Chapter 1
"Good morning, Doc."
Ngumiti at tumango si Vince nang batiin siya ng mga nurse at iba pa niyang kapwa doktor na naroon sa reception. Bitbit ang mainit na kape at ang bag na nakasabit sa kaniyang balikat, tinungo niya ang kaniyang silid at opisina sa ospital na ito.
This hospital was his second home. Sa katunayan, kakalipat niya lamang ng condo unit sa pinakamalapit na building mula rito. Wala pang sampung minuto ang naging biyahe niya mula sa kaniyang condo. He had to move so he could finally take all his things out of his office.
Marami siyang gamit noon sa ilalim ng kaniyang mesa, at ngayon ay pakiramdam niya ay biglang lumuwag ang kaniyang silid. Lahat ng mga abubot na mayroon siya rito noon ay naroon na sa bago niyang tirahan.
Napatingin siya sa pinto nang biglang may kumatok.
"Come in," aniya.
Agad na bumukas ang pinto at iniluwa roon ang doktora na naging kaibigan niya. She had been working in this hospital for two years, while he had returned to the country three years after working as a radiologist in the US.
"Hi, Doc," nakangiting bati ng dalaga nang tuluyan na itong makapasok sa silid niya.
"Good morning," nakangiti rin niyang bati pabalik.
"May dala akong breakfast sa pantry, baka gusto mong mag-join?"
Napatingin siya sa kape niyang nasa mesa. Hindi pa niya iyon naiinom kaya agad siyang tumango sa alok nito. Tutal, hindi pa rin naman siya kumakain ng almusal. Hindi niya na matandaan kung kailan ang huling araw na kumain siya ng agahan. Nasanay na siyang walang pagkain sa umaga.
Hindi na rin niya nasusunod ang tamang oras ng pagkain, ngunit hindi na iyon naging problema sa kaniya. He was used to it; he just made sure he had one day each week to pamper himself. He also went to the gym every now and then to maintain his lifestyle.
"Nakapagluto ka pa?" napangising tanong niya sa dalagang doktor habang sabay silang naglalakad papunta sa pantry.
"Hindi ako. Wala na akong oras para magluto pa, ano. Si Mama ang nagluto at pinabaunan na lang ako. Late na kasi akong nagising kaya hindi na ako nakapag-agahan sa bahay," natatawang sagot nito.
Jenny was pretty, but he never felt anything toward her. She had the attitude and personality that every man would want to settle down with, but she was not his type. He was carefree, and he wanted excitement. Jenny was not the type of woman he wanted to play games with.
"Good thing naalala mo ako. Alam mo namang wala akong breakfast lagi," natatawa rin niyang sabi.
Itinuro ng babaeng doktor ang mesa kung saan naroon ang ilan pa nilang kaibigan. Si Jenny ang madalas niyang nakakausap dahil pareho silang radiologist kaya naiintindihan nila ang frustration ng isa’t isa.
Kilala naman niya ang dalawa sa apat na kaibigan ni Doc Jenny, ngunit hindi niya nakaka-biruan ang mga ito katulad ng pakikitungo niya kay Jenny.
"Hindi ako ang nakaalala sa ’yo, si Mama. Naalala niya noong pumunta siya rito at dinalhan ako ng pagkain, tapos nilapitan ka niya at ibinigay na lang sa ’yo ang pagkain na dapat sana ay para sa akin."
Sabay silang humalakhak nang maalala ni Jenny ang tagpong iyon. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon dahil iyon ang nagpapaalala sa kaniya kung paano siya alagaan ng kaniyang ina noong nabubuhay pa ito.
"Bakit parang ang saya naman yata ninyong dalawa, Doc Jenny at Doc Vince?" puna agad ng kaibigan ni Doc Jenny nang makalapit sila habang parehong tumatawa.
"Wala lang naman. Masama ba na maging masaya sa umaga? Dapat nga palagi tayong masaya sa umaga para hindi masumpa ang buong araw natin," pabarang saad ni Jenny habang inaabot sa kaniya ang isang container na may lamang omelet.
"Thank you," pasasalamat niya habang inaabot iyon at kumukuha ng isa. Tiningnan niya ang iba pang pagkain sa harapan nila.
"Nakaka-amaze ka talaga, Doc Vince."
Napalingon si Vince sa doktora na nagsabi noon. Tiningnan niya ang apelyido nito sa suot nitong robe bago sinalubong ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Maganda rin, but still not his type.
He may have been fooling around, but he did not mess with women who deserved the very best.
Nginitian niya ito at bahagyang pinaningkitan ng mga mata.
"Why is that?" tanong niya.
"Naku Doc, sinasabi ko sa ’yo, huwag kang maniwala sa mga sasabihin ng mga ito. Walang mapapait na salita kang maririnig mula sa kanila tungkol sa iyo—crush ka kasi ng mga iyan," pa-irap na sambit ni Doc Jenny.
Nabitin sa ere ang mga kubyertos ng mga kasama nilang kumakain at sabay-sabay nilang tiningnan ang dalagang doktor.
"Epal ka talaga, Doc Jenny! Ang aga-aga, ang sama ng ugali mo. Hindi naman ikaw ang kinakausap!" reklamo ng isa pa nilang babaeng kasama.
"Guys, kumain na kayo. Hindi na nakakain si Doc Vince dahil sa inyo," sambit ng isang lalaking surgeon.
Napatingin siya rito at napangiti na lamang.
"No, it's fine. I want to hear what they want to tell me," aniya.
"Lahat kami rito, Doc, naa-amaze sa husay mo. Imagine, you were featured in a US magazine as one of the best and awarded doctors of the year, but you still chose to come back here," namamanghang sambit nito.
Napangiti si Vince.
He had always wanted to work in this hospital. Dito binawian ng buhay ang kaniyang ina, kaya dito rin siya magliligtas ng maraming buhay.
"You know, if your heart is in your work, you won’t think about how much money you are getting. A job turns into passion," sambit niya, dahilan upang lalong lumawak ang ngiti ng mga kasama.
"Not shocking coming from you, Doc Vince. Money will never be a problem for someone like you. Halata rin namang galing kayo sa mayamang pamilya. Maraming mayayamang Guevara dito, Doc. Kaano-ano mo si Simon Guevara, ang may-ari ng pinakamalaking network station sa bansa?"
Napatigil sa pagnguya si Vince.
Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. Sinulyapan niya ang mga kasama bago ibinalik ang atensyon sa pagkain sa harapan niya.
"Maybe it's just a coincidence that we share the same surname. But I know him—everyone does."