Natapos ang isang araw niya na walang bago sa mga nangyari at sa mga ginagawa niya. He had mastered his job, but still, he prayed that he would never fail in saving a life. Hindi na bago sa kaniya ang hindi pag-survive ng mga pasyenteng na-diagnose ng malulubhang sakit.
He gave his heart to his job and performed with all his will. He never let anything burden him so he could focus entirely on work, with no one else on his mind while inside the hospital. Wala siyang ibang importanteng bagay na pinagkakaabalahan.
Ngayon ay papalabas siya ng ospital at papunta sa kaniyang sasakyan nang makita ang pangalan ng kaibigan niyang tumatawag sa cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag. Hindi pa man niya naididikit sa tainga ang cellphone ay nailayo na niya agad iyon.
Malakas na tugtog ang bumungad mula sa kabilang linya.
Alam na niya agad kung nasaan ang mga ito.
At sigurado siyang kumpleto ang mga kaibigan niya sa lugar na iyon, lalo pa’t alam ng mga baliw niyang kaibigan na day-off niya bukas.
Ibinaba niya ang tawag at nag-text na lamang na papunta na siya. Napa-iling na lang siya sa mga ito.
Although he was free, if he wasn’t going to spend his free time with his friends in a place where he could switch personalities, then where else? He was not a f*cking nerd.
He rocked.
Iba ang katauhan niya kapag nasa loob siya ng ospital. He was always in work mode—focused as hell, thinking of nothing else. But once he stepped outside, he shifted into a normal human being who needed to have a life.
At ngayon ay binabaybay niya ang kahabaan ng highway papunta sa lugar kung saan alam niyang bumabaha ng bote ng alak sa mesang napapalibutan ng mga kaibigan niya.
They never drank just one or two bottles. They wouldn’t stop until one of them could no longer move even a finger.
Ganoon kalala ang mga kaibigan niya, at nagpapasalamat siya sa mataas niyang alcohol tolerance dahil hindi pa nangyayari na nabigyan ng pagkakataon ang mga ito na guhitan ang mukha niya ng kung ano.
Shit. He couldn’t afford anything on his face.
Puhunan niya iyon for a good steamy night.
"Welcome, sir," pagtango ng guard nang ipakita niya ang VIP card niya sa bar.
Hindi niya alam kung paano nakuha ng kaibigan niyang si Edmar ang card na iyon, pero ibinigay na lamang iyon sa kaniya ng kaibigan at sinabing for easy access only.
Agad niyang nakita ang kumakaway na si Harlin kaya humakbang siya papalapit doon.
Ngunit bago pa man siya makarating sa mesa ng mga kaibigan ay napatigil siya nang biglang may kamay na lumapat sa dibdib niya.
Napataas ang kilay niya nang makita ang mukha ng babae.
"Maaga pa ang gabi. My name is—"
Hindi niya ito pinatapos.
"I just got here, miss. Hindi ko pa napapainit ang puwet ko. Paupuin mo muna ako," bolgar niyang sambit.
Agad na parang napaso ang babae at mabilis nitong tinanggal ang kamay sa dibdib niya.
Nagkibit-balikat siya habang naghiyawan ang mga kaibigan niya.
Mukhang pinapanood siya ng mga sira-ulo.
"Maganda iyon ha," sambit ni Marco sabay hampas sa balikat niya nang makaupo siya sa tabi nito.
"Hindi pa nga ako nakaka-upo. Hindi pa umiinit ang puwet ko," nakangising sagot niya.
Just like his assumption, kumpleto sila.
Marco, Edmar, Harlin, at Yael.
These bunch of dickheads who happened to be his friends were all successful in their own fields.
Kaya walang pagdadalawang-isip ang mga itong magwaldas ng pera—because they were earning a lot.
Marco was an orthopedic surgeon working in his family’s hospital. Edmar ran his family’s multimillion chain of hotels. Harlin was a lawyer who owned a law firm, while Yael managed his family’s fruit export business and, aside from that, was also a ceramic artist.
Damn.
He had a bunch of millionaire friends he could run to anytime he went broke.
Although mabubuhay pa naman siya siguro ng apatnapu’t walong taon kahit tumigil siya sa trabaho ngayon.
Kidding aside.
"Minsan nakakalimutan kong ikaw ang pinaka-busy sa ating lahat. Napapatanong ako kung bakit ikaw palagi ang late," nakangising sabi ni Yael.
"Says the one who went missing for two months because he was busy preparing for his exhibit in Italy," kibit-balikat niyang sagot.
"I have an announcement to make."
Sabay-sabay silang napatingin kay Marco.
Ngumisi ito at isa-isa silang tiningnan.
"Please, huwag mong sabihin sa amin na mamamatay ka na."
Agad na lumipad ang kamay ni Marco sa batok ni Edmar at malakas itong hinampas doon.
Nanlisik ang mga mata ni Edmar ngunit hindi iyon pinansin ni Marco.
Nginisian ni Vince ang kaibigan kaya sa kaniya bumaling ang nakamamatay nitong tingin.
Hindi na lang niya iyon pinansin at kinuha ang bote ng alak saka tinungga.
"I'm planning to propose to Wella."
Naibuga ni Vince ang iniinom niyang alak.
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.
Maging ang iba pa nilang kaibigan ay nakanganga rin bago sabay-sabay na napahiyaw.
"s**t! Sa wakas! When are you planning it? I’m clearing my schedule! Damn! I can't miss the proposal of the decade!" exaggerated na sambit ni Edmar.
"Damn, man! You finally got your balls?" natatawang sambit ni Yael sabay suntok sa balikat ni Marco.
"Are we doing some prank drama like in the movies or something?" excited na tanong ni Harlin.
"Well, at least finally naisip mo na iyan! Damn it! Ikaw ang pinakamatanda sa atin, dapat lang talaga na ikaw ang unang mag-propose!" ani Vince.
Sa kanilang lima, si Marco ang may pinaka-maayos na relasyon.
Sa kanilang apat, suntok sa buwan ang magkaroon ng relasyong katulad ng kay Marco.
Marco and Wella had been together for ten years.
Kaya masaya sila na sa wakas ay lalagay na ito sa tahimik dahil alam nilang doon din naman hahantong ang relasyon ng kaibigan nila.
Hindi nakikita ni Vince ang sarili sa ganoong estado ng buhay.
Wala siyang balak pumasok sa seryosong relasyon.
May mas mahalaga pa siyang planong gawin, at kapag nagawa na niya iyon saka niya iisipin ang sarili niya.
Isang bagay lamang ang kulang sa kaniya ngayon—
ang gawing bangungot ang apelyido niya sa pinagmulan nito.