KABANATA 27 Naka tingala ako ngayon sa harap ng malaking building. Nasa loob pa kami ng kotse ni Lorence at nama- mangha na ako sa laki ng kanyang company. Ano kaya ang pakiramdam na may sarili kang company na ganito kalaki at may iba't ibang branch pa? Natawa ako sa aking isipan ng biglang sumagi sa isip ko si Monique. Marahil kapag nakita niya ito ay sasabihin lang niya na "napaka daming kubo naman na mag kaka- patong nito.” Hay! Bakit bigla ko ba siyang na miss? Baka may kalagiman na naman siyang ginawa. “ Mauna ka na sa loob. Itanong mo na lang sa front desk kung saan ang office ko. May bibilhin lang ako. ” Tumango lang ako at hinayaan siyang umalis. Lumabas na ako at pumasok na sa kanyang company. Inilibot ko ang aking mata sa loob at sobrang namangha ako. Ngayon lang ako na

