PRIYA "Yaya Meding, kanina pa po kayo paiko-ikot na parang trumpo sa harapan ko. May problema po ba?" Usisa ko sa kanya. Matapos na magpaalam si Fernan sa amin dahil pupunta daw ito ng hospital. Ngayon daw kasi ang araw ng pag-uwi ng lolo ni Fernan kaya siya ang sumundo dito. "Ewan ko, kinakabahan pa rin ako. Sana lamang tunay na natangap na ni Don Condrad at Madie ang tungkol sa inyong dalawa." Sagot niya sa akin. Hinila ko siya at pinaupo ko sa tabi ko. "Huwag kayong mag-alala. May tiwala naman ako kay Fernan. Alam kong hindi siya papayag na may magpahiwalay sa aming dalawa." Nakangiting sabi ko sa kanya para pumanatag na siya. "Haist, sana nga Priya. Lalo pa ngayon nagdadalang tao ka na sa anak niyo ni Fernan." Nag-alalang tugon niya sa akin. "Nasa maayos naman po kami. Maalaga

