bc

Innocent Wife by Day, Dangerous Assassin by Night

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
dark
contract marriage
arranged marriage
mafia
gangster
heir/heiress
tragedy
serious
scary
lies
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ipinakasal ang isang dangerous assassin sa isang bilyonaryo? Si Aileen San Pedro, ang babaeng inaakala ng lahat na mahinhin at hindi makabasag pinggan pero may itinatago pa lang sekreto sa likod ng inosente nitong mukha. Hanggang kelan nya kaya maitatago ang tunay nyang pagkatao kung ipapakasal sya sa isang bilyonaryong may sarili ring sekretong itinatago.Gusto nya lang na gamitin sya para makapaghiganti pero paano kung ang tanging daan lang para makuha ang paghihiganti ay ang kitilin mismo ang buhay ng sarili nyang Asawa?Her mission was to kill her husband. Pero makakaya nya kaya kung unti-unting mahuhulog na ang puso nito para sa kanya? How can she end his life if he is the only one who makes her feel loved?Ano nga ba ang mas matimbang? Ang puso nyang lumalaban para sa pagmamahal o ang pangako nyang binitawan at ang dahilan kung bakit nya sinimulan ang laban? She wants revenge but he only wants someone to play with. What happens when a killer meets a psychopath?

chap-preview
Free preview
1
Mafia? Sindikato? Dugo? Panganib? Ilan lang 'yan sa mga bagay na pwedeng ihambing sa trabaho ko. They know me as someone who is not even capable of killing a mosquito. Pero sa loob ng maskarang ilang ulit ko nang sinusuot sa publiko, doon mo makikita ang nakatagong katauhan ko. I'm no innocent at all. Not even a little bit. Pero ‘yon ang paniniwala nila. Binu-bully nila ako at ginagawang kakatawanan dahil lang alam nilang hindi ako makakalaban. Besides, they only know me as Aileen San Pedro, ang babaeng soft-spoken magsalita, mahinhin at hindi makabasag pinggan. Pero they don't know the real me. They don't know the girl named A.E. --- Aileen's POV "Ano ba, A.E., kanina ka pa dyan sa banyo. Nagkakamatayan na sa labas oh. Ano ba naman ‘yang pantog mo!" Inis na sigaw ng kaibigan kong si Sunny. May importanteng mission kami ngayon sa loob ng bar na ito, at iyon ay ang patumbahin ang leader ng Neon Gang, ang gang na may hawak ng distrito siyam. Kung nagtataka ka kung ano ang trabaho ko? Well, let's just say… I kill people… just for fun. Or maybe dahil may pera? Malaking pera. Inayos ko muna ang maskara ko bago lumabas ng banyo at kinuha ang baril na hawak ni Sunny. "Sorry naman. Inabutan eh," sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa loob. Sumunod naman siya sa akin. Nagkakandagulo na sa loob, at ang tanging maririnig mo ay putok ng baril at mga binabasag na bote. May biglang humarang sa amin kaya nagsenyasan kami ni Sunny at naghiwalay ng daan. Ako ang sumugod sa tatlong lalakeng may dalang baseball bat at dospordos. Nakangisi pa sila habang naglalakad papunta sa akin. Ako ay nakatayo lang at hinihintay silang lumapit. "Wala na bang ibibilis 'yan? Nagugutom na ako," sabi ko dahil sa bagal nilang maglakad. Feeling ko sa isang action movie. Slow-motion effect. "Cute ka, Binibini. Sayang at sumama ka pa sa kanila," sabi ng lalakeng malaki ang tiyan at may dalang dospordos. "Thank you sa compliment," sabi ko, kunwari nag-bow. "Sayang ang maganda mong mukha at katawan dahil pupulbohin ka lang ng hawak kong 'to," dugtong pa niya. Humikab ako dahil inaantok na ako sa mga dialogue nila. "Start na nga. Nagugutom na talaga ako!" sabi ko at sinugod sila. Akmang babanggain nila ako, pero bended ko ang katawan ko para lumusot sa ilalim ng mga hita nila, saka ko ito sinipa ng malakas, dahilan upang matumba ang isa sa kanila. "Bad girl ka ha. Halika dito!" Sinugod ako ng lalakeng naka-bonet na may dalang baseball bat. Malaki ang katawan niya kumpara sa akin, kaya nahirapan akong ilagan ang bawat palo niya. Halatang malakas rin ito dahil bitak ang pader kapag natamaan ng bat niya. "Pag ako matamaan nyan!" inis kong sigaw. "'Wag kang mag-alala. Hindi mo mararamdaman!" Mabilis siyang sumugod kaya napatakbo ako sa counter. Hinampas niya lahat ng madadaanan ko at nakaabang rin sa akin ang dalawa niyang kasamahan. "Chill lang ito naman," sabi ko at nginitian siya ng pilit. Pero mas lalo lang silang nagalit. Hindi yata nag-work ang charm ko. Hinampas niya ang baso kaya tumama ang basag na bahagi nito sa mukha ko. Kalahati lang ng mukha ko ang natatakpan ng maskara, at nakalabas ang balat ko mula sa dulo ng ilong hanggang sa labi. Naramdaman ko ang hapdi na bumalot sa bibig ko kaya tumigil ako sa pagtakbo. Nakuyom ko na ang kamao ko dahil nag-uumpisa na akong makaramdam ng inis. "Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa lahat? 'Yong nadudungisan ang mukha ko," nilingon ko siya gamit ang seryosong mukha. Ngumisi naman siya sa akin na parang iniinsulto ako. "Iiyak ka na ba?" sabi niya, at tumawa silang tatlo. "No one can make me cry. Not even you, idiot!" Kinuha ko ang malaking bote ng wine at pinukpok sa mukha niya. Sumigaw siya nang malakas dahil nabasag sa mukha niya ang bote. Sunod kong sinipa ang hawak na dospordos ng isa pang lalake. Mabilis akong umakyat sa counter at tumalon sa balikat niya. Tinusok ko ang mata nito at binalibag ang ulo niya sa lamesa. Hindi pa ako nakuntento, kaya kinuha ko ang bakal na upuan para ihampas sa ulo niya hanggang muntikan nang mabasag ang bungo niya. Nang masigurado kong hindi na siya humihinga, binalingan ko naman ng tingin ang natirang lalakeng kasamahan nila. "Baguhan ba kayo? O sadyang hindi nyo lang talaga ako nakikilala?" sabi ko, at dahan-dahang lumapit habang umaatras siya. "Wala akong pake-alam kung sino ka!" sigaw niya. Napangisi ako at pinulot ang dospordos sa sahig na naliligo na ng dugo. "Alright, then. Magpapakilala ako." Sinugod ko ito at hinampas ang tuhod niya nang sobrang lakas na tumilapon siya sa pintuan. Pumulot ako ng basag na baso at dahan-dahang lumapit sa kanya. Namimilipit na siya sa sakit at napapaatras na papalabas ng pinto. Nang makalapit na ako, umupo ako sa harap niya habang pinaglalaruan ang basag na baso. Hinawakan ko ang mukha niya kahit pumapalag siya. "Nice canvas," sabi ko, at dahan-dahang hiniwa ang mukha niya gamit ang hawak ko. A.E. iyon ang isinulat ko sa magkabilang pisngi niya. "Now you know me." Pagkatapos, mabilis kong isinaksak sa leeg niya ang basag na baso hanggang sa mapuno na ng dugo ang leeg niya. Iniwan ko ang baso na nakatarak sa lalamunan niya. Tumayo na ako at pinulot ang baril kong nalaglag kanina. "Hindi ko man lang nagamit." Tinapos na namin ang mission at iyon ang mahuli ang leader ng Neon Gang. Si Mr. Neon ay hawak-hawak ni Sunny at tinututukan ng baril sa leeg. Bugbog sarado na rin ito at basag na ang bunganga. Halos hindi na niya maimulat pa ang mga mata. "Good job, Sin," tawag ko sa codename ni Sunny. "Thanks, A.E." "Dalhin na 'yan!" utos ko sa mga tauhan naming kasama namin sa mission. Dadalhin nila si Mr. Neon sa Capital Organization para doon tapusin. Ang Capital Organization ay ang pinakamataas na organisasyon ng mga sindikato sa bansa—ang organisasyon na pangarap kong pasukan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
661.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.3M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
900.1K
bc

A Warrior's Second Chance

read
318.0K
bc

Not just, the Beta

read
323.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook