FERNAN Pauwi na kami sa mansyon ngayon. Naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa kaya dahan-dahan kong dinukot sa coat ko. Number ni Xandro ang bumungad sa screen ko. Nakailang missed call na rin pala siya. Ano naman kaya ang dahilan ng pagtawag ni Xandro? “Bakit?” “Mabuti naman at sinagot mo na kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo! Nasaan ka?” Bungad niya sa akin. “Bakit ka nagagalit?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Tinaasan niya kasi ako ng boses kaya medyo naasar lang ako. “Sino hindi magagalit? Kanina pa ako natawag sayo hindi mo sinasagot ang tawag ko.” Medyo mahinahanon na siyang sagot sa akin. Pero ramdam ko pa rin ang inis sa boses niya. “Bakit ba? Nagpunta kami sa mall ng wife ko. Malapit na kami sa bahay.” “What? Okay listen to me Bro. Pumunta ka

