FERNAN “Gising na si Mr. Dela Costa.” Wika ng Doctor na tumingin kay Grandpa. Nagpaalam siya sa akin at nagpasalamat naman ako sa kanya. Nandito kami sa labas ng kuwarto niya. At tahimik na nag-aabang. Humarap ako kay Priya at nagpaalam akong papasok na sa kwarto niya. Nasa labas naman si Xandro ay si Nara upang tumingin sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay nakasandal na si Lolo sa headboard ng hospital bed. “Maiwan mo muna kami sandali.” Wika niya kay Madie. “Pero Lolo?” Angil niya. “Please apo…mag-uusap lang kami.” Pamimilit ni Lolo sa kanya. Kunot ang mukha na binalingan niya ako ng tingin. Bago siya lumabas ng kwarto. “I’m sorry Fernan...patawarin mo ako kung iniwan kita noong mga oras na kinailangan mo ako...naduwag ang Lolo mo. Akala ko kapag umalis ako mabubunton sa akin

