Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Arc sa screen. Kumabog ang dibdib ko bago ako tumingin kay Lovely. “Ikaw na ang sumagot. Sabihin mo nasa banyo ako,” sabi ko habang inaabot sa kanya ang phone ko. Agad siyang umiling. “Luh! Ayoko nga! Gwapo ‘yang step-brother mo pero nakakatakot siya. Baka magalit siya kapag nalamang nagsisinungaling ako—” “Lovely, please. Ngayon lang ‘to promise.” Tumitig siya sa akin bago bumuntonghininga. “Fine. Ngayon lang ‘to ha?” Tumango ako. Kinuha niya ang phone ko at sinagot ang tawag. Nilagay niya pa ‘yon sa loud speaker para marinig ko. “Lian, where are you? I haven’t seen you the whole day and now, your mom told me that you are in your friend's house.” “Hello?” alanganing sabi ni Lovely. “Kaibigan ‘to ni Lian. Nasa banyo kasi siya kaya

