KABANATA 26 Maaga akong tumawag kay Auntie Bell upang mag paturo sa kanya kung paano ba ang tamang pag luto ng adobo. At nasunod ko naman lahat ng itinuro niya hindi ko lang alam kung ano ang lasa. Gusto ko muna na si Lorence ang tumikim nito. Magiging mabait muna ako sa kanya dahil sa mabigat pala ang pinag daanan niya kahit na, Wala naman talagang kasalanan ang kambal ko. Matapos kong mag luto ay nag hain na ako. Sakto na pababa na si Lorence. Malapad ang ngiti ko sa kanya. Malamig ang kanyang awra at para bang wala siyang gana. “ You cooked? ” Tanong niya na kina tango ko. Naupo siya ng walang ano mang ingay. Naupo na rin ako sa kanyang harapan matapos kong ilagay ang mainit na kape sa kanyang harapan. “ Why did you cook? Sabi mo Hindi ka marunong? ” Taas kilay nitong tanong. S

