napasulyap si Savannah sa pinanggalingan ng boses habang naglalakad siya papunta sa parking area ng hospital. Bahagya siyang ngumiti nang mapatingin din sa kanya ang babae na nakatayo sa harap ng pinto ng sports car na katabi lang ng kotse niya habang may kausap ito sa telepono. “I know, I know. Don’t worry, I know what I’m doing, okay?” Pagkasabi noon ay naiiling na ibinaba nito ang hawak na telepono saka binuksan ang pinto ng kotse at pumasok sa loob. Wala sa sariling sinundan ni Savannah nang tingin ang babae na halatang nabibilang sa alta sociedad base sa pananamit at itsura nito. Sanay nam

