Pillow's Pov
Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa labis na pagkaantok. Bahagya ring nananakit ang braso at kamay ko. Kung hindi lang ako pilit pinatakas ay hindi siguro malala ang dinanas ko. Baka siguro ay malaya pa akong nakahiga sa dayaming higaan ko sa loob ng seldang kawayan!
Flashback~
“Pillow! Gising!”
Naalimpungatan ako sa mahinang tinig ng isang babae. Mabilis akong napaupo ng may hinagis ito sa gilid ko. Isang lubid.
“Gising Pillow! Balak kang sunugin ng Cuensesa!”
Sinong Cuensesa? At bakit nila ako susunugin? Dali-dali akong bumangon at tinungo ang bintana. Nakita ko ang lubid na initya niya sa 'kin. Kinuha ko ito at dumungaw ako upang tingnan sila. Nakita ko ang iilan sa mga hindi pamilyar na mukha. Dalawang babaeng at tatlong lalaki na may kahel na tattoo na apoy sa mukha.
‘Sinong nagpapunta sa kanila? Paano nila nalamang ang username ko?’
Maaring si tanda ang nagpapunta sa kanila rito. Pinapunra sila upang ialis ako sa kulungang ito. Nagliwanag ang mukha ko habang iniisip na hindi ako nito magawang matiis.
“Hurry up! Baba na!”
“Shut up! Hinaan mo ang boses mo!”
Nagtatalo ang dalawang babae na sinaway ng tatlong lalaki. Baka magising ang mga nagbabantay sa 'kin sa ingay na ginagawa nila.
Wala na akong nagawa nang sandaling iyon kundi ang sundin sila at tumalon na lamang. Parang nabali ang tuhod ng sandaling naibuhos ko ang buong pwersa ko sa pagtalon.
Sa paglapat ng aking paa sa lupa ay agad nila akong hinampas sa likuran. Napadaing ako at parang mawawalan ng ulirat. ‘Sht! Traydor!’
Iniling ko ang ulo ko at sinangga ang pangalawang pagpalo nito.
“Ahhh!” daing ko ng bumaon ang nakausling pako sa palad.
Pumasok ito sa nakatahing sugat ko. Pigil ang paghinga ko sa sandaling ito, baka kapag huminga ako ay maubusan ako ng hangin.
Napasinghap ako ng hinila nito ang kahoy dahilan para matuklap ng bahagya ang aking sugat. Para akong maiihi na hindi ko maintindihan. Nanghina ang tuhod ko at napaluhod ako sa lupa.
Muli isang hampas ang dumampi sa braso. “Ahhhhh!” daing ko at napasubsob na. Dumausos ang aking mukha sa malamig na semento. Dama ko ang pag-init ng pisnge ko. Bahagya pa itong humapdi marahil ay sa mga malilit na batong nakakalat sa lupa.
“Sinong na r'yan!” sigaw ng isang lalaki.
Rinig ko ang pagkalansing ng kahoy sa sahig. Mabilis nila akong hinila sa braso at inakay palayo. Saguyod ang paa ko habang tumatakbo sila. Napatiklop ang tuhod ko at humapdi na ito dahil sa pagtama sa mga matatalim na bagay.
Narinig ko ang mga papatakbong mga yabag nahumahabol sa 'min. Sana ay hindi panibagong kalaban ito!
“Mag sitigil kayo o uubusin ko ang buong Cuensesa.”
Isang malamig na baritonong tinig umalingawngaw sa paligid. Napa angat ako nang ulo. Nasilayan ko ang araw na papaangat na. Ang tila nagliliyab nitong paligid ang hudyat na magliliwanag na.
“Pa-pawn Cy-ptus,” nanginginig na binitawan nila ako.
Napadaing ako ng muling lumapat ang katawan ko sa lupa. Humampasal ang mukha ko sa mabatong lupa. Wala akong lakas upang itinukod ang mga kamay para maiangat man lang sana ang sariling katawan.
“Let her go, pangako walang makaaalam ng sikretong ito,” ani pa niya.
Narinig ko ang mga papalayong yabag nila. Sa isang salita lamang ng lalaking ito ay agad na silang tumalima.
“Itayo niyo siya at palakarin, huwag niyong alalayan upang hindi mahalatang may kaguluhang na naganap.”
“Yes Pawn!” Sabay-sabay nilang ani.
Ramdam ko ang mahigpit nilang paghawak sa braso ko paangat sa lupa. Pilit kong pinatibay ang tuhod ko ngunit tumitiklop talaga siya. Hindi ko kaya, sinong kakayaning tumayo pagkatapos mabugbog.
“Pawn, masiyadong mahina ang katawan niya. Hindi niya na kayang tumayo,” ani ng babae.
Tumigil ito sa paglalakad at lumapit sa 'kin. Hinaplos nito ang leeg ko at dinampian ng halik. May binulong ito na mga diyalekto na hindi ko mawari. Naririndi ako sa mga mumuting bulong nito. Gusto kong takpan ang tainga ko dahil hindi ko gusto ang mga boses na umaaligid sa 'kin.
May dalawang matulis na bagay ang bumaon sa pagitan ng batok at leeg ko. Mahapdi! Masakit! Nakababaliw! Nakapanghihina!
Tinakpan niya ang bibig ko at pinagpatuloy ang pagbaon rito. Muli ay may binulong siyang diyalekto.
Binitawan ako nito at bahagyang inangat ang braso ko. Malalim ang mga titig niya. Ang berde nitong mata ay mas lalong pinatingkad ang kulay. Ibinagsak ako nito sa lupa. Para akong matigas na bagay na basta na lang ihinampas sa sahig.
Malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi normal ang pagpitik nito daig ko pa ang tumakbo nang tumakbo.
Namaluktok ako sa lupa at napaliyad. Parang may gustong kumawala sa katawan ko. Parang lahat ng kalamnan ko ay gusto ng humiwalay sa katawang lupa ko. Tulong! Tulungan niyo ako! Para bang matutuliro ako sa pakiramdam na ito!
Naramdaman ko ang mainit na bagay na gumapang sa ugat ko. Parang naglalakad ito sa loob. Parang may buhay itong naglalakbay sa daluyan ng dugo ko!
“Itayo niyo siya, ilabas niyo sa quadrangle na parang walang nangyari.”
Itinayo nila ako at hinampas ang likuran. Tumuwid ako ng tayo na parang walang nararamdang kahit ano. Parang namamanhid ang buong katawan ko. Kusang gumagalaw at humakbang ang sarili kong paa.
Inilabas nila ako sa piitan. Wala akong nararamdaman na kahit anong sakit bukod sa pagkahilo. Nahihilo ako, hilo na katulad sa ilang araw na hindi sapat ang pagtulog. Hilo na hindi kumain ng ilang araw.
“Iwan niyo siya sa kahoy na tarangkahan.”
Inihatid lamang nila ako sa labasan at malayang pinalakad mag-isa. Kailangan ko raw palabasin na ako ang nagkusang tumakas upang hindi masira ang plano. Anong plano? Planado ang pahampas sa 'kin? Planado ang pagtuklap ng sarili kong balat!
Naguguluhan akong naglakad sa lugar na hindi ko alam. Baguhan pa lamang ako dito kaya hindi ko alam kong saan ako paroon. Hinayaan ko na lamang na dalhin ako ng sarili kong paa sa kung saan man.
Habang naglalakad ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto. Parang nakita ko na ito. Ang pulang buhok nito ay kilalang kilala ko ngunit hindi ko mapagtanto kung sino.
Nilapitan ko ito, may mga babaeng kumaripas sa pagtakbo. Para silang nahihintakutan.
“Sino ka? What are doing here?”
Nahintakutan yata siya kaya biglang bumangon. Napikit-pikit ang mata nito nang ilang ulit bago nakapagsalita.
“A—anong paki mo!” ani niya at nag-iwas nang tingin.
Sinuri ko itong mabuti upang makilanlan. Ngunit, mali ang iniisip ko. Maaaring kahawig lamang siya nito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naramdaman ko mga yabag na sumusunod sa 'kin. Nagsimulang umikot ang paningin ko ngunit kagaya kanina ay nilaban ko ito.
Binangga ako ng babaeng paparating, napasalpak ako sa lupa. Kung hindi lang ako nahihilo ngayon ay baka masipa kita! Lumapit ito sa 'kin at may binulong.
“Pinasasabi ni pinuno ay huwag mong tangkaing gumawa ng anumang kapalpakan. Dumiretsyo ka sa kinaroroonan ng Cuensesa. Labing dalawa ang milya rito.”
“Lumiko sa kanan ko at kumaliwa ka, mula sa silangan ay tahakin mo ang makitid na pasilyo. Nandoon nagtipon ang Cuensesa na balak sumunog sayo ng buhay.”
Pagkatapos niyang sabihin ito ay mabilis niya akong pinatayo. Pinatunog pa niya ang hinlalaki ko upang mapawi ang pagkahilo.
Tanaw ko sa malayo ang grupo ng mga babae at lalaking nangangatog sa kaba. Nanghihina man ay sumige ako sa paghakbang upang masilayan ang ginagawa ng lalaking may pulang buhok.
“Matitikman niyo ang pakiramdam ng pananamantala!” sigaw nito.
Halos mawalan ng malay ang nakakumpol na mga tao sa quadrangle. Nakita ko ang bawat panghihina ng tuhod ng mga ito.
Sarili niyang miyembro ay hindi niya madisiplina ng tama at mapakiusapan ng maayos.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pasuray-suray na humakbang. Kailangan kong makaabot sa sementong upuan. Kahit doon lamang ay pansamantala akong makapagpahinga.
Iniling ko ng ilang ulit ang ulo dahil sa paglulumikot ng paligid. Nauubos na ako ng lakas sa bawat mahihina kong hakbang. Kailangan kong bilisan at maabot ang upuan!
Muli kong ipinikit ang mata ko sa pagmulat ko ay may isang bulto ng lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Matiim siyang nakatitig sa 'kin. Tumaas-baba ang dibdib ko sa kaba.
Walang sabi-sabing binuhat ako nito at hindi umiimik na naglakad patungo sa puno ng mangga.
“You look pale. Ikaw ang kapapasok lamang na miyembro?” tanong niya habang maingat akong pinauupo.
Huminga ako ng malalim at tumikhim.
“Why are you helping me? Hindi ba't kabilang sa nakasulat sa form ay kapag may pagkakataon ay paslangin ang matatagpuang mahina?”
Mahina itong natawa. Ibinaba nito ang kaniyang pamana sa puno at itinukod ang mga kamay sa likuran.
“Ang ibig sabihin ng katagang iyon ay ang patayin ang mahihina na nasa loob ng Blood Plus Fight.” ani nito at tinanaw ang kaganapan sa gitna ng quadrangle.
“Balita ko ay ikaw ang target ng Cuensesa? Ngunit bakit narito ka? Bakit inihahain mo ang sarili mong buhay sa nakatakdang kumitil nito,” ani niya.
Matabang akong napangiti. Ako? Papatayin nila, edi uunahan ko sila. Hinablot ko ang pamana niya. Nanghihinang tumayo ako at buong lakas na ininunat ang palaso sa pamana.
Napatayo ang katabi ko at akmang hihilain ng bigla ko itong nabitawan. Dahil sa pwersang dulot nito ay dumugong muli ang sugat sa palad ko. Napayuko ako at napahawak sa tuhod ko.
Napalunok ako sa humahapdi kong lalamunan. Not now, please. Pinananalangin ko na huwag akong mawalan ng ulirat sa mga oras na ito. Ngunit nandidilim at namamanhid na buo kong katawan. Hindi ko na alam ang kaganapan sa paligid ng tuluyan akong lamunin ng kadiliman.
End of Flashback~
Ayon lamang ang naalala ko sa mga naganap.
“Pillow? Ayos ka na ba?”
Nag-angat ako ng ulo ngunit hindi dumilat. Ramdam ko ang pagtulong nito na makaupo ako.
“Salamat.”
Iginala ko ang buong tingin sa paligid. Nasa isang kawayang kubo ako.
“Nasa kampo ka natin. Eto inumin mo na ang gamot,” ani pa niya.
Tinitigan ko lang ang gamot. Kinuha ko ito at idinikit sa labi niya. Hindi mo ako maiisahan. Alam kong gusto niyo lamang akong gamitin para umangat kayo sa rangking!
Iniatras niya ang kaniyang ulo.
“Higipon mo muna ang gamot, bago ko inumin 'yan.”
“Sa tingin mo ba may lason to?”
Mapakla itong natawa.
“Sayo mismo nanggaling 'yan wala akong sinabi.”
Tinutukan niya ako ng punyal. Nanginig ako sa takot ngunit hindi ako nagpatinag. Inilapit ko pa ang leeg ko sa patalim niya na ikinasinghap nito. Dama ko ang paghapdi ng balat ko ngunit pinilit kong hindi sumilay ang pagngiwi ng labi ko.
“Kiana! What are you doing!”
Mabilis na naglakad sa amin ang lalaking kararating lamang. Nataranta ito at nabitawan niya ang punyal ngunit sumagyad ito sa collar bone ko. Mahina akong napadaing at mariing hinawakan ito upang hindi sumirit ang dugo.
“Sht! Pillow!”
Sinamaan ko lang siya ng tingin at muling hiniga ang katawan sa kama. Malalim ang hiningang pinakawalan ko. Dinaluhan ako ni—sino nga ba ito.
‘Ano nga ba ang pangalan nito?’
“Dickhead,” aniya.
Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya. Ano raw? D—d**k head? Anong dickhead? Napakamot siya sa ulo bago muling nagsalita.
“Dickhead ang username ko.”
Aniya niya na tila nabasa ang iniisip ko.
Napa ahhh nalang ako. Kinuha nito ang kamay ko na nakatabon sa collar bone ko. May inilapat siyang gamot na sobrang hapdi. Napaliyad ako sa sumikdong sakit. Bahagyang umangat ang sando ko at sumilay ang maputi kong tiyan. Agad naman tinabunan ni Kiana ang tiyan ko. Pinasalamat ko siya gamit ang aking mga mata.
“Masiyadong mainitin ang ulo ni Kiana kapag pinagbibintangan siya ng hindi niya ginawa.”
Umalis ito sa pagkakaupo at sinenyasang si Kiana ang magpatuloy.
Nanatili akong walang imik habang nilalagyan ni Kiana ng benda ang sugat ko. Wala na si Dh sa loob ng silid umalis na ito. Kami na lamang dalawa ni Kiana ang nasa silid.
Katahimikan ang namayani sa buong paligid. Hanggang sa tumikhim ito upang basagin ang katahimikan.
“Bakit mo naisipang pumasok dito? Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte dahil hindi ka napiling iwalay sa pamilya mo.”
Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Tila natigilan naman ito sa winika niya. Napakurap-kurap siya at hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin. Sa pagkakaalam ko ay pinamimigay ang flyers upang mag enroll rito. Ngunit ani ang ibig sabihin niya sa hindi ako napiling iwalay sa pamilya?
“Anong ibig mong sabihin?”
Hinuli ko ang mata nitong pilit niyang iniiwas. Hindi siya sumagot at mariing itinikom ang mga labi. Nanginig ang kaniyang kamay na parang may kinatatakutan siya. Umiling siya ng tatlong beses at nagpaalam na aalis na.
Hindi ko na siya kinulit dahil gusto ko na rin naman na mapag-isa. Nirerespeto ko ang desisyon niyang hindi sagutin ang katanungan ko. Baka mapahamak pa siya kung kukulitin ko itong magsalita. Sa eskwelahang ito ay hindi pwedeng ipagkatiwala ang natatanging lihim mo. Naiintindihan ko na kahit papaano ang mundong pinasok ko.
Ilang araw pa lamang ako ay labis na ang kaganapan na nasisilayan ko sa loob. Kumusta na kaya si tanda? Kumakain kaya siya sa tamang oras? Iniisip kaya niya ako? Namimiss ko na ang mga pangaral at pagsigaw nito sa 'kin. Magkikita pa kaya tayong muli?
—
Makalipas ang isang linggo ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Naiwan ang mga peklat at iilang gasgas sa aking mukha, leeg at braso. Malayo na sa makinis na balat ang matutunghayan sa panlabas kong anyo.
Gayon pa man ay ayos lang. Ang mga peklat na ito ay hindi ko kailanman pagsisisihan. Ito ay ang mga tanda ng eksperyensang magpapaalala sa 'kin ng mga leksyon natutunan ko.
Masaya akong gumising dahil ibinalik na ang mga gamit ko. Narito rin ang ilan sa mga kagamitan ko pati na rin ang pinakamamahal kong cellphone. Hinagkan-hagkan ko pa ito bago ko inopen. Halos manlumo ako ng No network available ang nakalagay sa pinakaibabaw ng screen.
Alam kong kakaibang school 'to! Pero hindi ko akalaing ganito ito ka weird! Expected ko namang maaaring wala itong signal. Ang pinagtataka ko lamang ay ang mga malakas na signal sa mga gadget na mula sa loob ng paaralan.
“Haysss! Tanda! Pakikuha na agad ako rito!” inis kong sigaw sa gitna ng school quadrangle.
Masama akong tinitignan ng mga studyante. Mukhang na we-weirduhan sila sa ikinikilos ko. Nagbubulungan pa ang mga ito habang matiim ang pagtitig sa 'kin.
Pakialam ko? Nakaligtas nga ako sa sunog! Nakaligtas sa pagpatay sa 'kin! D'yan pa kaya sa masasama nilang tingin?
Umismid ako at nagpapadyak sa inis! Iwinasiwas ko ang buhok ko sa hangin at parang batang nagmamaktol.
“Ahhhh! Ilang linggo palang mamatay na ako sa ganitong sistema!” sigaw ko ulit ng ubod ng lakas.
Napatirik ang mga mata ko sa kawalan dahil sa sobrang pagkasiphayo. Kahit internet man lang sana! Kahit internet!
“Internet!!!!!”
“Stop being a brat!” singhal sa 'kin ng baritonong boses.
Lumabas ang hangin sa ilong ko na tila mag aanyong dragon ako sa mga oras na ito. Itinikom ko ang bibig ko at itinaas ang dalawang salubong ko na kilay.
“Walang internet na pumasok mula sa ibang mundo dito Pillow,” ani ni Dh.
“E bakit may signal ito,” nakanguso kong sambit at inangat ang palapulsuhan ko.
“Dahil ito lamang ang maaaring gumana sa loob. Magagamit mo iyang cellphone! Ngunit walang signal.”
Napabuntong-hininga na lang ako at bagsak ang balikat na naglakad.
Kung sana ay may internet lang, hindi siguro ako makakaramdam ng pagkalungkot. Gusto ko mag video call kay Tanda. Gusto ko itong makita.
Pe Pwede kaya akong manood gamit itong relo? May smartwatch naman sa lugar namin! Baka kaparehas nito ang gadget na 'to! Tila may lumabas na bombilya sa ulo ko at nagliwanag. Napahinto ako at malapad ang ngisi sa mga labi.
“Ano na naman at panay ang hinto mo!”
Napa-igtad ako at masama siyang tinitigan. Ang hilig-hilig naman niyang manigaw. Ang lapit-lapit ko lang naman.
Tinapatan ko ang malamig na pagtitig niya sa 'kin. Akala ba niya matatakot ako? Leader ka lang member ako.
“What?”
Ngumuso ako at umiling. Pinagsalubong ko ang dalawa kong hintuturo bago naglakad muli. Bakit na naman ako sinusungitan nito. Wala naman akong ginagawang masama.
Huminto ako ulit at lumingon sa kaniya. Humaba ang nguso ko nang madilim na talaga ang titig niya. May itatanong lang sana ako kaso parang naiirita na ito.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa matapat kami sa lugar na maraming nakatayo na mga pamilihan. Tumakbo ako roon at masayang hinawakan ang iba't ibang aguhilya. Ang gaganda! May mga ganito rin sa lugar namin pero hindi ganito kakinang!
“Pillow, pinatatawag ka na ni Pawn Cyptus,” ani ni Kiana.
Hayys! Panira naman ng mood o!
Nilingon ko ito habang hawak ang kulay lilang hairpin. Nabatid siguro nito ang na gusto ko ito. Kumuha ito ng isang maliit na pilak na botilya sa bewang niya. Anong gagawin niya roon?
Nanlaki ang mata ko ng hiniwa niya ang pulso nito at pinatulo ang dugo niya.
Nataranta akong hinawakan ang kamay niya. Nasisiraan na ba siya ng ulo? O ba—baka parusa ito dahil humiwalay ako sa kanila!
“Ta—tara na!” Nanlalaki ang mata ko habang hinila siya.
Ngumiti lamang ito at ibinigay sa may-ari ng tindahan ang bottle. Tinanggap naman nito iyon.
“Kunin mo na iyan Pillow. Hinihintay na tayo ni pinuno,” ani niya.
Natulala lang ako habang pinasadahan ang pulso nitong dumudugo. Jusko! Anong kahibangan ito! Mas lalo akong nanlamig ng unti-unting naghilom ito. Naghilom! Nagamot! Nawala!
“Gusto mo ba iyan Miss? Kunin mo na bayad na iyan,” ani ng tindero.
Bayad? Iyong dugo ang pangbayad?!
“Du—dugo ang pinagbabayad rito!?” Bulalas ko na nauutal pa. Tumango naman si Kiana. Ikinabit nito sa buhok ko ang hairpin at hinila na ako.
“Sinayang mo ang dugo mo para sa kapirasong ipit sa buhok?”
“Kaunti lang naman Death.”
Nanatili akong tahimik habang patuloy kaming naglalakad. Du—dugo ang pambayad nila sa lugar na ito? Hi—hindi uso ang ang pera sa kanila? At teka! Bakit naghilom kaagad ang sugat ni Kiana? Bakit parang may sariling buhay ang balat niya at kusa itong nagsara. Napasayaw sayaw ang utak ko sa himpapawid! Gising-gising Pillow!
“Pillow? Kanina ka pa tulala at tahimik? Anong problema?” Tanong ni Kiana.
Tumitig lang ako sa kaniya at sinulyapan ang pulsuhan nitong hiniwa niya kanina. Paano kasing nangyari iyon? At teka alam ko hiniwa niya talaga 'yun!
Iniyuko ko pa ang ulo ko at ngumiwi. Ang dami ko pa yatang makikitang hindi kapani-paniwala sa lugar na ito. Napansin siguro nito na hindi ako mapakali. Hinila niya ako paupo sa pinakamalapit na lamesa.
“Gustuhin ko mang sabihin sayo lahat ng gumugulo sa isip mo, ngunit wala ako sa posisyon upang ilahad ang mga ito. Ikaw lang ang maaaring tumuklas noon.”
“Ba—bakit dugo ang pinangbayad mo?”
“Dahil iyon ang pambayad.”
Naguluhan lalo ako sa sinabi nito. Paano kung marami kang bibilhin? Edi maraming dugo rin ang ibibigay mo? Paano kung gusto mo bilin ang buong pamilihan?! Mamamatay ka bago mo ito makuha?
“Mali, hindi ganoon iyon. Nakadepende sa boteng paglalagyan mo ng dugo ang halaga.”
Napatakip ako ng bibig masiyado bang malakas ang boses ko kaya't narinig niya ito? Nababasa ba niya ang nasa isip ko? Teka? Mas lalo atang gumulo! Ano raw?
Mahina itong natawa at nakapangalumbaba akong tinititigan.
“Halimbawa, pilak na bote nasa dalawang pulgada ang taas nito at isang pulgada ang lapad. Katumbas ng pilak na botilya ay isang daan hanggang sa apat na daan,” paliwanag niya.
Mas lalo lang akong naguluhan. Teka? Isang daanh pulgada? 'ha? Nahalata niya siguro iyon kaya napakamot siya ng ulo.
“Anong ginagamit niyo sa pamimili Pillow? Hindi ko kasi alam, wala akong ideya dahil mula sanggol ay narito na kami,” ani pa nito.
“Pera ang pinangbibili namin. Iba't ibang halaga. Nag uumpisa sa sentimos hanggang sa isang libo. May barya at papel pa,” sagot ko naman.
Napakunot ang noo niya na tila nalito sa sinabi ko. Ganoon rin naman ako kanina nang ipaliwanag niya ang tungkol sa pambayad nila.
“Mas magulo ang uri ng pagbartir niyo,” ani pa nito.
Pareho kaming natawa. Magulo talaga kung hindi mo gaanong kabisa at salta ka lamang sa isang lugar.
“Pinahihirapan niyo ang isa't isa sa pagpapaliwanag.”
Sabat ng isang lalaking kararating lamang. Nakapamulsa ito. Ang moreno nitong balat ay mas lalong tumingkad sa suot niyang puting T-shirt. Umupo siya sa tabi ni Kiana. Pansin ko ang pagkaisawa ni Kiana. Napaurong ito at tila takot na magdikit ang balat nila.
“Kung pera ang uri ng palitan ninyo sa pagitan ng mamimili at nagtitinda. Sa amin naman ay botilyang may dugo.”
Napatango na lang ako. Maikli ngunit malinaw ang pagpaliwanag nito.
“Ang halaga naman ay nakadepende sa uri ng botilya,” sabat naman ni Dh.
May dala itong prutas at lalagyan na may kulay pulang likido. Malapot ang loob noon na tila isang dugo? Oo baka nga dugo. Ipang babayad siguro niya. Ano naman kayang bibilin nito? Napangiwi na lamang ako sa kaisipang hiniwa nito ang pulso niya. Gaano kadaming dugo ang kinuha niya sa katawan?
“Ang pilak ay katumbas ng isang daan hanggang apat na raan. Ang tanso ay nasa Isa hanggang isang daan.” Si Kiana.
“At ang ginto ay apat na raan hanghang sa isang libo,” dugtong naman ni Death.
“Ang Crystal ay nagkakahalaga ng walang hanggang bilihan,” dagdag pa ni Dh.
Woah! Mas lalo akong na-eexcite sa mga nalalaman ko. Hindi na rin masama ang pananatili ko lugar nila kung ganito ang mga natutuklasan mo!
“Ngunit, ingat din Pillow. Dahil sa kaso mo ay mahihirapan ka sa paghilom ng sugat mo. Hindi ka pa gaanong hasa at sana'y.”
“Bakit si Kiana?”
Nagsipag-iwas sila nang tingin at tila ni isa sa kanila ay ayaw akong sagutin. Nagpalipat-lipat na lamang ang aking mata sa kanila. Ano na naman kaya ang nasabi ko at ganito ang kinikilos nila? May sinabi ba akong masama?