Halos hindi ko na maalala kung kailan huling nasaktan nang sobra ang puso ko. Nakalimutan ko na nga iyong sakit nang mahuli kong nambabae si Anton. Pero ngayon...para na namang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Habang pinagmamasdan kong yakapin si Arc ng first love niya, para akong kakapusin ng hininga. Masakit. Nakakadurog ng puso. At nakakatakot. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Nakatulala lang ako sa kanilang dalawa. Parang sa isang iglap, naging hangin na lang ako. Ang pangyayaring kinatatakutan ko, naganap na. At wala akong magawa kundi ang panoorin silang dalawa. Ito na ba? Ito na ba ang senyales ng tadhana na hindi kami ni Arc ang para sa isa’t isa? Sa ganitong paraan niya ba ako ginigising sa katotohanan? Tiningnan ko ang kamay ko na kanina lang ay hawak ni

