Golden, Sliver, Bronze Rules

4502 Words
Chapter 5 Pillow's Pov “Get up!” hinila nito ang kumot na nakapulupot sa katawan ko. “And stop watching those nonesense videos of yours!” I glared at him. Tumagilid ako ng higa sa kabila at ipinagpatuloy ang panonood ng Truth or dare clip! Nang kalkalin ko ang cellphone ko ay natagpuan ko ang iilan sa nakasave na videos! Kaya heto ako ngayon nagbubunyi sa tuwa! Hanggang ngayon gising pa rin ako sa kakapanood. Nasa scene ako na tinanggal na ni Palletie ang maskara ni Shiqing. ‘O my! Hala hala! Malalaman niya na si Shiqing si Noctornal Elf!’ nakagat ko pa ang labi ko sa excitement! Napapapikit pa ako dahil feeling ko ako si Palletie! Sobrang saya siguro magkaroon ng gwapong partner 'no? Idagdag pa ang kakisigan nito! Ang magandang katawan! Ang pag-uugali ng binata na cold pero kapag dalawa lang sila ni Palletie napaka-sweet! ‘Aww sana all may Shiqing!’ Napukaw ang imahinasyon ko sa malakas na hampas sa bewang ko. Mabuti na lamang at makapal ang iniwang kumot ni tanda para sa 'kin. Compare sa binigay ng isang ito! Kulang na lang ay hindi na ako magkumot dahil sa kanipisan! Buti nalang kahit narito ako sa loob ng skwelahan na ay hindi niya ako magawang pabayaan. Thanks to tanda! Hinampas akong muli ng lalaki, naiinis na ibinaluktot ko ang katawan ko at nag-focus sa pinanonood. Nasa masukal na lugar silang dalawa dahil sa mga bandidong humahabol sa kanila. Nang sandaling hawakan ni Palletie ang maskara ni Shiqing upang tanggalin ang maskara napasigaw ako sa kaba! “Ahhhh!!” sigaw ko kasabay ng pag-angat ko sa higaan! “What the hell! Put me down! Urghh!” Pinagpapalo ko ang likod niya habang buhat-buhat ako nito na parang sako ng bigas. “Good morning pawn,” bati ni dickhead sa kaniya. Humingi ako ng saklolo sa rito, pero ang mokong tinawanan lang ako at tumatawang sinundan kami sa paglalakad. Patuloy lang ako sa paghampas sa likod niya. Bumabaon na nga ang kuko ko sa palad dahil sa mariin na pagkuyom ng kamao ko. Pero para lang akong sumusuntok sa pader. Ang tigas ng likuran nito na tila gawa ito sa bato. Ano kaya ang hitsura ng katawan niya sa likod ng damit? Urrgh! Erase! Erase! Huling hampas at tumigil na ako. Wala akong mapapala kung hahampasain ko siya dahil wala rin naman itong balak na ibaba ako. Kesa ubusin ko ang lakas ay huminto na ako. In-non ko nalang ulit ang cp ko at nagpatuloy sa panonood. Humahagikhik ako habang buhat-buhat niya ako sa bisig niya. Ako pa talaga ang iinisin mo sa umaga? Pwee! Baka ikaw pa ang mainis sa 'kin. Wala sa sariling napangiti ako sa kai-imagine kung anong itchura ng dakilang pawn namin kapag naurat sa kagagahan ko. “Inuubos mo ang pasensya ko. Time is precious Pillow. Kung natakasan mo ang pagkasunog mo noong una. Ngayon palang sinasabi ko na hindi mo matatakasan ang susunod na hakbang gagagawin nila para makapasok sa ranking!” ani nito sabay hagis sa 'kin sa kawayan na paliguan! Napahiyaw ako sa lakas ng pagbagsak ko sa tubig. “Gago ka ba! Bakit mo ako hinagis!” Marahas kong pinunasan ang nabasa kong mukha. Matalim ko siya tinititigan na parang gusto kong umagos ang dugo niya sa lalamunan. How dare him! Isusumbong ko talaga siya kay tanda para maturuan siya nh leksyon! Ang lalaking ito, hindi ata kilala ang kinakalaban. Tsss! Hawak-hawak ko pa din ang cellphone ko habang pinapatay sa isip ko ang lalaking ito. Gusto ko siyang ibartolina. O di kaya talunan ang likod hanggang sa magkanda bali-bali ang buto niya! Mariin akong napahawak sa cellphone ko at inismiran ang lalaking ito. Ce—cellphone! Speaking of cellphone! Kinilabutan akong chineck ang cellphone ko if gumagana pa. Napatayo ako sa inis ng hindi ito mag open! ‘Potacaaakenes 'yung cellphone ko!’ “I have to go,” nakangising ani nito at naglakad na palabas. ‘Ah ganun? Masaya ka pa na nasira ang pinaka-iingatan ko. O sige, dahil ikaw ang may kasalan at intensyon mo na masira ito! Edi sayo na.’ Walang sabi-sabing binato ko sa ulo niya ang cellphone ko. Napangiwi ako ng sumalpok ito sa bunbunan niya? Teka? May bunubunan pa ba siya? Hindi ba't pang baby lang 'yun? “What the fck is your prob—” Tumalikod ako sa kaniya at sinimulang tanggalin isa isa ang saplot ko. ‘Go! Try me Cyps!’ Hindi niya naituloy ang sinabi niya. Mula sa pherepiral vision ko nakita kong mabilis niyang sinipa palabas si Dickyhead. Parang robot itong humakbang palabas ng paliguan. ‘Don't mess with me Pawn! Makikita mo talaga ang hinahanap mo!’ Marahas niyang isinara ang pinto. Parang magigiba ito sa uri ng pagsarado niya. Bahagya pang umuga ang dingding na kawayan sa malakas na pagsalpok ng pinto. Natatawa akong ibinabad ang sarili ko sa tubig. Bahagya ko pang inangat ang mga paa ko sa taas ng malabong tubig na parang kakulay ito ng gatas. Ang sarap palang mamuhay sa tila makalumang paraan. Wala kasing shampoo rito, literal na sinaunang kagamitan ang ginagamit. Ang sabon nila ay gawa sa pinakuluang gata at rosas. Samantalang ang shampoo ay gawa sa langis ng niyog na nilagyan ng bulaklak ng ilang-ilang at sampaguita. Mula sa pampaligo, panlinis, panglaba at pagkain ay makaluma. I mean parang hindi allowed dito ang may preservatives. Ang tawag nga nila sa hotdog ay devil foods. Ang sarap kaya ng hotdog, longganisa, ham at siomai. Kumpara sa nilagang gulay at walang lasa nilang karne. Nakasimangot ako habang tinatampisaw ang kamay sa tubig. “Nabobored na ako rito. Gusto ko nang makauwi.” “Pillow, si Kiana ito.” Imporma niya kasabay ng tatlong katok. “Pasok ka.” “Hindi na, pinasasabi lang ni pinuno na may ipagagawa siya sayo. Ang pagsasanay mo raw ay magsisimula pagkatapos ng iyong pagligo.” “Okay.” Nagmadali akong naligo at nagbihis. Sinuot ko lamang ang isang jeans at puting t-shirts. Kinabit ko rin ang hairpin na binili ni Kiana. Pinasadahan ko ng ulang ulit ang sarili sa salamin bago naglakad patungo kay Pawn. “Go to the library. Aralin mo lahat ng pwede mong aralin. Huwag kang gagawa ng katangahan. Hindi ko gustong mabahiran ng kahit anong dumi ang pangalan ng Hood ko,” ani niya. Itinirik ko ang mata ko at iningat ang itaas kong labi pakaliwa. “Stop making fun of me!” Singhal nito. Ang mga mata niyang kulay berde ay nanatiling na sa babasahin. Inulit ko pa nga ang pagkiwit. Hindi naman siya nakatingin sa 'kin. Kulang na lang ay ilabas ko ang dila ko at sambitin ang salitang nyenye! Patuloy lang ako sa panunuya sa kaniya. Hindi naman ito nakatingin sa 'kin Kaya—isang basang basahan ang tumilapon sa mukha ko. “Urghh!” Sumilay ang pigil na ngiti sa labi niya, ganoon rin ang hitsura ng mga miyembrong nakatayo sa gilid. Mga bweist na ito! Pinagkakaisahan ako! Nagmartsya ako palabas ng kawanihan nito. Marahas kong pinunasan ang basang kumalat sa balat ko. Napaangat ang balahibo ko sa pandidiri. “Saan niya kaya pinunas 'yun! Grrr!” Dinala ako ng mga paa ko sa isang silid-aklatan. Wala itong pintuan at wala ring dingding na pumapalibot. May mga poste lamang itong sumusoporta sa batong nagsisilbing bubungan ng aklatan. “Ang ganda,” bulalas ko habang papasok. Kumpara sa high tech na gamit sa labas ng Academy na ito. Hindi maiibsan ang kamanghaang madadama mo sa sandaling masilayan mo ang library nila. Ang nagbibigay liwanag rito ay ang sinag ng araw na pumapasok sa magkabilang bahagi ng lugar. Kumikinang ang mga poste sa tuwing tumatama ang sinag ng araw. Tila mga dyamanteng nagkikislap. Ang tukador nito ay yari sa narra, luma na ngunit hindi makikitaan ng alikabok sa kahit saang sulok. Kayumanggi ang kulay nito na may halong kahel. Makintab at apakalinis ng lugar na ito. Napakapayapang tumambay rito. Nakasalansang mabuti ang mga aklat sa kabinete. Tila hindi ito nagagalaw ng kahit na sino. Nakaaaliw itong pakatitigan. Parang hindi mo gugustuhing hawakan ang mga ito. Tila ayaw mong masira ang pagkakasalansan. Mula sa silangan at kanluran malayang naglalabas masok ang mga ibon, paru-paro at iba pang mga insekto o hayop sa himpapawid. Paminsan-minsan ay dumadapo ang mga ito sa tuktok ng gabinete at agad ring lilipad. Tila nasa isang paraiso ka sa aura ng lugar na ito. Napahawak ako sa gilid ng aparador. Isang tulak mo lamang sa isang lalagyan ay lahat ng ito ay magsisitumbahan. Magandang taguan kung sakaling may humabol sayo. Isang tulak mo lang ay makatatakas kana! Pumalakpak pa ako habang ini-imagine ang magaganap kung sakaling may magtangka na naman sa buhay ko. “Shhhhhhh!” Ani ng isang matandang lalaki. May suot itong salamin na nakapatong sa malaki at nagmamayabang nitong ilong. Halos kasing laki lamang ng piso ang babasaging salamin niya. Napatango na lang ako at inilagay ang daliri sa bibig ko. “Shhhh!” Panggagaya ko na ikinadilat ng mata niya. Pilit akong ngumiti na alam ko namang magiging ngiwi rin ang kalalabasan noon. Binilisan ko ang paglalakad at nagtungo sa kabilang hanay. Ang bawat paglapat ng aking sapatos sa sahig ay naririnig sa buong aklatan. Nakakatakot ang katahimikan sa library. Baka ultimong pagbulong ng bubuyog ay marinig rito. “Pillow..,” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” “Ayy palaka!” Ume-echo sa buong aklatan ang sigaw ko. Narinig ko ang mabibilis na yabag na patungo sa 'min. Mabilis akong hinila nito at naglipat-lipat sa ibang hanay ng aklanatan. Nang tumigil kami ay hinampas ko siya. “Bakit mo ako ginulat!” Halos walang boses kong bulong sa kaniya. Napakamot ito ng ulo at kumuha ng libro. Sinenyasan niya ako gamit ang mata niya. Dali-dali rin akong kumuha ng libro at nagkunyareng naghahanap ng kung ano. “Shhh!” Napatango kaming dalawa dahil sa masamang titig ng biblyotekaryo. Napasapo ng dibdib si Dh at sinulyapan pa ang ginoo kung na r'yan pa ba. Nakahinga naman ito ng maluwag ng masigurong wala na ito. “Muntik na tayo roon! Alam mo bang palilinisin tayo sa buong aklatang ito kung nahuli tayo!” “Bakit mo kasi ako ginulat!” “Aist! Hindi naman kita ginulat! Sadyang nagulat ka lang!” “Bakit ka kasi nandito!” Napatigil ito at may kinuhang papel sa bulsa niya. Isang maliit na papel na magkakasing kulay na ng manila paper. Marahil ay may sa kalumaan na. “Hanapin mo raw ang mga aklat na ito at pag-aralan.” Kinuha ko naman ito at binasa. RPA Golden, Silver and Bronze Rules. “Mauuna na ako Pillow. Magsasanay pa ako kasama ang iba. Aralin mo 'yan 'ha. Magagamit mo 'yan sa ibang pagsusulit!” Tinanguan ko na lamang ito habang papatakbong lumabas siya ng silid-aklatan. Nagpalinga-linga na lamang ako sa hanay ng libruhan upang hanapin ito. “Role Play Academy Books Section.” Basa ko sa karatulang nasa ibabaw ng isang hanay. Nasa pinakadulo itong bahagi ng silid. Madilim pa ang bahaging iyon. “Narito ka rin pala.” Napapikit ako sa gulat at naikuyom ang kaliwang palad. Naunat ko pa ng malapad ang labi ko sa gulat. Bakit ba ang hilig nilang manggulat! “Ang hilig niyong sumulpot,” wika ko at naglakad patungo sa hanay ng libro. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang hinawakan nito ang braso ko. “Stop. Anong gagawin mo r'yan.” Hindi tanong ang winika niya kundi isang pagpipigil at pagkumpirma. “Halata naman sigurong magbabasa at mangangalap ako ng ibang impormasyon?” Kumunot ang noo niya at pinasadahan ako ng titig. Mula ulo hanggang kuko sa paa ang panunuya niya. Matabang itong tumawa at tumitig sa aking nakaawang pa ang bibig. Parang hindi nito gustong pumasok ako o masiyadong mababa ang tingin nito sa 'kin? Baka naman akala niya hindi ako marunong magbasa! “Kaya mo bang tanggali ang barrier na pumapalibot sa hanay na 'yan?” “Barrier?” Tumango ito. Inatras ko naman ang ulo ko at kiniwit ang itaas ng bibig ko pakaliwa. “May barrier ang hanay na iyan. Lalo at patungkol ito sa Loob ng Academia. Mga nakatataas lamang na rangko ang makapapasok d'yan. Kaya—” pinasadahan niya akong muli ng titig. “Sa estasdo ng kakayahan mo ay malabo.” “You can't unsealed the barrier,” dagdag pa niya. Para naman akong nainsulto sa sinabi niya. Naiinis na dinuro ko siya sa dibdib. “Tigilan mo ako, makakapasok ako d'yan! Huwag mo akong ginagamitan ng tricky words mo ha! Wala akong nakikitang kahit na ano! Wala!” Naglakad ako palapit at biglang huminto para lingunin siya. Itinuro ko ang mata ko at mata niya. “Watch and learn!” Ani ko na walang tinig. Natatawang tumango ito. Ibinuka nito ang kaniyang ibibig at binasa ko naman ang paggalaw nito. “Go and help yourself,” 'yan ang sinabi nito. Inirapan ko lamang siya at nagpapatuloy sa paglalakad. Habang palalapit ako ay ramdam ko ang mabigat na pakiramdam na bumalot sa paligid. Pabigat ito ng pabigat na para bang may nakamasid sa 'kin. Parang hinihila nito lahat ng enerhiyang nasa katawan ko. Naramdaman ko ang mabilis na mga tinig na umaaligid sa 'kin. May tumatawa, may humahagikhik. May umiiyak, may nagmamakaawa. “Buksan, buksan mo ang tarangkahan! Hawakan! Hawakan ang tarangkahan!” Nagsitayuan ang balahibo ko sa matinis at maliit na boses na bumubulong sa tainga ko. Ramdam ko pa ang mainit na na hangin na pumapasok sa tenga ko. Pinilit kong umatras ngunit wala akong maatrasan. “Buksan ang iyong nakaraan! Tanggapin ang mundong iyong ginagalawan!” Isang malaking boses naman ang bumulong sa 'kin ngayon. Gumapang ang mainit—ang mainit na bagay sa braso ko. Para akong niyayapos nito. Para akong niyuyog-yog. Parang may yumayakap sa katawan ko. Parang sinasakal ako. “Ingatan! Wag mong ingatan! Labanan! Huwag mong labanan! Ikaw at ako ang magiging magkaibigan!” Inilahad nito ang kamay niyang may mahahabang kuko. Tumawa ito ng tumawa. Parang nasisiraan ito ng ulo. Nawiwindang ako sa mga labing kumukutitap sa dilim. Ang kamay lamang niya ang maaaninag ko sa gitna ng kadiliman. Nakaririnig ako ng kaluskos, parang may kumakaykay sa dingding. Parang mga kukong pilit kumukotkot sa matigas na bagay. Parang gusto nitong kumawala! Parang nahihirapan ito at gustong lumabas. “Gising! Huwag kang gigising. Lahat ng gusto mong malaman ako ang magbibigay katuparan sa iyong hiling!” Nahihipnotismo ako sa kaniyang boses. Nadadala ako sa paglahad ng kaniyang kamay. Gusto ko itong abutin upang sumama. Gustong-gusto kong sumama. Isang mahigpit na bagay ang pumalibot sa akin. Para akong iniipit! Hindi ako makagalaw hangang sa madama ko ang matulis na bagay na bumaon sa pagitan ng leeg at batok ko! Nangyari na ito. Alam kong naganap na ito! Sumikdo ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ang mainit na bagay ay muli kong nadama! Ang tila buhay na nilalang ay muling naglakad sa daluyan ng dugo ko. “Cyptus! Enough!” Napukaw ang diwa ko sa malakas na hiyaw. Napamulat ako ng mata at natunghayan ang lalaking mahigpit ang pagyapos sa balikat ko. Tila wala itong malay at hindi gumagalaw. Nakatunghay pa rin ang kaniyang ulo sa aking batok. Ang bigat nito ay sumandal sa katawan ko. Mabibigat ang paghinga ko sa magkalapit naming katawan. Para akong ibinaon sa gitna ng nagyeyelong lugar. Humihiritibo ang puso ko dahil sa mainit niyang katawan. “Cy—cyptus,” tawag ko “Ka—kai. Pa—paki aalalayan ako,” nanghihina nitong saad. Hinawi ng lalaki si Cyptus sa katawan ko. Umungol pa ito na parang ubos na ang lakas. Inakbayan siya ni Kairus at inilagay ang kamay niya sa balikat nito. Sa isang malakas na ihip ng hangin ay nawala sila na parang bula. Kinurap-kurap ko ang mga mata at nilibot ang tingin sa paligid. Hindi ko namalayang narito na sila Dh. Nag-aalalang tinitigan ako ni Kiana. Nangungusap ang mga mata niya. Tila nagtatanong ito kung ayos lang ba ako. Pilit na ngiti lang ang ihinandog ko at napayuko. Nanghihina ako dahil sa dama ko pa rin ang matigas na bagay sa leeg ko. Napahawak na lang ako rito at putol ang paghinga dahil sa sumisikdong sakit. Napaangat ako ng may mga papalapit na yabag. “Pawn Calvien.” Binati siya ng nasa palagid yumuko ang mga ito sa kaniya. Pinasadahan ko siya nang titig, binabalot ang lalaki na ito ng madilim na aura. Malamig ang titig at ganun rin ang boses nito. “Ako na ang kukuha ng libro na kailangan mo,” wika ng lalaking kararating lamang. Hindi man lang ako nagawang sulyapan. Dumiretsyo lamang ito sa hanay ng mga libro. Walang kahirap-hirap itong pumasok loob. Nakita ko ang tila salaming pinasukan niya. Parang isang jelly ace na umalon ang harang ng pumasok ang lalaki roon. Inimuwestra lamang niya ang kamay sa harapan ng gabenete. Ilang saglit pa ay may papalapit na librong nakalutang sa hangin. Tila hinigop ito ng kaniyang palad ang libro dahil mabilis itong napasakamay niya. Parang may magnet ang mga palad niya na labis kong ikinamangha. Para akong nasa mundo ng pagpapantasya. Lahat ng natutunghayan ko ay nakakagilalas. “May oras ang paggamit n'yan. Magkukusang babalik ang aklat sa loob ng hanay kapag natapos na ang oras ng iyong pagbabasa.” Inabot nito ang libro sa 'kin. Buong puso ko itong tinanggap. Walang emosyon ako nitong tinitigan na parang diring-diri siya. Ibinagsak nito ang libro sa palad ko. Halos mabitawan ko ito dahil sa bigat. Napakabigat niya para sa isang makapal na libro. Tsss! Hindi pa ako nakakabawi sa pangyayari kanina ito nanaman ang panibagong sakit sa ulo! Nakababa ang mga kamay ko sa binti habang hawak ang libro. Pilit ko itong inangat ngunit hindi ko ito maangat. Umiling ang lalaki at naglakad palayo. Habang binabaybay niya ang daan palabas ay yumuyuko ang nakakasalamuha niya. Respetado rin siguro ang isang ito. Anong rank kaya siya? “Pillow!” Si Kiana. Dinaluhan naman ako nila Dh ng tuluyan itong makaalis. “Ako na Pillow,” ani ng isang lalaki. Kinuha nito ang libro ngunit ganoon rin, nahirapan siyang buhatin ito. “Ako na Death!” Presinta ni Dh. Walang kahirap-hirap nitong binuhat ang libro. Parang normal lamang hindi katulad namin na tila bigat na bigat. Ilang saglit pa ay napasinghap kami sa pagbabalik ng libro sa mga palad ko. Parang may buhay ito at kusang pumatong sa kamay ko. Kamuntik pa akong mapasubsob dahil sa pagkawala ng balanse. Mabuti na lamang ay alerto si Kiana at Death. Nahawakan nila ako sa braso kahit muntik na rin silang matumba. “Mukhang nilagyan ng Spell ni Pawn Calvien ang libro. Maraming may nais basahin 'yan Pillow. Napaka swerte mo at nakabilang ka roon.” Tahimik lang ako nakikinig. “Ngunit sa oras na binuksan mo ang pahina, Pillow. Magsisimula ng tumakbo ang Hour Of Book. May labing pitong po't anim na minuto ka lang upang basahin iyan.” Paliwanag naman ni Kiana. Ganito kahigpit ang Academia sa eskwelahan na ito? Baka maraminh importanteng impormasyon ang nandito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung anong pinasok. Kung anong nilalang ang nasa paligid ko at kung bakit may mga kapangyarihan sila. “Sasamahan ka na namin. Baka may mangahas na sumugod sayo. Ngayon ang araw ng pagsusulit ng mga ikawalang henerasyon ng Weller Hood.” Akala ko ay kaunti lamang ang tao sa Academia. Ngunit marami pa ata akong makikilalang mga nilalang sa pagtatagal ko dito. “Sige na Pillow. Magsimula kana.” “Kami na ang bahala. Doon lamang kami sa sulok magbabantay. Basahin mo lamang ang mga mahahalagang impormasyon.” Napatango ako sa mga tinuran nila. Inalalayan ako ni Kiana paupo at hinawi ang hibla ng buhok ko. “Mu—muli ka bang minar—” “Kiana,” may pagbabanta sa boses ni Dh. Napaangat ako nang tingin sa kanila. May hindi ba ako alam? Bakit pinutol agad ni Dh ang sasabihin ni Kiana. Marahil ay isang sikreto na naman ito na hindi nila pwedeng ipaalam. Napayuko naman si Kiana at nagpaalam na uupo sa kabilang lamesa. Hindi a lanng ako umimik. Tumalikod at naglakad na rin si Dh at Death sa harapan. Pinakatitigan ko ang libro. Ang pabalat nito ay gawa sa ugat ng matandang halaman kung hindi ako nagkakamali ay mula ito sa puno ng Balete. Hinaplos kl ang nakabalukto na ugat. Luma na ngunit kumikinang ang bawat letra na nakasulat sa pahina. Sa gitnang bahagi ng pabalat ng libro ay isang bilog na hindi ko mailarawan kung ano ba ito. Tila isa itong salamin ngunit may umiikot na kung ano sa loob. Para itong may usok na hindi ko maipaliwanag. Nakakamanghang magpasdan ang umiikot sa loob. Ang nagsisilbing selyo nito ay ang bilog na ito. ‘Paano ko ito mabubuksan.’ bulong ko sa sarili. ‘Ilagay mo sa gitna ang daliri mo Pillow.’ Napalingon ako sa paligid sinong nagsalita. Para akong nakaheadset nang madinig ko ang boses na iyon. Tumawa pa ito kaya mas lalo akong kinilabutan. Parang nasa loob ito ng tainga ko! ‘Si—sino ka?’ Para akong siraulo na kinakausap ang sarili. Narinig ko ang isa pang mahinang tawa. Nabitawan ko ang libro sa lamesa at napatakip sa magkabilang tenga. Humagikhik ang tatlong boses. Tatakpan ko sanang muli ang taiga ko ng sumingit ang libro sa kaliwang palad ko. Napadaing ako ng maipit ito sa pagitan ng libro at lamesa. ‘Si Dickhead to.’ ‘Bakit na sa tainga kita! Anong ginagawa mo d'yan!’ Lumakas ang pagtawa nito na umalingawngaw sa buong aklatan. Mabilis ko siyang nilingon at pinanlakihan ng mata. Kanina lamang ay nasa loob siya ng tainga ko. Ngayon ay prenteng nakaupo sa upo sa malayong hanay ng mga libro. Dumating ang biblyotekaryo. Salubong ang kilay nitong tumingin sa paligid. Nang magtama ang aming mata ay mabilis itong nakarating sa harapan ko. Napasinghap pa ako dahil sa bilis niya. May hangin pang dumampi sa mukha ko na tila may mabilis na sasakyan ang dumaan. “Paano mo nakuha ang kalat na iyan?” “Po?” “Iangat mo ang libro!” Inangat ko ang libro ngunit hindi ko maiangat. Hirap akong angatin ito. Hinawi niya kamay ko at pinalutang ang aklat sa hangin. Napasinghap siya ng bumalik itonh muli sa mga palad ko. “Paano mo natakasan ang Guardian of Past?” “Guardian of Past?” Nanlilisik ang mga mata niyang sinulyapan ang hanay ng libro sa madilim sa sulok ng aklat. Sinundan ang tinititigan niya. Napaatras ako ng may nakita akong nilalang na may malapad ang ngiti. Nanginig ako at umatras ng umatras. Nakangisi ito sa 'kin. Wala itong katawan. Mata lamang niya at bibig ang nakikita ko sa madilim na aklatan. Lumabas ang ginto nitong kamay na may mahabang kuko. “Huwag mong ilalahad ang kamay mo sa kaniya.” Umiling ako at napalingon sa nagsalita. Seryoso ang tingin niya sa hanay ng mga libro. Tila may nakikita rin siya roon. Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa bilog ng aklat. Humapdi ito at parang hinihiwa. “Si—sinong mga magulang mo?” Tanong nito, napailing ako dahil ko kilala ang mga ito. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ang mga daliri. ‘Pi—pillow. Hindi ka namin malapitan dahil nasa tabi mo si ginoong Morgan.’ ‘Dh, ako nang bahala kay Pillow.’ Napaling ang paningin ko sa katabi ko. Kinakausap niya si Dh sa tenga ko. ‘Masusunod ginoong Morgan.’ ‘Humayo na kayo at ipaalam kay Cyptus.’ Nakaramdam na naman ako ng tila ay dumaang mabilis na sasakyan. “May isang oras at anim na minuto ka para basahin ang nasa loob. Lahat ng gusto mong malaman ay na r'yan. Ngunit huwag kang lalagpas sa limitasyon mo kung ayaw mong mapabilang sa mga akdang nakasulat d'yan.” Umupo ito sa gilid ko at inimuwestra na buksan ako ang pahina. “Ano ang una mong katanungan?” “Anong klaseng eskwelahan po ba ito?” Sa pagtanong ko ay may liwanag na kulay asul ang pumalibot sa paligid. Nagmumula ito sa loob ng libro. Ang mga letra ay nagsasayaw sa himpapawid bago ito nagtungo sa pahina ng libro. “Role Play World, ito ay isang uri ng eskwelahan para sa mga nilalang na hindi sakop ng mga tao. Ang mga kakayahan at pambihirang kapangyarihan ng mga ito ay mahahasa ng husto. Nakadepende ang kanilang katauhan sa gusto nilang maging.” Ayon lamang ang tinuran ng libro. Wala akong naiintindihan sa mga sinabi nito. Parang hindi nasagot ng libro ang katungan ko. Parang hindi ito kompleto at hindi ko nakuha ang gusto kong kasagutan. “Ang pangalawa?” “Hmmm? Ano ang mga— mga,” Ilang saglit pa ay naging kahel ang paligid. Nasapo ni Ginoong Morgan ang kaniyang ulo. “Ang mga ay isang panghalili.” Nakagat ko ang labi ko. Sorry naman, hindi ko kasi alam ang gusto konh malaman. Nakita ko ang paghilot ni Ginoong Morgan sa kaniyang sentido. “Ang itanong mo ay mga bagay na gusto mong malaman may ilang minuto ka na lamang. Ano ba ang inutos sayo ni Cyptus?” “Role Play Academy Golden, Silver, Bronze Rules.” Salubong ang kilay nitong tumitig sa 'kin. Humalukipkip ito ang panga niya. “Anong binabalak ng batang iyon?” bulong nito. “O siya iba ang hanapin mo sa loob ng libro. Ako na ang bahala sa tatlong sanghay ng rules ng school.” Binasa ko na lamang ang mga bagay na hindi ko dapat labagi at kung labagin ko man ay paano ko ito masusulusyunan. “Golden Rules,” panimula nito. Golden Rules : •Hindi mo maaring ibigay ang tunay mong pangalan at ano mang pagkakakilanlan o katauhan mo sa loob ng Academia na ito. •Tahanan, pangalan, pamilya at ibang impormasyon patungkol sa pagkatao mo. Silver Rules: •Hindi ka maaaring pumatay na makikita ng iba. Pwera na lamang sa loob ng Blood Plus Fight Arena.. •Hindi mo rin maaaring saktan ang ibang miyembro ng walang sapat na dahilan. Pwera na laman kung target mo ito. •Hindi mo pwedeng suwaiyin ang anumang pagsusulit. Wala kang karapatang humindi. (Unless you want to break the rules) •Kapag kabilang ka sa may matataas na rangko ay hindi ka maaaring makialam sa anumang kinasasangkutan ng miyembro mo. Bronze : “Love is Forbidden in RPA.” Tahimik lang ako habang tinatala niya ang Golden at silver rules. Tila wala kang karapatang isatinig ang katarungan. Mukhang ayos naman ang golden at silverv rules. Ngunit ng sabihin niya ang nakalahad sa Bronze ay para akong nanigas. Para akong binalot ng yelo. Parang pina alalahan ako nito. Parang ako ang tinutukoy niya. Sa uri ng tingin niya ay parang para sa akin ang Bronze rules.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD