"Ma, sa iyo na rin nanggaling, we're friends and were going to stay friends. Now, I'm done eating, I'm going upstairs and if you want someone to talk, I would be so willing to call manang for you," sambit n'ya at saka tumayo mula sa kina-uupuan. Naririnig n'ya ang pagtawa ng ina kaya nakabusangot s'yang napatingin dito. "No need, tapos na rin akong kumain kaya aakyat na rin ako sa office ko," dinig n'yang saad nito kaya hindi na s'ya nag-abala pa na lingunin ito. "Good night, ma." Nakahiga at nakatingin lamang si Glendale sa ceiling at kahit anong gawin n'ya ay talagang bumabalik sa isipan n'ya kung paano nangyari ang eksena na iyon sa kaniya. "Damn! It would just make me crazy!" saway n'ya sa sarili at dumapa saka ipinikit ang mga mata. Malawak naman ang ngiti ni Daveeh nang ma

