PRIYA “Anak, kausapin mo na kami. Ano ba kasing nangyari?" Pangungumbinsi ni Ina. Kanina pa sila ni Ama dito pero hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanila ang totoong nangyari sa pag-uwi ko ng biglaan. Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan. "Datu Kiram, may kawal po sa labas ng balay. Gusto daw po kayong maka-usap." Imporma ni Mari sa kanya. Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga ni Ama. Nanatili akong nakatalikod habang nakahiga sa malambot na kama. "Ina, paki-usap gusto ko munang magpahinga. Saka ko nalamang sasabihin sayo ang dahilan–" "Nasa labas ang asawa mo Priya." Putol ni Ama na kakapasok lamang sa aking silid. Napabalikwas ako nang bangon dahil sa narinig. "Huwag niyo siyang papasukin kahit anong mangyari." "Anak…paano natin maayos ang problema kung hindi na

