“Lian, buksan mo ‘to! Mag-usap tayong dalawa.” Hindi ko pinansin ang pagtawag ni mama sa akin. Kinuha ko ang maleta ko at inilagay doon ang mga damit ko. Walang awat sa pagdaloy ang luha ko. Mayamaya lang ay bumukas ang pinto at pumasok doon si mama. Siguro ay gumamit siya ng duplicate key kaya nakapasok siya sa kwarto ko. “Ano’ng ginagawa mo? Bakit ka nag-iimpake?”gulat na tanong ni mama. Inagaw niya sa akin ang ibang damit na hawak ko. Tumigil ako at tiningnan si mama. “Lian, ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya. “Hindi po ba kayo naniniwala sa akin? Totoo po ang sinabi ko kanina. Sinisiraan po kayo ni Kira. Nasaktan po ako sa sinabi nila tungkol sa ‘yo kaya nasaktan ko siya.” Hinaplos ni mama ang pisngi ko. “Alam ko, anak. Naniniwala ako sa sinasabi mo. Pero h

