Hindi ako sigurado kung para sa akin ba ang mensahe na iyon pero natakot ako. Kung para sa akin nga iyon, sino naman ang gagawa? Wala naman akong kilalang may galit sa akin. Sa sobrang takot ay tumakbo ako palabas ng restroom. Nakabungguan ko pa si Arc dahil sa pagmamadali ko. “Hey. Are you okay? Bakit parang natataranta ka?” nag-aalalang tanong niya at sumulyap pa siya sa likuran ko. Huminga ako nang malalim bago umiling. “W-Wala. Halika na, umalis na tayo.” Hindi ko na sasabihin sa kanya ang totoo. Alam ko kung gaano siya ka-protective sa akin. Kapag nalaman niya ang nangyari, sigurado akong magpapa-imbestiga pa siya. Tinitigan niya pa ako saglit bago siya tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami ng club. Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang nasa biyahe na ulit k

