Sumulyap sa akin si Manang Aida at napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan siya ngayon. Sinabihan niya na ako na huwag akong gagawa ng bagay na ikasisira ng pamilya namin. Pero ngayon nakagawa agad ako ng bagay na nakaapekto sa kompanya. Dapat kasi hindi ako nagkasakit. O dapat hindi ako mahina para kaya ko pa ring kumilos kahit na may sakit ako. Umalis si Manang Aida at kaming dalawa na lang ni Arc ang naiwan. Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko ito. “Bakit mo...inaway si manang?” tanong ko. Tinitigan niya ako. “I didn’t. I just told her to leave. Hindi ko nagustuhan na inilihim niya sa akin na may sakit ka—” “Ako naman ang nagsabi no’n. Tama siya...lagnat lang naman ‘to. Pa’no mo ba kasi nalaman na may sakit ako? Sino’ng nagsabi? H-Hindi...ka na dapat umalis s-sa m

