“Sorry, Atty. but still, my answer is no,” marinig sagot ni Savannah sa abogado ni Marietta. Mula nang mamatay si Marietta ay ilang beses na rin itong tumawag sa kanya para kumbinsihin na tanggapin ang naiwang mana ng kliyente nito. “Okay, hindi na kita pipilitin kung iyan talaga ang desisyon mo. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na pumayag na rin ang anak ng kliyente ko na ibigay sa charity ang kayamanan ni Marietta ayon sa nilalaman ng testamento. Ngayon, kung hindi na magbabago ang isip niyo, in three months, we will finalize and execute the distribution of assets to the designated charities. Hindi naman masasayang ang mga iniwan ni Marietta pero alam ko na hindi siya lubos na magiging masaya sa desisyon mo at ng anak niya.” Seryoso ang boses nito habang naiiling sa kabilang linya. Hin

