Bumalik ako sa pwesto ko at tinulungan na si Sir Harry. Naging maayos naman ang trabaho ko buong araw at wala na rin akong weird na nakita. Baka nga masyado lang akong nag-iisip ng kung ano. Umuwi ako kaagad sa bahay pagkatapos ng trabaho. Pagpasok ko sa kusina ay tanging si Manang Aida lang ang naabutan ko. “Nakauwi na po ba sila mama?” tanong ko. Umiling siya. “Hindi pa. Nagsabi na si Sir Rayver na nasa event sila ni Madam Annika. Siguradong doon na din sila kakain. Ipaghahain na ba kita ng hapunan?” Event na naman? Hindi yata nabanggit ni mama sa akin ang tungkol doon. Sabagay, baka importanteng event o baka ngayon lang din niya nalaman. Anyway, hindi ko naman kailangang malaman ang lahat ng ginagawa nila ni Tito Rayver. Ngumiti ako. “Huwag na po. Mamaya na lang po ako kakain pa

