"Come on, Vince!" Willa whines.
Sinamaan ito ng tingin ni Vince. Pinipilit nito ang binata na hayaan si AJ na sumama dito.
"Nasaan ba ang fiancee mo at hinayaan kang magpakalat-kala ha?"
Nanlilisik ang mga mata ni Willa na nakatingin kay Vince habang pinipigilan nito ang ginagawang pagsasara n'ya ng pinto. Gusto n'yang masulo si AJ dahil mamayang hapon ay magsisimula na ang exhibit ng mga obra ni Yael kaya aalis sila.
Pero itong si Willa ay tila ayaw tantanan si AJ. Mas gusto pa nitong kasama ang dalaga kaysa kay Marco. Tinaasan ni Vince ng kilay ang kaibigan.
"Ibaba mo 'yang kilay mo kung ayaw mong siraan kita kay AJ."
"Willa?"
Lumapad ang ngisi ni Willa habang laglag naman ang balikat ni Vince nang marinig nila ang boses ni AJ. Tapos na pala itong maligo.
"Hi, AJ!" Masiglang bati ni Willa sa dalaga at kumaway pa.
"Tss."
Nagkibit balikat lang si Willa kay Vince na umirap sa kaniya. Nagtatakang tiningnan ni AJ ang binata nang ipulupot nito ang dalawang braso sa kaniya mula sa likuran at ipinatong ang baba sa kaniyang balikat.
"Anong nangyayari sa 'yo?" Kunot-noong tanong ni AJ.
"Hmm?"
Hinampas ni Willa ang braso ng binata na sa bandang t'yan ni AJ. Mahinang natawa si AJ habang bakas sa mga mata nito ang pagtataka. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawang magkaibigan.
"Ano meron?"
"We only have 3 hours left to get ready for the exhibit later. Kaya halika, sama ka sa 'kin. We need to have make over."
Napasinghap si AJ sa sinabi ni Willa. Umikot ang dalaga at humarap kay Vince na ngayon ay nakanguso at nakatingin sa kaniya.
"Exhibit?" Pagtatanong n'ya rito.
"Tang-ina mo talaga! Hindi mo sinabi kay AJ?" Singhal ni Willa sa binata. Umamba pa itong sapakin ngunit nasalo ni Vince ang kamao nito kaya sumama ang tingin nito. Binalingan ni Willa si AJ na naka-awang ang bibig. "Tara na?"
Magsasalita pa sana s'ya nang hablutin na lang s'yang bigla ni Willa at dahil sa gulat at pagtataka ay nagpahila na nga s'ya rito.
"Wil---"
"Don't worry, kaibigan ko ang make-up artist," agad na sabi nito na tila ba alam nito kung ano ang sasabihin n'ya. "At isa pa, Filipino rin s'ya at fan mo s'ya kaya sarado ang bibig no'n."
Natawa s'ya ng mahina dahil sa binitawan nitong salita. Hindi na rin s'ya nag-abalang tawagan si Vince dahil mukhang alam naman nito kung saan s'ya dadalhin ni Willa.
"Exhibit ng ano ang pupuntahan natin?" Pagkakuwa'y tanong n'ya. Kabababa lang nila ng sasakyan na hindi n'ya alam kung saan nakuha ni Willa sa bansang 'to.
Pero itong magkakaibigan na sa tingin n'ya ay naliligo at nakahiga sa pera ay hindi n'ya na dapat ikapagtaka pa ang mga bagay na 'to.
*"Kung bumili rin kaya ako ng property dito?"* Napangiti s'ya sa naiisip.
Sa ilang beses na s'yang nakalabas ng Pilipinas at mag-isip ng gano'n ay hindi n'ya pa nagagawa dahil sa sobrang busy ng schedule. At ngayon na may mahabang panahon s'ya upang magliwaliw ay baka naman pwede na n'yang magawa ang mga bagay-bagay.
"Hindi ko alam kung na-meet mo na si Yael."
Nagtatakang tiningnan ni AJ si Will, "Yael?"
"Kaibigan ng boys, kaibigan namin. Artist s'ya — ceramic artist at sa kaniya ang exhibit na pupuntahan natin."
Umawang ang bibig ni AJ sa narinig. She's always been a fan of art even though she doesn't have that talent of doing art. She always see arts as feelings, it's giving her that vibe. Art gives her the emotion that artist didn't say.
"Grabe, wala bang hampaslupa sa inyo?"
Narinig n'ya ang pagtawa ni Willa at pabiro pa s'ya nitong hinampas sa braso. Hindi mapigilan ni AJ ang mapangiti dahil kahit kailan ay hindi n'ya naisip na magkaroon s'ya ng ganitong kagaanan ng loob.
Alam n'ya ang showbiz, wala s'yang aasahan dito dahil hindi naman panghabambuhay ang pagiging nasa toktok. At kagaya nga ng palaging sinasabi sa kaniya ni mimi na huwag s'yang magkakamali dahil isang pagkakamali lang ay kakalimutan s'ya ng mga tao.
Pero hindi s'ya perpekto. Malayong-malayo roon.
"Makapagsalita ka naman akala mo hindi ka mayaman." Inirapan pa s'ya ng huli.
Magsasalita pa sana s'ya nang makarinig sila ng isang matinis na tili pagkatapos silang pagbuksan ng guard sa isang establishment. Napatigil si AJ nang makita ang kung sino ang sinasabi ni Willa na kaibigan nitong make-up artist.
Napanganga s'ya sa gulat. "Frances Yarin." Bulalas n'ya.
"Oh my God! Kilala mo 'ko, AJ?" Tiling sabi pa nito kaya wala sa sariling tumango si AJ.
Hinampas pa nito si Willa at gumanti naman ang huli. "Mapanakit?"
Frances Yarin is a make-up artist indeed but she's only been working with elites. Some Hollywood actresses but not all. Mga mayayamang tao ang kumukuha rito at kilala n'ya ito dahil kay mimi na pinapangarap na sana ay darating ang araw na maayusan s'ya nito.
Kahit naman kasi sikat sa Pinas ay mahihirapan na magkaroon ng isang Frances Yarin bilang isang make-up artist. Masyado itong matayog.
"Who wouldn't know you," manghang saad n'ya.
Minsan lang s'ya nagiging fan girl at ngayon ay hindi n'ya maitago ang kilig habang kaharap ito. Who would thought that Dr. Vince Guevara would introduce her really some things she never thought she would experience.
Nahihiya itong natawa, "ano ba 'yan, na-pressure ako!"
"Ang drama mo! Tigilan mo ah, Frances — nandito rin ako." Pagsusungit ni Willa na inirapan ni Frances.
Hindi maiwasan ni AJ ang mapangiti sa dalawa. Halatang mga alta — galing sa mayayamang pamilya — old rich kung tawagin nila — pero halata rin na hindi mga mata pobre. Well, hindi rin naman s'ya mahirap pero hindi s'ya old rich.
She's just a nouveau riche which she really proud for she gave her blood, tears and sweat to have what she have. Frances' hands are too lightweight while doing her make-up. She's fast but precise.
Madali nitong natapos ang make-up nilang dalawa ni Willa. At dahil s'ya ang huling inayusan ay hindi n'ya napipigilan ang mamangha sa magandang mukha ni Willa habang nakikita n'ya ang repleksyon nito sa salamin. Napakakalmado ng buhay nito — buhay na pinapangarap n'ya na malabo n'yang makuha.
"There! You are f ucking gorgeous, AJ!" Frances proudly said after putting her final touch.
"You are gorgeous yourself, Frances," sagot n'ya nang nakangiti.
Nag-flip lang naman ng buhok ang kaharap kaya natawa silang tatlo.
"Frances is actually right, AJ. You are undeniably head turner."
Tinaasan n'ya ng kilay si Willa dahil sa gatong nito sa kaibigan. "Nagsalita ang hindi."
"Ang swerte talaga ni Vince sa 'yo."
Narinig n'ya ang pagsinghap ni Frances sa sinabi ni Willa. Nanlaki ang mga mata nitong palipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Willa na nakakunot ang noo rito.
"W-wait..... She--- she's Vince.... You mean, Dr
Vince Guevara?" Hindi makapaniwalang bulalas nito.
Parehas sila ni Willa na nagtataka sa reaction nito. "Yeah? What's with the reaction, France?"
Hindi s'ya nagsalita, si Willa ang nagtanong kaya hinintay n'ya na sagutin nito ang tanong ni Willa bago n'ya itama ang maling akala ng dalawa. Hindi sila ni Vince — walang sila.
She even doesn't know what's between her and him. All she was certain about was that, they're not friends but she also doesn't know what they're called.
"OMG! I thought! I thought..... Oh damn! So blind news was true?" Manghang binalingan s'ya ni Frances. "You were dating Dr. Vince?"
"Ah ------"
"Yes." Agaw ni Willa. "So, please tell your friend to stop hitting Vince. Duuh."
Humalakhak si Frances sa sinabi ni Willa. "She was just pestering Vince, she doesn't like him. You two make a good couple."
Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. "Mali, hindi naman kami ni Vince. We're actually not dating."